CHAPTER ELEVEN

1.3K 20 0
                                    

"Kanina kapa namin inaantay ni Nanay." sabi nito.

"Sorry na, pauwi nadin ako, wag mo na akong pagalitan pa." sabi ko.

"Hay nako ka talaga Ate.." sabi nito.

"Sorry na nga kasi, pakisabi nalang kay Na---"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng bigla itong bumisina ng malakas.

"Ate, bakit?" tanong ni Maximo.

"Ahh eh--W-Wala! Sige na, mamaya nalang, bye." sabi ko at binaba na ang tawag .

Tiningnan ko ang seryosong si Sir Syxto.

"Kaya ba ayaw mo sakin?" bigla nitong tanong na kinatitig ko sakaniya.

"Ano?" tanong ko.

"Ayaw mo sakin kasi may iba kang gusto, edi sana hindi mo nalang ako kinausap ng gabing yun kahit na kinakausap kita..sana iniwasan mo nalang ako." sabi nito.

"Hindi kita maintindihan, Sir Sxyto." sabi ko at tumango-tango ito.

"Well, ako lang naman ang umasa, nasa muli nating pagkikita ay magkakaroon tayo ng chance, kaya hindi masisisi." sabi nito at napakunot ang noo ko at napatingin sa bintana, ano bang sinasabi ng lalaking 'to.

Nanlaki naman ang mata ko..teka..iniisip ba nito na? Napatingin ako sa hawak kong cellphone saka natawa ng mahina.

Tiningnan niya ako. "Anong nakakatawa, Luna? Nakakatawa ba na nababaliw ako sa'yo." sabi nito at napalunok ako.

"Hindi po." sagot ko na lamang.

Huminga ito ng malalim at inihatid nalang ako sa bahay namin.

Bumaba na ako at sumunod siya pero nakita ko si Maximo na naglalakad palapit samin.

"Maximo?" tanong ko.

"Bakit ngayon kalang? Kanina ka pa namin inaantay ah?" tanong nito.

Napapikit ako, bakit ngayon pa umiral ang pagiging walang galang sakin ni Maximo, lagot ka sakin.

"Ahh sige po, salamat sa paghati---"

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa boyfriend mo?" tanong nito at nagkatinginan kami ni Maximo, nagkatitigan kami na tila nagtatanong siya sakin pero pinandilatan ko lamang siya.

"Boyfriend?" tanong ni Maximo saka natawa ng mahina.

"Ahh okay, sige-sige. Ako nga pala si Maximo, nice meeting you par!" natatawang pakilala nito kaya agad ko siyang siniko.

Napaikot ang aking mata, bahala na.

"Sir hindi k---"

"Nako par, pasensya kana, naistorbo ka pa ni Ahluna pero maraming salamat sa paghatid sakaniya, mahal na mahal ko kasi ito, ayokong may mangyare sakaniya." sabi nito na lalong kinairap ko at kinurot-kurot siya sa likuran niya.

Natawa ito. "G-Ganun ba, walang anuman, mauna na ko." sabi ni Sir Syxto.

"Hep hep hep, sandali lang, death anniversary kasi ni Tatay sumalo kana samin." at nanlaki ang mata ko, sheeems nakalimutan ko, sorry tay.

"Tatay? Akala ko ba---"

"Ahh oo, anokaba, tatay din tawag ko sa tatay ni Ahluna, alam mo na being maginoo is sooo wunderpol!" sabi nito.

Agad ko siyang siniko. "Ano kaba naman, anong wunderpol ka diyan? Baka wonderful, gsga ka talaga." inis kong sabi.

"Ano kaba naman, ganun din yon, sige na par, sumalo kana samin, sige na tara na, pumasok ka at magpakarami." sabi ni Maximo, lagot ka talaga sakin mamaya.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now