Akala ko ay magtatagal na hindi kami mag-uusap ni Kejan. That happened a week before the start of classes, bago magsimula ang klase ay nagkausap kami, I apologized and he did too.
He said that it was insensitive of him to confess just a week after my Mom died and I said it was fine because I was also so guilty.. I apologized and he forgave me too. Bago magpasukan ay pumunta kami sa isang kainan sa Bacacay at doon niya sinabi na iiwas muna siya.
He said that he knew my choice and he respected that but those are his feelings.. he said to give it time and soon our friendship will be back again because just like me.. he cherishes it too. Gaya ng pag-intindi niya sa desisyon ko ay inintindi ko rin ang kanya.. and I will understand if he completely cuts me off in his life.. it would hurt to lose a friend but I'll accept that.
Pero hindi ko inasahan na paglipas ng dalawang buwan ay nakita ko sila ni Leal na naghihintay sa akin sa may entrance ng unibersidad namin.
I was looking at the familiar figure beside Leal and I even narrowed my eyes like I needed to double-check if I'm right but when they both looked back I saw his face and I immediately smiled.
I walked faster and then stopped in front of him I couldn't contain my smile as well as he did, after a while he ruffled my hair and laughed. Pumunta kami sa madalas namin kainan sa may DENR dahil maraming street foods roon.
"Yieee bati na sila.." Leal teased us when he saw Kej putting some sauce doon sa pagkain ko. Kejan sneered at him dahil nakalahad na rin ang pagkain niya para maghingi rin ng sauce kaya naman agad siyang napasimangot habang kinukuha ang lalagyan ng sauce na kakababa lang ni Kejan.
Hindi na namin pinagusapan iyon muli.. we just naturally interacted how we in the past. With Olivia and Leal around it wasn't much of a big deal, they never mentioned it siguro ay takot na barahin din namin sila dahil sila ay nagka-something talaga.
I always asked dati kung paano ko nakaya but as I reminisce all of these.. they were a huge factor.
"Dito ka pa rin? kumain ka na?" nag-angat ako ng tingin kay Leal na kumukuha ng upuan mula sa kabilang mesa para itabi sa upuan ko.
Galing na kasi siya dito mga around 9AM at saka ko lang namalayan na mag-aalauna na pala.
I am in the library right now and I was in the part of the library where the individual type of study space is. Naririnig ko na kanina ang boses ni Leal kaya naman pilit akong sumisiksik roon para hindi niya na ako makita pero may lahing aso talaga siya.
Hindi pa nga ako nagsasampung minuto na nag-aaral ay nakita niya na ako at kung paano dahil sobrang layo ko naman sa kanila at may iilang bookshelves na nakaharang sa pagitan ng indiv study space at group study space na may mahahabang mesa.
Hindi tuloy ako nakapag-aral nang maayos dahil daldal siya nang daldal tungkol sa gala nila bukas ni Kej. Hindi pumayag si Liv kaya naman ako ang pinipilit niya atsaka sign na raw iyon ni Lord kasi nakita niya ako ngayon.
Inis na inis ako dahil nasira ang schedule ko dahil sa kanya.

BINABASA MO ANG
Daraga Series #1: The Fire's Sanctuary
RomanceLorriana Rayen Almarino, a Bicolana who's shaped like a ray of sunshine. Her personality is rooted in the fact that she never experienced the cruelty of the world.. or should I say, she always runs away when discomfort comes to her. She's the exact...