SYXTO POV
Nang maihatid ko na si Luna ay hindi na ako nag-aksaya pa na umuwi kina Dad.
Actually I have my own Penthouse in BGC, binibisita ko lang ang pamilya ko once in a while lalo na kapag nagkakaroon ng problema katulad nalang ngayon.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko agad si Manang Sonia, mayordoma ni Dad.
"Hinihintay ka na ng Daddy mo sa loob, Iho." sabi nito at tumango lang ako bilang sagot.
Dumeretso ako sa sala at doon ko naabutan sila Mom and Dad habang prenteng nakataas ang paa ng sirāulo kong kapatid.
Nang makita ako ni Mom ay agad itong tumayo at niyakap ako. "Bakit ngayon kalang Razzel?" naiiyak nitong sabi.
"Tsk. Isang buwan lang namang hindi umuwi si Kuya Razzel, Mom, don't be so like that." natatawa nitong sabi saka ito tumingin sakin at parang timang na sumaludo.
"Tahimik, Migo!" inis na sabi ni Dad na kinangisi lang nito.
"Pagsabihan mo itong kapatid mo, Razzel, hindi ko na alam ang gagawin ko sakaniya, baka masaktan ko lang siya." sabi ni Dad saka tumayo ito, huminga ako ng malalim at hinaplos naman ni Mommy ang pisngi ko bago niya sinundan si Dad kaya naman naupo ako sa tapat nito.
"Ano nanaman ba ang ginawa mo?" tanong ko.
"Hindi ka ba muna mangangamusta?" natatawa nitong tanong.
"I don't have time to argue." saad ko.
Huminga ito ng malalim saka tumawa ng mahina at naupo ng ayos.
"Kumbinsihin mo si Dad na ibalik na ang kotse ko, he's not listening to me, malay mo sa'yo makinig, after all ikaw naman ang paborito niyang anak." sabi nito sabay ngisi sakin, napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
"And do you think he will listen to me?" tanong ko saka tumayo na.
"Kung may ginawa kang katar*ntad*han, make sure na kaya mong lutasin ng mag-isa yan." sabi ko.
"Alam mo kung bakit ako nagkakaganto, Kuya." sabi nito at huminga muli ako ng malalim.
"Malaki kana, kaya mo na ang sarili mo, kung hindi mo padin siya nakakalimutan puntahan mo siya at panindigan mo." sabi ko.
"She will never forgive me." saad nito.
"That's not my problem anymore, sinaktan mo ang sinasabi mong pinakamamahal mo tas sakin mo sasabihin, ako ba siya?" tanong ko.
"My life now is a mess, how can I face her, how can I face the girl I loved the most?" tanong nito.
"Just figure out on your own, I have my own problem, I have my own life." sabi ko at wala na akong nakuhang sagot dito.
-
Nag-stay nalang din ako para sa dinner ng hindi na magdamdam si Mommy sakin.
"Kamusta ang paguusap ninyo ng kapatid mo?" tanong bigla ni Dad habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.
I sighed. "You know he such a hardheaded, Dad. Hindi makikinig sakin 'yon." sabi ko.
"We know, Razzel, ikaw nalang ang inaasahan namin na makapagpatino sakaniya, ikaw at ang babaing hindi niya makalimutan ang makakapagpabago sakaniya." sabi ni Mom.
"Bakit ba sila naghilaway?" tanong ko.
"I don't know the details, pero ang alam ko may rason daw siya, yung ang paulit-ulit na sinasabi ng Lola niyo pero kahit anong pilit kong itanong sakaniya, his never telling the real story behind of their breakup." sabi ni Mom.
"He loves her so much, kung alam ko lang sana kung saan siya matatagpuan ay kinausap ko na ito pero wala na din akong idea kung nasaan na ang babaing yon." dagdag na sabi pa nito.
"Maybe you can find her---"
" Maricar, enough." sabi ni Dad.
"Madami ng inaasikaso si Razzel." sabi nito.
Napabuntong hininga naman si Mommy, kinuha ko ang tubig na nasa harapan ko at ininom 'yon.
Maybe, this is the best that I can do for my brother. I will find her for him. I will find that girl no matter what.
Pagkatapos ng dinner ay hindi na nga nakipagusap pa si Migo sakin, hindi na din ito sumabay sa pagkain.
"Dalasan mo naman ang pagdalaw dito, anak." sabi ni Mom na kinangiti ko lang.
"Sige na, Razzel, hayaan mo na yang Mommy mo." sabi ni Dad habang lumalapit sakin at may hawak ng tungkod.
"Sige ho, mauna na ako." pagpaalam ko at tumango sila at lumabas na nga.
-
Habang nasa byahe ay hindi mawaglit sa utak ko ang plano kong paghahanap sa babaing kasintahan ni Migo noon, I don't know where I start to find her but I will try.
I call Kieffer.
"Yo, wassup!" pagkasagot nito.
"Sorry, may ipapahanap lang sana ako sa'yo kung ayos lang, alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin." sabi ko habang natatawa.
Narinig ko ang pagsinghot-singhot nito kunwari. "Ako nalang ba lagi? Bakit parang ako nalang? Andyan naman si ano ah..si ano...(sniff)"
"Gsgo!" sigaw ko dito at natawa naman ito ng malakas.
"Nakakadiri!" sabi nito habang parang nanginginig pa.
"Sige, ano ba yan? Basta hindi skeleton nila Jose Rizal at Andres Bonifacio, oks ako diyan." sabi nito at napailing ako sa kalokohan nito.
"Ise-send ko sayo ang dati nitong address." sabi ko at agad itong nag-okay at nagpaalam na ako.
-
Pagkauwi ko sa penthouse ay sinend ko na agad ang address sa account ni Kieffer at naligo na after.
Nang makaligo ako ay kinuha kong muli ang phone at balak ko sanang tawagan si Luna pero put*ngina!
Bakit wala akong number ng girlfriend ko? Normal lang ba 'yon?
Chineck ko ang files ni Luna sa drawer ko, buti nalang talaga at naiuwi ko ito dito at nakita ko nga ang number nito sa information sa resume niya.
I dialled her number and after ilang second ay nagring na ito.
Ilang ring pa bago nito sinagot.
"Hello? Sino---"
"Bakit ang tagal mong sagutin?" tanong ko at natahimik naman ang nasa kabilang linya.
"Hey, are you there?" tanong ko.
"Sir Syxto?" gulat nitong sabi at napairap naman ako.
"Hahalikan talaga kita bukas, hanggang kailan mo ba ako tatawaging Sir ha?" inis kong sabi at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa kaya napangiti ako.
"I'm so happy dahil napapasaya ko ang mahal ko." sabi ko.
"Bakit ka tumawag? Gabi na ah. Hindi ka paba matutulog?" tanong nito.
Huminga ako ng malalim. "I just want to hear your beautiful voice, mahal." sabi ko at natahimik nanaman siya.
"Did I say something wrong?" tanong ko.
"Wala, sige na, matutulog na ako." sabi nito sabay end ng call kaya wala na akong nagawa pa.
Ngumiti ako at itatabi ko na sana ang phone ko ng may magtext at si Luna yon.
"Goodnight, Sir Syxto." (with belat emoticon)
Basa ko sa message nito, at natawa nalang ako sa emoji neto. 'Good night, mahal' sabi ko sa utak ko at natulog na nga.