***
"San ba tayo pupunta?"
Kanina pa ko kinukulit ng lalaking ito. Paulit-ulit niya kong tinatanong kung saan daw ba kami pupunta.
"Pwede ba? Tumahimik ka na lang? Just follow me and shut your fcking mouth!"
Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Hindi marunong sumunod.
"Okay, okay.."
Sabi niya at itinaas ang dalawang kamay sa ere. Tahimik lang kami sa buong byahe, ang totoo niyan plano ko siyang dalhin sa paborito kong lugar. Ito yung lugar na kung saan nakakapag relax ako, nakakapag isip at nagpapalipas oras na din minsan.
"Andito na tayo."
Ani ko. Dinala ko siya sa dalampasigan, gusto kong makita niya kung gaano kaganda ang lugar na ito. Teka? Asan na ba si Kristoff? Tiningnan ko ulit siya sa loob ng kotse. Kaya pala hindi sumasagot e, nakatulog pala.
"Love, nandito na tayo."
Bulong ko habang marahan na tinapik-tapik ang kanyang balikat. Panandaliang niyang iminulat ang nga mata at bumalik ulit sa pagtulog. Haaayy
"Hoy! Gising na nandito na tayo."
Kinusot niya ang mata at humikab, Bakit ang bango ng hininga niya kahit bagong gising ano kayang gamot ang iniinom nito para di mapanis ang laway? Nagtama ang mga mata namin, pakiramdam ko parang nalulunod ako sa mga tingin niya.
"Beautiful"
Kinurot ko ang pwet niya. At lumabas ng kotse.
"Ang ganda naman dito. Kasing ganda mo"
I rolled my eyes. Napakabolero. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinila siya papunta sa dalampasigan.
"Bakit mo ko dinala dito?"
Umopo kami sa mga naglalakihang mga bato.
"Madalas akong pumupunta dito, lalo na kapag masama ang loob ko, o kung gusto kong mapag-isa. Bata pa lang ako minahal ko na ang lugar na ito. At ipinangako ko sa sarili ko na dadalhin ko dito ang taong mahal ko."
Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako, ewan ko ba. Naging bahagi na rin kasi ng buhay ko itong lugar na ito. Hinawakan niya ang mga kamay ko at niyakap ako.
"Thank you for bringing me here. It means a lot to me. I know I am special somewhere in your heart, kaya ipinaglaban kita. I love so much love."
Alam kong naiyak din siya sa mga oras na yun, masyado kaming madrama pero masaya ako at hindi niya ako sinukuan. May mga pagsubok pero hindi kami magpapatalo. Mag-aaway lang kami pero hinding-hindi kami maghihiwalay.
Naligo kami sa dagat at hindi man lang namalayan ang oras. Magdidilim na ng mapagdesisyonan naming bumalik na sa kotse."Can we stay for a little while?"
Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya, pababa sa mga labi niya.
"Sure."
Nakaupo kami ngayon sa harapan ng kotse habang nakatanaw sa dagat na tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw. Nakayakap ako sakanya habang nakapikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aming mga balat.
"Mahal na mahal kita"
Napangiti ako, ramdam ko ang init ng mga labi niyang lumapat sa noo ko.
"Mahal na mahal din kita"
Sagot ko at hinalikan siya sa mga labi. Mabilis naman siyang tumugon sa mga halik ko. Masarap dahil nalalasahan ko ang pagmamahal niya, ang sensiridad at ang tiwala niya. Masarap na mahal ka rin ng taong mahal mo. Nakakataba ng puso at nakakatunaw ng utak.
"I want you right now. But I don't want to spoil this moment. We can do silly things in sometime, right?"
I nodded at niyakap siya ulit.
"I think we should go back, mag no-noche buena pa tayo hindi ba? They're waiting for us by now."
Bumalik kami ng bahay na magkahawak ang mga kamay at puno ng mga ngiti sa mga labi. Pakiramdam ko super inlove ako ngayon at para bang ayokong matapos ang mga sandaling ito. Bago kami tuluyang pumasok ay hinawakan ko ang mga pisngi siya at hinalikan siya.
"Under the mistletoe?"
Ani ko at hinalikan siya ulit.
"Merry Christmas love, Thankyou for making my day extraordinary. lloveyou"
Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ng mapupungay niyang mga mata.
"Ilove you more Love.. Hindi ako magsasawang pasayahin ka. Merry Christmas...Sana magkababy na tayo.."
Ang ganda na sana ng moment na to eh sinisira niya talaga ang momentum naming dalawa pero kinikilig pa rin ako.
"Baby ka jan! Hindi pa ko ready noh, be patient dadating din tayo jan"
Natawa kami sa kinalabasan ng pag uusap naming dalawa.
"So...let's practice?"
Kita mo to. Iba na naman ang takbo ng usapan namin. Pero bakit na excite ata ako? Mali! Hindi dapat ganito yung nararamdaman ko.
"Anong akala mo sa prosesong yun? Sayawan sa P.E? Na kailangan pagpraktisan?"
Pinag krus niya ang mga kamay sa kanyang dibdib.
"Hindi ba pagsasayaw ang pagtutulos?"
Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig. Baka marinig kami nina mama. Nakakahiya.
"Tumahimik ka nga! They might here us. Tara na sa loob."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok ay hinawakan niya ang bewang ko at ibinaba ang kamay papunta sa pagkababae ko. Pinisil niya ito na ikinahina ng tuhod ko.
"Fvck...you.."
Mahina at puno ng kasabikang sabi ko, at pilit na inilayo ang sarili sakanya. Labag man sa loob ko pero ayokong mahuli kami nina mama sa ganitong sitwasyon.