CHAPTER TWELVE

1.3K 18 0
                                    

Hinila niya ako palapit sakaniya at tinitigan muna niya ako ng matagal bago ako hinalikan, sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak kong payong kaya naman pareho kami ngayong nababasa na sa ulan.

Medyo madiin at marahas ang paghalik nito sakin, ramdam ko ang paghawak ng dalawang kamay nito sa pisngi ko kaya mas lalong lumalim ang halik nito na diko na namalayan na tumutugon na pala ako.

Unti-unti akong napahawak sa braso nito, tila naliliyo ako sa halik niya. Alam kong may nanunuod samin ngayon pero hindi ko siya magawang itaboy.

Pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil ito at tinitigan ang mga mata ko, ang labi ko saka niya muling siniil yon pero sandali lamang.

Inayos nito ang nagulo kong buhok. "Pwede bang akin ka nalang..." tanong nito saka pinagdikit ang mga noo namin.

"Luna.." mahina nitong pagtawag sakin.

"Umuwi kana---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong bumagsak sakin.

"Sir Syxto!" mahinang bulalas ko.

"Sir! Sir!" mahina kong yugyog sakaniya hanggang sa lumabas na nga sina Maximo.

Agad niya akong inalalayan na ipasok si Sir Syxto sa loob.

"Anong nangyare, Ahluna?" nagaalalang tanong ni Nanay ng maiupo namin siya sa sala.

"H-Hindi ko ho alam, Nay..bigla na lamang siyang nawalan ng malay." sabi ko, agad naman siyang nilapitan ni Nanay at hinawakan ang noo nito at leeg.

"Mainit siya, dalhin mo muna siya sa kwarto mo, Maximo." utos ni Nanay.

"Ha? Bakit sakin?" tanong nito.

"Eh kanino ba dapat?" tanong ni nanay saka naman niya ako tinuro kaya nanlaki ang mata ko.

"Siya ho dapat, siya ho ang katipan niyan e." sabi ni maximo na kinasama ng tingin ko dito.

"Ano bang pinagsasabi mo, Maximo?" naiinis ng tanong ni Nanay.

"O bakit hindi ba? Hindi ba't kanina lamang ay naghahalikan kayo sa gitna ng ulan, ayan tuloy nagkasakit si bayaw." sabi nito at napabuntong hininga nalang si Nanay.

"Sige na. Sige na. Tulungan niyo na lamang ako, ano ba!" inis na sabi ni Nanay kaya binuhat na namin si Sir Syxto at dinala sa kwarto ko.

Inihiga namin siya at agad naman tinanggal ni Nanay ang pagkakabutones ng suot nitong polo, agad na napaiwas ako ng tingin.

"Sus. Kunyari kapa!" mapangasar na sabi ni maximo na kinasiko ko sakaniya.

"Tulungan mo akong bihisan itong boss mo, ikaw naman Maximo, umayos ka nga, kumuha ka ng maisusuot nito." utos ni nanay na sinunod naman niya.

Nanginginig na inupo ko si Sir Syxto at tinanggalan ng suot nitong polo.

Bumalik naman si Nanay na may dalang palanggana at bimpo.

"Hindi ako natutuwa sa mabilis na nangyayare sainyong dalawa ngunit kailangan nito ng alaga ngayon, kaya pakalmahin mo ang sarili mo." sabi ni Nanay na kinatango ko.

Umalis na si Nanay pagkadating ni Maximo. Agad ko siyang pinunasan at pinagtulungan namin ni Maximo na isuot sakaniya ang tshirt nito saka inihiga ito.

"Kakaiba din tong si bayaw e no, masama na pala ang pakiramdam pumunta pa talaga dito at nagpaulan pa, hay nako." sabi ni Maximo at tumayo saka kinuha ang basa nitong damit kaya pinigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Edi isasampay 'to at matutulog na, ano pa nga ba? Ikaw ng bahala diyan sa lovey-dove mo ha, goodnight!" sabi nito sabay sara ng pinto kaya wala na akong nagawa pa.

Inayos ko na lamang ang pagkakakumot nito at agad tumayo na dahil nabasa din pala ako sa ulan kanina.

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ay lumapit ako kay Sir Syxto at naupo sa tabi nito. Hinawakan ko ang noo nito at mainit pa din talaga siya.

Nasa ganoong pwesto ako ng mgmulat ito ng mata kaya naman agad kong inalis ang kamay ko sa noo nito at tumayo.

"Ka-kamusta kana?" tanong ko.

Tumingin ito sa paligid at hinawakan ang noo nitong may bimpo at tinanggal yon saka pinilit maupo kaya naman inalalayan ko siya.

"Hindi ka pa naman okay e, wag ka munang maupo." sabi ko pero tumingin lamang siya sakin.

"Nagaalala ka sakin?" Tanong nito na kinaiwas ko ng tingin.

"M-Magpahinga na ho kayo..." sabi ko saka tumayo na pero bigla nitong niyakap ang bewang ko kaya wala akong nagawa at napaupo ako, tiningnan at tinitigan niya ako.

"Luna, hindi ako titigil sayo." sabi nito at muli nanamang naglapat ang labi namin at sa mga oras na yon ay nagpatiyanod nalang ako sa halikan namin. Nahuhulog nadin ba tlaga ako sa lalaking to? Naramdaman ko ang paglipat ng labi nito sa noo ko.

"Goodnight." mahinang bulong nito sakin at nakapikit lamang ako na tumango.

Tumayo na ako at lumipat sa kwarto ni Nanay.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising para icheck sana si Sir Syxto sa kwarto pero wala na ito d'on.

Agad akong bumaba muli at naabutan ko siya na sinusuot na ang kaniyang polo.

"Uuwi kana?" tanong ko at tiningnan ang orasan at pasado alas tres pa lamang.

"Oo, may nakalimutan pala akong gagawin." sabi nito at tumango ako.

Lumapit 'to sakin at hinalikan ako sa pisngi ko. "Salamat sa pagbabantay mo sakin, wag kana munang pumasok ngayon, alam kong napuyat kasa pagbabantay sakin kagabi." sabi nito.

"Ayos lang ako.." sabi ko at ngumiti ito at pinisil ng mahina ang pisngi ko.

"Luna.." mahina nitong tawag saakin.

Napalunok ako bago sumagot. "Bakit?"

"Natatakot ako sa pag-alis ko ngayon..." saad nito.

"Bakit naman?" tanong kong muli.

"Lagi naman kasi ganto ang nangyayare saatin..magiging okay tas kinabukasan magtatalo nanaman tayo..hindi ba pwede pag nagkita tayo bukas, ayos tayo? 'Wag mo na akong iwasan pa, please." sabi nito habang nakahawak padin siya sa magkabilang pisngi ko.

Yumuko ako at magsasalita pero inunahan na niya ako. "Wag mo na din sabihin sakin na ayaw mo ako." sabi nito at bumuntong hininga ako saka tumango.

Ngumiti naman ito at niyakap niya ako ng mahigpit. "I will try to talk to your mom, tomorrow about us." sabi nito at inilayo siya sakin.

"Us?" tanong ko.

"Luna naman, ayan ka nanaman eh, kakasabi ko lang na maging okay tayo di ba?" sabi nito at hindi na nga ako kumontra pa at tumango.

"Okay?" saad ako at natawa ito ng mahina.

"Ang cute mo." sabi nito at tila nailang naman ako sa ka-sweetan nito.

"Sige na." sabi ko nalang at tumango ito at muli akong hinagkan sa pisngi ko at napangiti na lamang ako.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now