𝖫𝖴𝖭𝖠 𝖯𝖮𝖵
Pasakay na sana ako sa elevator ng may tumawag saakin.
"Ahluna!"
Napalingon ako kung saan at nakita ko si Alexa, ngumiti siya sakin at agad na lumapit.
"Alexa?" takang saad ko at sinukbit nito ang kamay nito sa braso ko.
"Sabay na tayo, I want to surprise him." sabi nito at napaseryoso naman ang itsura ko.
Tahimik lang ako sa loob ng elevator at hindi pinapansin ang mga sinasabi niya ng bumukas na ang pinto at tumambad saamin si Sir Kieffer.
"Hi Kieffer, good morning." bati nito at agad natigilan siya at tumingin sa opisina ni Syxto at sakin.
Papasok na sana ito nang pigilan siya ni Sir Kieffer. "He's busy right now, Alexa." sabi nito at tinaasan naman kaagad siya nito ng kilay.
"I'm just giving this, papasukin mo na ako at hindi naman ako magtatagal." sabi nito.
"Wag na nga, next time nalang, mainit ang ulo nito." sabi nito at wala nang nagawa pa si Alexa ng hawakan siya ni Sir Kieffer sa magkabilang braso at sumakay sa elevator, kumindat naman ito sakin bago sumara ang pinto at napailing nalang ako.
Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakasalubong nanaman ang kilay habang nakaharap sa Laptop nito, ni hindi na nga ako nito napansin nang pumasok ako.
"Good morning po." bati ko at inilagay sa desk ko ang bag ko at tiningnan siya, busy pa din ito.
"Gusto mo ng kape?" tanong ko at tinaas nito ang tingin niya sakin at saka ngumiti at tumango at the same time.
Tumalikod na ako para gawan siya ng kape at pagkatapos ko ay inilagay ko yun sa table niya.
Aalis na sana ako ng hilahin niya ako at yakapin ang bewang ko, napasinghap naman ako sa gulat at agad na tiningnan ang pinto dahil hindi pa naman nakalock yon, mamaya may biglang bumukas non at makita pa kami edi lagot na ko.
"Syxto, baka may pumasok." saad ko.
"Wala akong pakialam, mas maganda nga yon at nang malaman nila at hindi na tayo nagtatago." sabi nito at natawa naman ako ng mahina.
"Pagchi-chismisan lang nila ako." sabi ko.
"Hindi nila gagawin 'yon, magtiwala ka saakin." sabi nito at napailing nalang ako habang natatawa.
Hinaplos ko ang buhok nito. "Ayos ka na ba?" tanong ko dahil nga kagabi ay alam kong medyo stress siya.
"Yes, lalo na kayakap kita." sabi nito.
"Para kang sira." sabi ko at inangat nito ang tingin niya sakin.
Inupo niya ako sa desk niya at tumayo siya para mapantayan niya ako, hinalikan niya ako nagaalangan talaga ako sa pwesto namin dahil baka may makahuli saamin kay aga-aga naman kasing lumandi sakin nitong lalaki na to.
Hawak lang nito ang leeg ko ng mahigpit habang mapusok ang halikan naming dalawa, ayokong umalma dahil sobrang nakakaadik kung paano ako nito halikan.
Ngunit natigilan kami ng bumukas ang pinto at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko pero si Sir Kieffer pala yon, halata sa mukha nito ang gulat pero agad itong nagtakip ng mata niya at lumabas uli pero bago yun ay nilock nito ang doorknob na kinatawa ng mahina ni Syxto.
"Don't worry about him." sabi nito.
"Kaso nakakahiya---" agad nitong pinutol ng isang mapusok na halik ang aking sasabihin.
"Si Jane na pala ang secretary ko mamaya." bigla nitong sabi at napatango ako, nagrereport lang siya sa admin office namin.
"Mamimiss kitang kasama dito." sabi nito at natawa ako.