"Miss Perez, bring this paper on Mr. Monteverde's office now, thanks." utos ni Miss Devin na kinatango ko saka kinuha ang mga papeles na binigay nito.
"Uh, wait." sabi nito ng aalis na sana ako kaya napalingon ako sakaniya.
"Jane will be back in Monday, so don't worry, makakabalik kana sa dati mong trabaho, just understand Mr. Monteverde's attitude." sabi nito at natahimik naman ako ng ilang sandali.
"Why? Is there a problem, Miss Perez?" tanong nito at napailing naman ako.
"Ah. No, Ma'am, thanks!" sabi ko at tumango ito kaya lumabas na nga ako sa opisina nito at huminga ng malalim bago pinuntahan si Sir Syxto.
Pagpasok ko ay nagulat ako ng makita si Alexa, kelan pa siya dito?
"Hi, Ahluna!" nakangiting bati nito at ngumiti naman ako ng alangan, tumingin sakin si Sir Syxto pero umiwas nalang ako.
"Sige na Razzel, samahan mo na ako mag-dinner, alam mo namang miss na miss na kita eh." sabi nito.
"I have a lot of work, Alexa, next time nalang." sabi nito saka tumingin muli sakin.
"Sandali lang naman, please, andiyan naman si Ahluna, di ba?" bigla namang sabi nito sakin at hindi ako nakakibo.
Tumayo si Alexa at lumapit sakin saka hinawakan ang kamay ko. "I will bring you lunch too, Ahluna, I promise na sandali lang kami ng boyfriend ko." saad nito na kinataas ng isang kilay ko.
"Alexa, enough." sabi ni Sir Syxto saka lumapit saamin.
"Ahluna is my g----"
"It's okay, Sir Syxto." sabi ko ng may diin sa salita ko so tumitig siya sakin pati na si Alexa.
"What do you mean, Razzel? She's your what?" tanong nito na nakakunot na ang noo.
"I'm his secretary, Alexa! Sige na po ayos lang ako." sabi ko sabay ngiti, tumingin siya sakin at tila parang naiinis nanaman siya, wag ka namang ganiyan.
Ngumiti naman sakin si Alexa. "Thank you talaga, Ahluna, let's go." aya nito sabay hila nasa kaniya.
Huminga ako ng malalim ng makalabas na sila, mukhang lagot nanaman ako sakaniya nito mamaya, ano namang gagawin ko? Hays.
Ilang sandali lamang ay nagulat ako ng makitang pumasok si Sir Syxto, ang bilis naman nilang mag-lunch, napansin kong ni-lock nito ang pinto kaya medyo kinabahan ako.
Lumapit to sakin pero nanatili akong nakayuko, magbibusy-busyhan nalang siguro ako.
"Look at me, Luna." sabi nito pero diko ginawa, nakakatakot ang boses nito.
"Why did you stop me to tell her na girlfriend na kita..." sabi nito at napatingin ako sakaniya. Girlfriend? Napakurap ako, ang speed pala nito, okay.
"Sir Syxto naman!" sabi ko at napabuga siya.
"You still call me 'Sir' huh?" inis nitong sabi.
Tumayo ako at hinarap siya. "Sorry na." sabi ko at napabuga siya ng marahas.
"Akala ko ba ayaw mong magtalo tayo, bakit nagagalit ka dahil lamang pinigilan kita na sabihin kay Alexa." sabi ko, narinig ko ang paghinga nito ng malalim at hinila na lamang niya ako at niyakap.
"I just want to be a good man to you, Luna, ayokong magselos ka kapag andyan si Alexa." sabi nito at natawa naman ako ng mahina.
"Hindi naman ako selosang tao Sir---"
"Enough with that 'Sir'!" inis nitong sabi at natawa muli ako ng mahina.
"Kahit na ikaw pa ang pinaka hindi selosang tao sa buong mundo, I just want you to feel na ikaw lang, ikaw lang ang gusto ko." sabi nito at napalunok ako sa mga naririnig ko.
Lumayo ito ng konti sakin para matitigan niya ako, naramdaman ko nalang na naangkin na pala nito ang labi ko, pumikit ako, ini-upo niya ako sa may desk ko kaya napahawak na ako sa may balikat niya.
"Ever since our first kiss, the only sweetness I crave is the one that comes from your lip." sabi nito sabay kagat ng mahina sa labi ko.
"Talaga? Paano mo nasabi? Eh kapag hinahalikan ka ni Alexa?" tanong ko at natawa naman siya.
"Hindi daw siya selosa." sabi nito.
"Nagtatanong lang naman eh." sabi ko at ngumiti siya at umiling.
"Only your kiss that I want to taste forever.." sabi nito at bumitaw na ako.
"Sige na, baka langgamin na tayo dito." mahinang sabi ko pero kanina pa talaga ako kinikilig sakaniya. Should I feel this, bakit parang mali, napailing ako.
Bigla namang may kumatok kaya nailayo ko kaagad siya at inayos ang sarili ko.
Marahang binubuksan ng nasa labas ang doorknob ngunit ni-lock nga pala kanina ni Syxto ang pintuan, tiningnan ko siya at pinabalik sa pwesto nito dahil baka maghinala sila, mahirap na.
Lumapit na nga ako sa pinto ng makaupo na si Syxto sa pwesto nito at pinagbuksan kung sino ang kumakatok at naginhawaan ako ng makitang si Reena lang 'yon.
"Bakit nakalock?" mahinang tanong nito at nagpatay malisya lang ako.
"Ah. Eh. Nalock siguro kanina..." sabi ko nalang pero napansin ko ang pagtaas ng kilay nito sakin na tila hindi ito naniniwala.
"An-Ano palang kailangan mo?" pagiiba ko dahil baka magingay ito.
"Sasabihin ko lang sana na nasa labas ang brother ni Sir kaso hindi ko muna pinapasok." saad nito na kinakunot ng noo ko at tumingin sa likod ko.
"Eh bat hindi mo nalang papasukin ha?" mahinang tanong ko. Actually mahina lang talaga ang usapan namin ngayon ni Reena.
"For approval. Eh kabilin-bilinan kaya ni Sir na wag basta-basta magpapasok ng kung sino kahit sabihin na related siya dito." sabi nito at bumuntong hininga ako.
"Sige sabihin ko, wait lang." saad ko at tumango ito at nilapitan si Syxto.
"Bakit daw?" tanong nito.
"May bisita ka daw, brother mo daw, papasukin ba namin." tanong ko at sumeryoso ang mukha nito.
"No need, just tell him to leave." sabi nito at tila nagprocess pa sa utak ko ang sinabi nito at saka tumango-tango at binalikan si Reena.
"Ano daw sabi?" tanong nito.
"Sabihin daw na umalis daw ito." sabi ko at huminga ito ng malalim saka tumango-tango.
Pagbalik ko sa pwesto ko ay tiningnan ko agad si Syxto at tila nawalan ito ng mood, bumuntong hininga nalang ako.
_______
AFTER WORK ay inayos ko na ang gamit ko, ang sabi kasi ni Syxto kanina ay ihahatid daw niya ako at kakausapin si Nanay tungkol saamin.
"Syx." nakangiti kong tawag dito pero napakagat ako sa ibabang labi ko ng makitang may kinakausap ito sa phone niya at tila aburido ito.
"Okay, fine." rinig kong sabi nito saka in-end ang call at huminga ng malalim.
"May problema po ba?" tanong ko at natuptop ko ang bibig ko, dahil nagiging formal nanaman ako sakaniya buti nalang hindi nito napansin.
"Something came up, mahal." sabi nito at napayuko ako para itago ang kilig ko ng tawagin ako nitong 'Mahal'
Lumapit 'to sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Hahatid na kita sainyo pero baka sa susunod ko nalang kakausapin ang mama mo, may nangyare lang talaga." sabi nito at tumango ako saka ngumiti sakaniya.
Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na kami sa office na hawak nito ang kamay ko, ayos lang naman dahil kaming dalawa nalang naman dito sa opisina at deretso na kami sa parking.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan nito at nahihiya naman akong magtanong, baka isipin nito na kabago-bago palang namin ay nangingielam na ako sa personal life niya.
"Stop staring at me, mahal." sabi nito saka ngumiti sakin.
"Halata ba?" natatawa kong tanong at tumango ito.
"Ayos lang ako, wag kang mag-alala." sabi nito at tumango muli ako at ibinalik na ang tingin ko sa labas.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]
Storie d'amoreCOMPLETED