Pagdating ko palang sa lobby ay kita ko na agad ang mga tinginan nila sakin, anong meron?
Napakapit naman ako ng mahigpit sa hawak kong bag habang nakikita silang nagbubulungan, babalewalain ko nalang sana yun pero pagsakay ko sa elevator ay ganun pa din, pinagtitinginan pa din nila ako at dahil baka guni-guni ko lang ay sumakay pa din ako.
"Sanaol nalang talaga sa iba na biniyayaan maging malandi." rinig kong sabi nang nasa likod ko, kumunot ang noo ko lalo pero ayaw ko silang pansinin, hindi naman siguro ako yun.
Hanggang sa makarating ako sa 3rd floor ay rinig ko pa din ang mga tawanan nila at ang mga nakakasalubong ko na iba kung makatingin.
Yung iba ay hindi maitago ang pagirap saakin at pagismid at halos lahat sila ay kababaihan, mukhang alam ko na to pero hindi ko ineexpect na ganito kalala, nilapitan naman ako ni Reena at agad hinila sa may stock room.
"Bakit?" tanong ko.
"Hoy ka babae, naglilihim ka sakin ha!" inis nitong sabi.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.
"Well, kalat na kalat naman na sa buong building ang relasyon ninyo ni Sir Razzel, ano kaba? at ito pa habang jowa mo si Sir Razzel ay jinowa mo pa ang kapatid nito, totoo ba yun?" tanong nito at napapikit ako ng mariin.
"Saan mo naman nakuha ha yan?" naiinis kong tanong.
"Well alam mo naman, madali lang kumalat ang tsismis dito beh, pero wag mong ibahin ang usapan, totoo ba na jowa mo na sir ha?" kinikilig nitong sabi kaya tumango ako at agad naman sana siyang sisigaw sa tuwa pero agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Anoba, umayos ka nga." saad ko.
"Wait lang naman kasi, kinikilig pako." sabi nito.
"Pero sino ba kasi ang nagpakalat?" tanong ko.
"Well, sino pa nga ba? Si Lorraine malamang, nakwento kasi ni Jane sakaniya and ito naman si Lorraine pinalaganap ang kwento, pero totoo din ba na jowa mo din ngayon ang brother ni sir, huy ano na?! share your blessing naman bii, ano!" sabi nito at napailing ako.
"Totoong boyfriend ko na si sir pero yung kapatid niya...totoo din na naging boyfriend ko pero five years ago na yun...ah mahirap i-explain, mahirap dahil sobrang haba ng istorya." sabi ko at napangiwi naman siya.
"Alam mo naiingit ako sayo pero inaalala din kita sa mga marites diyan sa labas..kung bakit naman kasi ang pogi-pogi ni sir ayun tuloy ang daming nagkakagusto." sabi nito.
"Bahala na, tara na." sabi ko at lumabas na kami at nakita ko agad ang nakakalokong tingin sakin ni Lorraine, hindi ko nalang siya pinansin.
Naupo na ako sa pwesto ko at inilagay sa gilid ang bag ko nang lapitan ako ni Lorraine.
"Grabe, ang tahi-tahimik mo lang pero iba ka pala tumira, pailalim." sabi nito at hindi ko siya pinansin.
"Alam mo Lorraine, kung inggit ka pumikit ka nalang." sabi naman ni Reena.
"Tss. Gusto ko lang naman humingi ng advice kay Ahluna, mukha kasing professional siyang maging..alam niyo na---" tiningnan ko siya ng masama kaya naman tumawan ito ng mahina.
"Professional kang maghanap ng boyfriend..at sa sobrang professional mo dalawa pa ang nabingwit m---"
"Pwede bang tigilan mo ako!" inis kong sabi at nginisihan niya ako.
"At ngayon dahil girlfriend ka ng boss natin feeling mo boss ka nadin, kaya ka nagkakaganiyan---"
"Alam mo kaya nagkakaganyan kasi inggit ka! Kung gusto mo maghanap ka din ng sayo! Oh baka naman nahihirapan kang maghanap dahil sa kagaspangan ng ugali mo-"