CHAPTER SEVEN

1.4K 28 0
                                    

Nakatayo lamang ako sa tapat ng kumpanya na pinapasukan ko dahil sa sobrang lakas ng ulan na palagay ko ay hindi ako makakauwi nito dahil nakalimutan kong magdala ng payong dahil kamamadali ko kanina.

Huminga ako ng malalim saka yumuko.

"Miss?"

rinig kong tawag sakin na kinaangat ko ng tingin.

"Sabi ko na nga ba, ikaw yan, bat andito ka pa?" tanong nito at hindi kaagad ako nakaimik.

Sino nga ulit to? anobayan, eto ang napapala ko, lagi akong absent minded.

"I'm Kieffer, your boss friend, hindi mo ba ako natatandaan?" tanong nito ng nakangiti kaya napa 'Ahh' ako saka tumango.

"Teka, wala ka bang payong?" tanong nito saka luminga-linga.

"Wait." sabi nito at sinundan ko naman siya ng tingin at bumalik pala ito ng kotse niya at paglapit nito ay abot sakin ng payong.

"Sa itsura nitong ulan, mukhang gagabihin ka sa paguwi, take this." sabi nito at tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Grabe ka namang makatingin, payong lang 'to, hindi ako nangangain ng maganda." sabi nito sabay kindat na kinatawa ko ng mahina.

"So, kung hindi ako maganda, hindi mo ako bibigyan ng payong?" tanong ko ng nakataas ang isang kilay na kinakagat nito sa ibabang labi niya saka tumawa ng mahina at umiling-iling.

"I never see that coming." sabi nito sabay kindat nanaman saka ako iniwan, kaya kunot-noong tiningnan ko siya at bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang payong na hawak ko.

"Ahh bahala na." sabi ko at binuksan na nga yun at nagsimula ng maglakad dahil wala ng masakyan sa tapat ng company.

PAG-UWI ko ay dumeretso na ako sa kwarto at agad binaba ang dala kong bag at huminga ng malalim saka tumingin sa paligid.

Napangiwi ako dahil bigla kong naalala na pumapasok na si Nanay sa kwarto ko pag andito na ako at magtatanong kung anong nangyare sa araw ko.

Mukhang kailangan kong magdusa ng matagal-tagal.

Agad kong hinubad lahat ng suot ko saka dumeretso sa banyo, nilagay ko naman ang damit na sinuot ko sa basket at binuksan ang gripo at nagsimula ng maligo.

Ngunit habang hinahaplos ko ang aking katawan ay bigla kong naalala ang bawat paghalik nito sa katawan ko, napailing kaagad ako at pinilit iwaksi sa utak ko ang mga kaganapan ng gabing yon.

Pagkatapos ay agad kong sinara ang gripo at nagtapis ng tuwalya at nagbihis na para makatulog dahil panigurado panibagong pagsubok nanaman sakin ang makasama ang lalaking yon.

KINABUKASAN maaga akong pumasok kagaya kahapon.

Yung mga pinaulit nito sakin kahapon ay natapos ko din naman kagabi pero hindi ko na napasa dahil nga ay busy ito kaya naman ngayon ko na lamang ilalagay dahil wala naman siya dito, mamaya pa yun.

Ngunit laking gulat ko ng makita ko siya sa loob, nakatingin sa laptop nito habang ang kamay ay nasa labi nito.

"Sir?... Ahm..good morning po." bati ko at pumasok na nga.

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa laptop niya.

"Sir, ito na po yung mga pinaulit niyo sakin kahapon." sabi ko at this time tiningnan na niya ako.

"Lagay mo nalang dyan, that's not really important." sabi nito at napaawang ang bibig ko.

"Sir, this is the inventory of the sales in your company. So, how come na hindi ito importante?" tanong ko at tiningnan niya ako deretso.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now