Hinatid ako nina mommy at daddy sa Felip Academy. Ito yung unang pagkakataon na mahihiwalay ako sa kanila ng matagal. Isa sa mga rules ng eskwelahan na kailangan ng mga estudyante na manatili sa eskwelahan sa loob ng siyam na buwan maliban sa buwan ng Disyembre, Abril at Mayo.
"Bye mom, ingat kayo ni Daddy."
Hindi mapigilan ni mommy ang mapaluha, dahil only daughter ako naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman nila ngayon, si daddy naman halatang pinipigilan ang luha. Niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa pisngi. Hindi naman sa nagiging OA yung parents ko, bawal din kasi magdala ng phone sa loob ng school tanging araw lamang ng sabado makakatawag o makakagamit ng phone ang mga estudyante.
Sabi sa Guide book ng school meron daw specific na area yung school kung saan nakakabit yung phones sa mini table parang kagaya na lamang sa mga phone stores. Sa ganung paraan daw makakapag update yung students sa parents nila. (Check the sample pic below)
"I have to go. I love you both"
Pinahid ni mommy ang kanyang luha tsaka siya inakbayan ni daddy.
"Be good and study well. Ingat ka lagi nak. We love you too."
Niyakap ko sila ng mahigpit. Sinundo ako ng isa sa mga senior student at kinuha ang aking mga bagahe. Ngumiti ako kina mommy at daddy bago ako tuluyang pumasok sa Felip. C. Kenh Academy.
Nakasunod ako ngayon sa senior student na nagbibitbit ng mga bagahe ko. Napatingin ako sa mga braso niyang malaman at makinis. Ang gwapo niya kaya lang parang ang landi kung makatingin.
As expected magara ang buong lugar. Makikita mo ang kagandahan ng eskwelahan base sa mga mamahaling paintings na naka display at pati na rin sa vases and chandeliers na makikita sa pinaka main area ng Felip Academy. Alagang alaga ang buong lugar sobrang linis at mapagkakamalan mong pumasok ka sa isang mamahaling hotel.
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit may kamahalan ang tuition fee worth it lahat ng binayad hopefully kasing ganda din ng school yung pagututuro ng mga professors dito.
Napadaan kami sa cafeteria ng school na mukhang hindi cafeteria kasi mas mukha siyang buffet sa hotel. Napansin ko rin na puro magaganda at gwapo ang nakakasalubong kong estudyante. Pati yung mga hardenero at taga walis magaganda ang katawan at ang gugwapoooo!
Sunod lang ako ng sunod sa likod ng senior high na ito. Medyo malayo ata nilakad namin saan ba kasi banda yung dorm namin?Maya-maya pa ay pumasok siya sa isang telephone booth, naghintay ako sa labas sa pag aakalang may tatawagan siya pero bahagyang nakatingin lamang siya sa kinaroroonan ko.
Hindi ko siya masyadong pinansin baka sabihin makikinig ako sa usapan nila. Pero bahagyang nakatingin lang ito saakin,weird what's wrong with that guy? Bakit hawak hawak niya lang yung telepono di naman nilalagay sa tenga, Kung hindi siya tatawag e anong ginagawa niya sa loob ng telephone booth? Nag mumuni-muni?
Maya-maya pa ay nilapitan niya ako at kinausap.
"Miss halika na."
So sasamahan ko pa pala siya? Pero bakit? Di na ko nagtanong pa basta Dumiretso ako sa gilid ng telephone booth. Pumasok na din siya sa loob at sinirado yung pintuan ng booth.
"Miss.."
Miss ng miss itong lalaking ito. Ano na naman ba? Mapang higop hininga niya akong tinitigan.
"What?"
Ani ko at nilingon siya. Kinuha niya ang telepono..
"Ay wala akong tatawagan. Baka ikaw meron"
Sabi ko sabay hawak sa strap ng backpack ko.
"Miss elevator to"
Sabi niya at nag dial ng number 69. Napahawak ako sa handle na nasa loob ng telephone booth ng bigla itong gumalaw pababa. Sa isip isp ko, Elevator? Sa telephone booth? Saan papunta ito? Sa Ministry of Magic? Lakas maka Harry Potter ang peg ng eskwelahang ito ah. I wonder kung may sorting hat din dito lol.
