CHAPTER TWO

1.9K 23 0
                                    

"Hay nako Ate, buti nalang talaga at natanggap ako dun kay Ma'am maganda." kinikilig na sabi nito kaya sumimangot kaagad ako.

"Hmmp nako makamaganda ka naman diyan, lamang lang naman siya saakin ng mga tatlong paligo." saad ko na kinahalakhak niya at napahawak pa talaga sa kaniyang tyan kaya hinampas ko siya.

"Nakakatawa yon, nakakatawa yon ha?!" inis kong tanong kaya napatikom siya kaniyang bibig pero nagpipigil padin sa pagtawa.

"Sige na nga Ate, dahil sinamahan mo ako sa paghahanap at iniba mo pa talaga ang schedule ng day off mo para sakin, mas maganda ka sakaniya." sabi nito at tumaas ang isang kilay ko.

"Dapat lang no." sabi ko at nauna ng maglakad.

"Huwag kang magalala Ate, sa unang sahod ko ibibili kita ng gusto mo." sabi nito kaya napangiti ako at hinarap siya.

"Hindi na kailangan dahil ang gagawin mo itatabi mo ang two months mo na sasahurin para sa pagbabalik eskwela mo, nang sa ganon mabawasan ang poproblemahin ni Nanay." sabi ko.

"Pero Ate---"

"Tara na, nagugutom na ako, sigurado andon na si Nanay at may niluto na para satin." saad ko at wala na itong nagawa pa.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si Nanay na umiiyak habang hawak ang lagayan nito ng pera.

"Ano hong nangyare?" tanong ko.

"Magtatanong ka pa Ate e isa lang naman ang sagot diyan, ninakawan nanaman siya ni Tiya." saad ni Maximo na kinakuyom ng palad ko.

"T-Tama na." saad ni Nanay.

"Hoy ano itong narinig ko sayo Maximo! Ninakaw ko? Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan saakin!" singhal nito sa kapatid ko at ng sasaktan sana niya si Maximo ay hinarang ko agad ang kamay ko.

"Tama na ho! Hindi ho ba kayo nahihiya sa ginagawa ninyo, hindi na nga ho kayo nakakatulong saamin, kinukuha niyo pa ang iniipon ni Nanay." nagpipigil kong saad at tumawa ito.

"Ano bang kinakagalit niyo ha, ibabalik ko naman ah." sigaw nito sakin.

"Kailan ho? Pag pumuti ang uwak! Ilang taon niyo na hong paulit-ulit sinasabi yan saamin pero ni singko centavos wala ho kaming natanggap!" saad ko at magsasalita pa sana akong muli ng sumigaw si Nanay.

"Husto na, Ahluna!" wika nito sabay tayo sa pagkakaupo sa upuan namin na gawa sa kawayan.

"Hoy Belinda, pagsabihan mo itong mga anak mo, baka masampiga ko yang mga mukha niyan kapag hindi ako nakapagpigil, ang babastos ng ugali." sabi nito.

"Ayos na ho siguro ang bastos o magaspang ang paguugali kesa ho sainyo na walang ginawa kundi ang bigyan ng problema si Nanay!" sigaw ko dito at agad na akong niyakap ni Nanay para tumigil, umiiyak na siya.

"T-Tama na Ahluna." mahina nitong saad kaya napaiwas ako ng tingin at hindi na umimik pa ng lumabas si Tiya.

"N-Nay!" mahina kong sabi saka din siya niyakap ng mahigpit.

"S-Sorry po.." mahina kong sabi at tumango-tango siya.

"Wala kang kasalanan." sabi nito at napapikit ako.

PAGSAPIT nang gabi ay inayos nanamin ang higaan ni Nanay ng makapagpahinga na siya.

"Ate..." mahinang tawag ni Maximo kaya nilingon ko siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Talo nanaman si Tiya Isang sa pagmamadjong niya kanina." sabi nito at huminga ako ng malalim at napataas ang dalawang kilay saka pinagpag ang mga kumot.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now