Chapter 25

72 2 1
                                    


"Sorry talaga Rayen, hindi ko pa talaga kaya eh.." Ma'am Gayana explained because she said that she can't still go to work because of her flu. After my Mom died Ma'am Gayana stayed in our hotel, she was Ma'am Karina's assistant and when I went to my 4th year she was the one who trained me and before I graduate I started working here as Ma'am Karina's assistant.

The salary's fine but I think the emotional stress that I get from this family needs a lot of compensation.

Lalo na ngayon.

They went back after a week and nagpaiwan daw si Jariya roon. I was trying to be nonchalant with everything that I'm hearing even in the Hotel.

"Nakita niyo ba yung post ni Ma'am Karina? Baka ikakasal na si Ma'am Jariya?" usap-usapan nila sa may kitchen habang nagchi-check ako ng inventory.

Nang pumalit na ako bilang assistant ni Ma'am Karina ay si Ma'am Gayana na ang naging manager ng restaurant dito sa hotel.

Since may flu siya ngayon ay ako muna ang magus-supervise rito dahil sigurado ay marami ang pupunta.

Binigay ko sa kanila nang matapos na ako sa inventory, "Babalik na lang ako mamaya bago mag 11.."

"Sige po Ma'am Rayen." natigil sa pag-uusap pero malamang ay pag-uusapan pa nila lahat iyon pagka-alis ko, everyone was talking about it even my friends.

Pagkabalik ko sa lamesa ko ay agad ko nang inayos ang sales report nang nagdaang-araw at ipapasa sa Sales Manager na kakabalik lang din sa bakasyon galing Holy Week.

Pagkatapos na pagkatapos ko ay agad na ako tumayo at tiningnan ang relo ko, it was already 10:47 kaya naman agad na ako nagtungo sa office ni Sir Miguel.

"Hi Sir, Good morning I checked the sales report for this week eto na po.." saad ko at ibinaba sa office table niya ang report.

"Thank you so much Rayen.. by the way, I heard that our General Manager is getting married, you should ask your stepmom to give you the position.. we all know that your sister always just makes the pass because she's the boss daughter.." napaismid naman ako sa biro niya pero ngumiti pa rin.

"Hindi naman po, magaling din naman po si Jariya.." he tsked with what I said.

"Not for me tho.. when she makes some error tayo lang naman ang mga nahihirapan ikaw o ang Mommy niya ang nag-aayos and her.. in a club or—" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman na mainit ang dugo niya kay Jariya dahil sa recent lang na nangyari.

"Everyone makes some error from time to time po.." kagaya niya kaya naman inaayos ko na lahat ng reports bago pa ipasa sa kanya.

"By the way is it true that she's marrying Mayor Agoncillo's son—" hindi ko na siya pinatapos.

"Hindi ko po alam Sir, mauuna na po ako.." I smiled at naglakad na paalis.

"Good morning po Ma'am Rayen.." saad ng mga bellboy na nag-aantay din sa tapat ng elevator.

"Morning.." I gave them a smile and when I saw Sir George I smiled more, "Kamusta po panganganak ng asawa niyo Sir George.." I asked dahil naalala ko last week ilang beses siya naireklamo and I was a bit annoyed because the hotel was really packed with guests at that time but when he told me his reason I really felt guilty and just processed his leave immediately.

"Okay naman po Ma'am, nakauwi na po si Misis.. healthy naman po si baby.. eto po oh.." I can't help but to smile in happiness dahil nakakahawa iyong kasiyahan niya halatang excited na excited siya sa anak niya. Pinakita niya sa akin ang picture ng anak niya na siyang wallpaper niya ngayon.

Daraga Series #1: The Fire's SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon