Hindi pa man ako nakaupo sa junakis ni Garrix ng bigla na lang akong hinablot ni Kristoff. Tinakpan niya ang katawan ko gamit ang kumot, at kinaladkad palabas ng classroom. Dinala niya ko sa dorm at dumiretso sa loob ng c.r, itinapon niya sa sahig ang kumot at pinaliguan ako.
“Anong ginagawa mo!"
Ani ko. Alam kong nagseselos siya alam kong nasasaktan siya dahil sa mga nasaksihan kanina, pero ganun din naman ako nasaktan din ako but we don't have a choice nandito kami sa eskwelahang ito.
"Fvck! Coleen.. Hindi ko kaya..hindi ko kayang makita ka na nakikipagtalik sa iba... Hindi ko rin kaya na makipagtalik sa iba, parang pinipiga itong puso ko."
Parang sinuntok ang puso ko ng makita ang paglandas ng mga luha niya sa kanyang pisngi. Mahirap ang sitwasyon namin. Gusto kong makalabas dito kasama siya.
"I understand. Maski ako hindi ko kayang makita ka na may katalik na iba. Nasasaktan ako ng sobra."
Kung may paraan pa para makaalis kami dito gagawin ko. Mahirap para saamin ang ganitong sitwasyon. Naiyak ako dahil pakiramdam ko wala akong magawa. Niyakap ako ni Kristoff, hinimas niya ang likod ko.
"Umalis na tayo dito."
Pano kami makakaalis sa lugar na ito? Natahimik ako ng ilang sandali.
"Buntisin mo ko."
Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa mga sinasabi ko, pero kung ito man ang tanging paraan para makaalis kami dito. Handa akong panindigan ang magiging desisyon ko.
"What?! No. Hindi, hindi ako makakapayag sa ganung paraan Coleen! No. Ayoko"
Hinawakan ko ang mga palad niya at tipid na ngumiti.
"Mahal mo ba talaga ako?"
Alam kong mahal mo ko. Pero kailangan kong kumbinsihin ka. Ayokong masaktan natin ang isat isa dahil lang sa eskwelahang ito.
"Oo naman,mahal na mahal. Pero hindi ko kayang gawin iyon sayo."
Binitawan ko ang mga kamay niya. Wala na talaga akong magagawa pa, siguro nga ay hindi pa siya handa maski ako pero may paraan pa kaya? Kailangan kong makausap si Garrix. Patakbo akong lumabas ng banyo. Pupuntahan ko si
Garrix. Kakausapin ko siya tungkol sa mga batas dito. Alam kong mas may alam siya since mas matagal na siyang nandito kung ikukumpara saamin ni Kristoff.Sinundan ako ni Kristoff hanggang sa loob ng kwarto, nagmamadali kong isinuot ang damit ko. Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya.
"Coleen ano ba! Anong nangyayari sayo?! Saan ka pupunta?!"
Isinuot ko ang sandals ko at lumabas ng dorm. Pero bago pa man ako tuluyang umalis ay hinawakan ni Kristoff ang mga kamay ko.
"Saan ka pupunta?"
Tanong niya. Pilit kong inaalis ang kamay ko pero masyado siyang malakas.
"Bitawan mo na ko Kristoff! I need to go! Ano ba!"
Makikita ang lungkot sa mga mata niya, I'm sorry pero para din ito sa atin Kristoff.
"Please tell me, saan ka pupunta? Love..please"
I'm sorry love pero kung sasabihin ko sayo na kailangan kong puntahan si Garrix alam kong hindi ka papayag.
"I'm sorry."
Sabi ko at buong lakas na binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Alam kong naguguluhan siya ngayon pero para din sa amin ito. Huwag kang mag alala mahal, magiging maayos din ang lahat. Makakaalis din tayo sa lugar na ito. Patakbo kong tinungo ang dormitoryo ni Garrix. Sana ay nandun na siya. Tapos na rin naman siguro ang klase namin sa mga oras na ito. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. Dalawang beses kong pinindot ang buzzer. Sana naman ay nandito siya at sana ay matulungan niya ako.