CHAPTER TWENTY

1.2K 14 0
                                    

Nalaman nila ang ginawa ko, pinaguidance at muntik pang makulong pero...hindi natuloy dahil nakakuha ako ng ebidensya sa balak talaga niya dahil napaamin ko siya noon habang binubugbog ko ito, hindi na nagreklamo ang magulang nito sa takot na mapahiya at lalo na ang mga Principal na wala namang ginawa..."

"B-Bat hindi ko alam yan...wala namang nabalita noon ang nangyare kay Marcus, nagsisinungaling ka ba?!" galit kong tanong at umiling siya.

"Ipinatapon kaagad siya ng magulang nito sa ibang bansa at ako din, pinadrop out na ako sa school pero syempre para hindi kumalat ang tsismis ay itinago din sainyo na drop out na kami ni Marcus, ayon, ayon ang nangyare..." sabi nito.

"Pero bat hindi mo man lang sinabi sakin?" mahina kong tanong.

"Nakiusap sakin ang tatay mo na wag kong ipaalam dahil siguradong sisisihin mo ang sarili mo dahil sa nangyare sakin at ayaw ko din namang sisisihin mo din ang sarili mo..." sabi nito at tuluyan ng tumulo ang luha ko..

"Huuy, ano ba, wag kang umiyak, hindi bagay sayo ang lumuluha mahal ko." sabi nito saka pinahiran ang pisngi ko.

"Masaya akong nakita kitang muli, sobrang saya ko." sabi nito pero agad kong inalis ang kamay nito kaya ngumiti siya ng tipid.

"Paano mo pala ako nahanap?" tanong nito.

"D-Dahil sa boyfriend ko..." mahina kong sabi at kumunot ang noo nito at nawala ang ngiti sa labi niya.

"May boyfriend ka na?" saad nito.

"Bakit mo pa ako tinawagan? Umasa ako sa pagtawag mo sakin na magiging okay tayo." mahina nitong sabi.

"Gusto ko lang linawin ang lahat...dahil ayokong maging kumplikado ang relasyon namin at ninyo..." sabi ko at napapikit to at humawak sa noo niya.

"Ano bang sinasabi mo ha, Moon, kakikita palang natin pinagtitripan mo na ako eh." natatawa nitong sabi.

"Gusto ko lang malaman mo na si Syxto ang tinutukoy ko." sabi ko at agad na napasandal siya sa inuupuan niya.

"Wag mo akong binibiro ng ganyan, moon, baka maniwala ako." sabi nito.

"Sorry..." sabi ko at tumawa ito ng mahina.

"Nakaka-put*ngin* naman!" sabi niya habang umiiling at ngumiti ng mapait.

"So, bakit nakipagkita ka sakin knowing na magkapatid kami ha?" tanong nito.

"Ayoko lang magkagulatan tayo in the future if ever man na magtagal ang relasyon namin.."

"At gusto ko din malaman kung bakit nagawa mo yon, at hindi ko inaasahan ang mga sinabi mo, patawarin mo ako, nasira ko ang buhay mo noon." sabi ko at yumuko.

"Wala namang kaso sakin yun, kahit paulit-ulit mo pang sirain ang buhay ko, ganon kita kamahal pero..arrghh! This man! Syxto! Is really pissing me off right now, hindi mo ba alam na siya na ang pinakamumuhian kong tao ngayon, he stealing my woman, you're supposed to be mine pero ngayon girlfriend kana ng Kuya ko, ang saklap non." sabi nito saka bumuntong hininga at saka tiningnan ako.

"You're okay now?" tanong nito at tiningnan ko siya.

"Ang sabi mo kanina nahirapan ka dahil di mo alam kung bakit ginawa ko yun sayo, ngayon bang nalaman mo okay kana? Ang gusto ko lang naman ang yung palagi kang okay. I'm being your shield nang mga panahong nasasaktan ka, ngayon sino naman ang magiging shield ko ngayong nasaktan mo ako?" tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry.." sabi ko at ngumiti ito saka tumawa ng mahina.

"It's okay, baka pwede pa naman kitang maagaw sa Kuya ko, ang sabi mo nga limang taon kang nag-antay sakin...It's means you still love me, panghahawakan ko yun.." sabi nito at agad kong kinuha ang kamay ko sakaniya.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now