THESIS

4K 18 4
                                    

*COLEEN'S POV*

Napakaweirdo ng lalaking yun. Hindi ko talaga siya maintindihan. Simula kaninang umaga may kakaiba na sa kinikilos niya, para siyang sira...Nakakapanibago. Papunta ako ng gymnasium ng makasalubong ko si Garrix.

"Hey"

Sabay kamot ng ulo.

"Hey, kumusta? I haven't seen you for ages, anong nangyari sayo?"

Simula nung nagwalk-out siya sa cafeteria hindi ko na siya nakikita.

"Umm, medyo busy lang"

Tumango ako bilang pagtugon.

"Busy? Busy saan?"

Tapos na ang pleasure examination, wala na rin namang kung anong okasyon ang mangyayari since malapit na nga ang christmas vacation. Naisip ko lang.

"Thesis?"

Thesis? Sa school na to? Hindi ko inakala na may thesis din pala dito. I am wondering kung ano kayang klaseng thesis ang ginagawa nila.

"Really? Paano?"

Kunot noo kong tanong sakanya. Pano nga ba? E bukod sa kalibugan lang ang natutunan ng mga estudyante dito, base sa kaalaman ko ang normal subjects like Trigonometry and other major subjects depende sa kursong kinuha mo ay maituturo ng paaralang ito sa ikaapat na taon lamang.

Maikli ang panahon para sa kursong iyong nakuha pero sigurado namang makakapagtrabaho ka rin kaagad, pagkagraduate. Weird right?

"We are making a problem and searching for solutions."

Huminto siya sa paglalakad, at huminga ng malalim.

"Like what? So, how did it go? Is it successful?"

Sunod-sunod kong tanong. Yumuko ito, at humugot ng isa na namang malalim na hininga.

"Ang problemang napagkasunduan namin ng grupo ay kung paano maiiwasang makabuntis ng babae na walang kahit na anumang contraceptives na ginagamit during intercourse."

Oh? Mukhang mahirap ngang ma solusyunan ang isang yan.

"So? Ano ang solusyon?"

Napayuko siya at tila naluluha.

“Gumawa kami ng badge na kailangang ilagay sa ibabaw ng puson ng babae. That badge contains the heat na nanunuot sa loob and it has also a med na sumasama sa init nito para mapigilan ang mga semilya na makapasok sa obaryo."

Tumigil ito sa pagsasalita at nagsimulang lumakad. Sumunod na rin ako. Napaka interesting naman ng thesis nila. Pero bakit mukha yatang nadismaya siya? Di kaya pumalpak sila? Tahimik kaming nakarating sa gymnasium. Umupo kami sa bandang gitna.

"Garrix? May problema ba?"

Hindi kasi siya masyadong umiimik, simula kanina. Parang may iniisip siyang malalim. Tiningnan niya ako, at napakagat ng labi.

"Coleen, kasi..."

Nakatitig lang ako sakanya habang hinihintay ang sagot niya.

"Pumalpak yung thesis namin.. At--at nabuntis ko ang groupmate ko."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Napatakip ako ng bibig. Problema nga ito. Paano na lang pag nalaman ng head ito? Siguradong maki-kick out ang babae at pati siya.

"Mygosh.So, anong plano niyo?"

Yumuko ito at napahawak sa sintido.

"We decided to keep the baby."

Mukha ngang malaking problema itong haharapin ni Garrix. Naaawa ako sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito.

"I...I can't lose the b-baby, wala siyang kasalanan."

Nanginginig na ang boses niya. Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya.

"Nakapag usap na ba kayo?"

Tumango ito bilang pagtugon. Inayos niya ang buhok at pinunasan ang mukha gamit ang panyong inabot ko sakanya.

"Yes, and she... She wants an abortion. Hindi ako pumayag. I told her to keep the baby hanggang sa maipanganak niya ito. And after that,  I will be taking responsibilities to the baby."

Napabilib ako ni Garrix sa mga oras na ito. Kamangha-mangha ang desisyon niya bilang isang lalaki. Hindi lahat ng lalaki ay kasing tapang niya na harapin ang ganitong responsibilidad.

"Good decision Garrix. I am pretty sure, you are going to be the best dad."

Nang matapos ang announcements ay kaagad kaming umalis patungong cafeteria. Gusto kong pagaanin ang loob ni Garrix. Sa palagay ko iyan lang muna sa ngayon ang maiitutulong ko sakanya. Hindi ko pinansin si Kristoff. Nagtatampo pa rin ako. Badtrip ako sakanya kaya bahala siya.

Tinanong ko lang naman kung masama ba ang pakiramdam niya, pero parang ayaw niya ata akong kausap. Kaya tinalukuran ko na lang siya.  Ano na kaya ang ginagawa nun?

Eksayted na rin pala akong umuwi sa christmas, kaya lang dalawang araw lang. Okay lang atleast makakasama ko sina mommy't daddy sa araw ng pasko. Si Kristoff kaya? Eksayted rin kaya siya?

FCK ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon