Pagpasok ko ay alam kong sumunod si Nanay sakin.
"Sang-ayon ako sa Tiya mo, maigi na nga yun at mayaman pala ang nakasiping mo at hindi kana maghihirap." sabi nito, alam kong hindi bukal sa loob nito ang sinasabi niya.
"N-Nay, kung nanaisin ko, tatanggapin ko na ito sa paulit-ulit nitong pagpapakita ng interest pero ayokong maniwala kaagad, Nay." saad ko.
"Dahil ba ito kay Migo?" tanong nito at hindi ako nakaimik.
"Limang taon na ng huli kayong maghiwalay, hindi mo pa din ba siya nakakalimutan?" tanong nito.
"Ni hindi nga nito nagawa ang magpaalam sa'yo tapos ikaw itong naghihirap diyan." sabi ni Nanay.
"Ano ho ang nais ninyong gawin ko? Naaalala ko ang ginawa nitong pagiwan sakin, paano kung ganun din siya sakin, kapag nagsawa ay iwan din niya gayong nakuha na nito ang nais nito." umiiyak kong sabi.
"Nauunawaan kita pero sana wag mong isarado ang puso at isip mo sa mga taong gustong pumasok sa buhay mo." sabi ni Nanay.
"Sige na, maiwan na kita." sabi ni Nanay kaya tumango ako.
Tama lamang ang desisyon ko, tama lamang na hindi ako magkaroon ng ugnayan sakaniya ngunit bakit nakakaramdam ako ngayon ng panghihinayang, sana lang talaga tama ang desisyon ko, sana lang talaga hindi ko pagsisihan 'to.
KINABUKASAN
Pagpasok ko sa loob ng office ni Sir Syxto ay nagulat ako ng makita si Lorraine sa loob, isa din siya sa mga accounting dito sa kumpaniya.
"Lorraine?" takang tawag ko dito at tumingin siya sakin saka ngumiti.
"Andito kana pala, maaga kasing inannounce ni Sir na ako na muna ang Secretary nito hanggang sa bumalik si Jane." sabi nito at hindi ako nakaimik.
"Maybe he's not satisfied with your work, sorry." natatawa nitong sabi saka dahan-dahang umupo kung saan ako nakaupo dati at pinagcross ang hita nito.
Huminga ako ng malalim saka lumabas na at bumalik sa gawa ko dati.
"Anyare, balik ka dito? Sayang naman, ang ganda ganda na ng view mo dun e." sabi ni Reena ngunit hindi ako umimik.
Hanggang sa nakita ko si Sir Syxto at ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.
"Ay, anyare? Beastmode si Sir? May nagawa ka ba---?"
"H-Ha?" gulat kong tanong ng kalabitin niya ako.
"Huy..teka, wiiit lang? Umiiyak ka?" tanong nito at nagulat naman ako sa sinabi nito at hinawakan ang pisngi ko at may tumutulo ngang luha, bw*sit.
"Wala 'to." sabi ko at binalik ang atensyon ko sa trabaho.
Agad kong pinahid ang luha ko dahil mali 'yon, hindi dapat ako nasasaktan dahil lamang pinalitan niya ako bilang secretary nito.
________
KINAHAPUNAN
Nagulat kami ng lumabas si Lorraine na nakasimangot at tila aburido.
"Hay nako, ang gwapo-gwapo ni Sir ha pero nakakatakot, sigawan ba naman ako dahil hindi ko nalagyan ng asukal yung kape nito, kaloka." sabi nito saka napalingon sakin at nakita ko ang pagismid nito sakin sabay upo.
Pero ilang minuto lamang ay lumabas si Sir Syxto at may mga dalang papeles.
"What is this, Miss Toralba?" tanong nito sabay lapag ng malakas sa tapat nito.
"S-Sir?"
"Do you think, I will proceed this? Ang dami mong typo, alam mo ba yun? Sa trabaho ka kasi magfocus." sigaw nito.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]
DragosteCOMPLETED