_____"So, how it started?" tanong ni Alexa saamin.
"I deserved explanation, Razzel. Umasa ako sayo!" sabi nito at tumango si Syxto.
"Nang maging secretary mo ba siya?" tanong uli nito.
Umiling si Syxto. "I met her in your birthday party..." panimula nito sa paglalahad ng nangyare.
Natawa naman siya habang nagpupunas ng luha.
"So nainlove kayo sa isa't-isa ganon ba?" tanong nito.
"L-Lasing kami at may nangyare saamin nang gabing yon..." sabi ko nang nakayuko pa din.
"Akala ko nung iniwan ko siya pagkagising ko ay hindi na kami magkikita pa pero...nagkita uli kami sa pinagtatrabahuan ko at hindi ko alam na siya ang magiging boss ko..I'm sorry Alexa." sabi ko.
"So, you courted her because you thought mabubuntis siya sa isang gabi---"
"No, you're wrong I courted her because I like her, I like her since the first time I saw her." sabi nito at napapikit ng mariin si Alexa.
Tumango-tango ito at tumayo na at tinalikuran kami nang hindi nagsasalita kaya sana susundan ko siya pero pinigilan ako ni Syxto.
"Let her go for now, I will talk to her again tomorrow." sabi nito at napasuklay na ako sa buhok ko.
Niyakap naman niya ako nang mahigpit. "Magiging okay din ang lahat, mahal. I know Alexa, she's kind and she will understand us." sabi nito at tumango ako at napayakap nalang din sakaniya.
_________
𝖠𝖫𝖤𝖷𝖠
I was sitting beside on my bed when I heard Mom's calling me.
"Alexa, Razzel is here." rinig kong sabi nito kaya napalingon ako dun at tumayo na. I can't resist him.
Pagbaba ko ay nakita ko siya na kinakausap si Mommy and then he smiled when he saw me.
"Maiwan ko muna kayo." sabi nito kaya iginiya ko siya sa sala at doon kami naupo.
"What are you doing here?" tanong ko ng hindi tumitingin sakaniya.
"For you, peace offering." sabi nito kaya tiningnan ko ang mga dala niya isang bocay of sunflower and chocolate.
"I don't need that." sabi ko at ngumiti ito.
"I'm sorry, please." sabi nito pero hindi pa din ako tumitingin.
"I don't want to lose you, Alexa. You're my bestfriend and little sister as well." sabi nito.
"Little sister, tsk! I'm not your sibling!" inis kong sabi at natawa ito.
Tiningnan ko siya ng masama. "Galit ako sayo kasi pinaasa mo ako!"
"Alam mong hindi yan totoo, ilang beses ko sayong pinaliwanag, paulit-ulit Alexa. Kapatid lang ang kaya kong ibigay sayo and more than that---I'm sorry." malumanay nitong sabi.
Napayuko ako. "Alam mong palagi kong sinasabi sayo na maghihintay ako...maghihintay ako kung kailan mo ako mamahalin, I always pretend to be your girlfriend infront of others para lang hindi kalang mapunta sa iba. I love you so much." sabi ko sabay yuko.
Wala akong ibang narinig sakaniya, tila hinahayaan niya akong maglabas ng sama ng loob.
"Bakit siya pa? I know we're not really that close enough but still she's my friend..ang sakit lang isipin na..na sakin na lahat but you still choose her. Am I bad, Razzel? Iniisip ko kasi na hindi siya katulad ko pero bakit na-attract ka sakaniya? Nai-insecure ako, ang sama ko!" sabi ko at hinawakan nito ang kamay ko.
"I'm sorry kung yan ang nararamdaman mo, pero mahal ko talaga siya at wala ka dapat ika-insecure sakaniya, maganda ka, mabait alam kong madaming mas better diyan na iba kesa sakin." sabi nito.
"I don't know pero wag kang mag-alala, hindi ko aawayin si Ahluna kung yan ang kinakatakot mo kaya ka nagpunta dito." sabi ko saka huminga ng malalim.
"Hindi ko iniisip na aawayin mo si Ahluna." sabi nito at ngumiwi ako.
"Pasalamat kalang talaga at si Ahluna yang ipinalit mo sakin dahil kung iba yan sinabunutan ko na siya kagabi pagkakita ko sainyo, I know wala akong karapatan sayo to doing that pero sasabunutan ko talaga siya kung ibang babae yon." sabi ko at natawa ito.
Tumayo na ako. "Sige na umalis kana, magmo-move on pako." sabi nito at tumango ito.
"Sige bye, just call me kung napatawad mo na ako." sabi nito at tumango ako.
"Then wait until you become older!" Sabi ko at natawa siya.
Pagkaalis ni Razzel ay nakita kong may dala-dala si Mom na tray na Muffins.
"Umalis na si Razzel?" tanong nito kaya huminga ako ng malalim.
"Pinaalis ko." sabi ko saka umakyat na.
"Inaway mo nanaman ba, ikaw talaga." rinig kong sabi nito pero diko na pinansin.
PAGKAAKYAT ko ay nahiga kaagad ako sa kama at narinig kong tumutunog ang phone ko kaya kinuha ko yon at nakatatlong tawag na pala si Kieffer.
"Why?" tanong ko pagkasagot.
"Aww. That is sound for being heartbroken di ba?" tanong nito kaya napairap ako.
"Sige na bye---"
"Hey, hold on!" sigaw nito kaya napatigil ako sa pagpátáy sana .
"Bakit ka ba tumawag?" inis kong tanong.
"Hmm. You know, baka kasi dapuan ka diyan ng masama spirit kaya you need a happy party, nagaaya si Yohann, tara?" sabi nito kaya napangiwi ako.
"I don't have time to party, bye---"
"Hep--sandali lang naman! Kita mo to kinakausap pa eh!" sabi nito at napairap ako saka naupo sa sobrang inis.
"Wala kang time pumarty?" tanong nito.
"Oo nga, ang kulit!' inis kong sagot.
"Pero may time kang magmukmok, wow ang galing!" sabi nito kaya inis na napakamot ako sa ulo ko.
"Pakielam mo ba ha? Eh sa gusto kong magmukmok, magrelax, matulog, hindi ba pwede yun ha?" naiinis kong sabi dito.
"Ah ah! Hindi pwede, hintayin moko diyan!" sabi nito at frustrate na pinātāy ko ang phone ko at pumikit.
_______
KOKAK KOKAK KOKAK!
Napabangon ako sa kinahihigaan ko sa narinig, what frog's doing here in my room?!
"AHHHH!" sigaw ko nang makita si Kieffer at hawak nito sa kamay ang isang palaka, bullsh*t!
"KIEFFER ANO BA?!" inis kong sigaw at napatakbo pa sa may kurtina at dun nagtago.
"Good day, sleepy heads!" sabi nito saka ngumiti.
"Ano bang problema mo ha, bakit dinala mo pa yang alaga mo!" inis kong sabi.
"Bakit, she's harmless, baby girl." sabi nito at napairap ako.
"I don't care, alisin mo yan dito kung gusto mong matuwa ako sayo." sabi ko pero ang bw*sit ay inilalapit pa sakin.
"ISA!" sigaw ko at tila natakot naman siya kaya lumayo na ito at agad na nagzipper kunwari ng bibig niya, my god, eehh nakakatakot tingnan si froggy ang laki ng mata!
"Ilayo mo sakin yan baka ipaluto ko kay Manang Aida yan, sinasabi ko sayo!" sabi ko at iniwan itong tatawa.