CHAPTER SEVENTEEN

1.2K 17 0
                                    

𝖪𝗂𝖾𝖿𝖿𝖾𝗋 𝖯𝖮𝖵

Nagsisimula na akong gawin ang pakiusap ni Syxto sa akin sa paghahanap dun sa 'Mystery girl' ni Migo.

I was hoping lang na maging okay ang lahat when I find her. Alam ko namang mahahanap ko agad siya kahit saang sulok pa ito ng mundo mapunta.

Magpapaalam lang sana ako kay Syxto pero si Jane ang naabutan ko.

"Si .Syxto?" tanong ko pero mukhang hindi nito alam tss.

Lumabas muli ako at si Ahluna na ang nilapitan ko, I sat in her table and she looked shock when she saw me.

"Sir Kieffer?!" mahinang bulalas nito at napalingon pa sa paligid nito.

"Ano nanaman po ang kailangan niyo, mangaasar kalang ata eh." sabi nito ng hindi makatingin, since kasi ng mahuli ko sila sa office na naghahalikan ay naging ganto na siya well, hindi ko naman siya masisisi.

"No, ikaw naman eh. Magtatanong lang sana ako, where's your boyfriend?" tanong ko at napairap kaagad ito saka huminga ng malalim.

"Sabi ko na nga ba, hindi daw mangaasar." sabi nito at natawa ako.

"Nasan nga siya? May sasabihin lang sana ako pero wala to sa opisina niya." tanong ko.

"Well, Sir Kieffer hindi po ako hanapan ng mga nawawalang tao, bakit hindi niyo po tanungin si Miss Jane." sabi nito sabay smile sakin pero sandali lang yon.

"At saka pwede po ba umalis na po kayo sa lamesa ko at baka kung ano pang isipin ng mga tsismosa dito." mahinang sabi nito at napalingon naman ako sa paligid at tumayo na nga ako sa pagkakaupo ko.

"Okay fine, pakisabi nalang sakaniya pag nakita mo na, aalis lang ako to do something amazing." sabi ko at ngumiwi lang siya at nagnod tss.

NAKANGITING umalis ako. She so cute, actually I like her since I saw her here pero wala, mas malakas ang tama ni Syxto sakaniya at ayokong kalabanin ang kaibigan ko tutal baka hindi din ako deserve ni Ahluna, she's so kind but brave at the same time that's why I can't blame Syxto to love her so much. Hindi na ako eeksena sa lovelife nila.

Ang sabi ni Syxto sakin ay sa Batangas daw nakatira ang babae pero pagkarating ko dun sa address na in-email sakin nito ay iba na ang nakatira.

"Sigurado ho ba kayong walang nakatirang Belinda Alezar dito?" tanong ko.

"Ano ka ba naman fafa, kanina ko pa sinasabi sayo eh pajulit-julit yarn!" inis nito sabi na kinakunot ng noo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi nito kaya huminga ako ng malalim at tiningnan ang kasama kong si Martin, matagal-tagal din tong nagbakasyon kasama ang misis niya kaya bihira nalang namin siya makasama ni Syx.

"Sigurado ka bang tama ang address na napuntahan natin, baka naman mali yan." tanong ni Martin sakin kaya agad na pinakita ko sakaniya.

"Ito paanong magiging mali?" saad ko.

"307 Paloma st." basa ko pang muli.

"Eh baka naman tol wala na dito ang babaing hinahanap natin." sabi naman niya kaya napabuntong hininga ako.

"Magtanong nalang muna tayo, dapat mga lagpas five years ng nakatira dito ang mapagtanungan natin para sure." sabi ko at tumango ito.

Naglakad-lakad na muna kami para magtanong pero wala daw talaga silang kilalang Belinda Alezar.

"Excuse me po, magtatanong lang po sana." sabi ko.

"Sige ano yon?" sabi nito at napatigil sa pagwawalis ng mga dahon.

"May kilala ba kayong Belinda Alezar na nakatira banda dito mga five years ago o higit pa." sabi ko at kumunot ang noo at tila nagisip pa.

"Nako wala akong kilala eh sa totoo lang mga bago na ang nakatira dito, kung gusto mo mahanap yan pumunta ka sa baranggay kaso nga lang medyo malayo yun." sabi nito at tiningnan ko si Martin.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now