"Gusto ko siyang makita."
Ani ko at ngumiti sakanya. Ang cute pala ni Ezekiel kung ganun.
"Haha, sure. Pagnakalabas tayo dito ipapakilala ko siya sayo"
Sabi niya ng nakangiti.
"If you don't mind me asking. Nasaan ba si baby Eze? Nasa mommy niya ba?"
Tanong ko. E hindi ba wala naman silang relasyon ng mommy ni Eze? So I'm just curious kung saan si Eze.
"Well, matapos manganak ng mommy niya. Iniwan niya saakin si Eze. Hindi pa daw siya handa na maging isang ina."
I feel sorry for baby Eze. Growing up with no mom is not easy. Kahit hindi ko naramdaman iyon, pero alam kong hindi iyon madali. Lucky Ezekiel to have a responsible dad like Garrix.
Napahawak ako sa tiyan ko. Mahirap man pero mukhang ito na rin ang magiging kapalaran namin ng baby ko. I promise to love you and to guide you with all my heart darling. Mommy won't leave you no matter what."If Ezekiel needs a mom. I can be his mom"
Ngumiti ng pagka tamis si Garrix. Ano na naman kaya iniisip nito? Sana naman wag niyang lagyan ng malisya.
"So are you saying, you want to marry me?"
Loko niyang tanong.
"Ibang usapan na yan Garrix. We are talking about baby Ezekiel here."
Gusto kong matawa. Parang tanga to, kung anu ano iniisip e.
"HAHAHAH! Wala ng bawian."
I rolled my eyes at him. Whatever Garrix.
***
KRISTOFF's POV
I feel empty. Hindi ko na siya nakikita ng ilang linggo, unti-unti ng nagiging makatotohanan ang iniisip ko. Pinagpalit na niya talaga ako kay Garrix? Maraming tanong ang pumapasok sa utak ko. Wala na akong ginawa buong maghapon at sa araw-araw kundi ang magmukmok at magkulong dito sa kwarto ko. Nagkalat na rin ang mga bote ng alak sa sahig. Bakit kailangang humantong kami sa ganito?
Naglandas ang mga luha ko. Pakiramdam ko hindi sapat lahat ng ibinigay kong pagmamahal sakanya. Matapos kong inumin ang natitirang bote ng alak ko ay naisipan kong lumabas. Nagbabakasakali na makita siya. Pumunta ako sa cafeteria. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Where are you Coleen?
Natutop ako sa kinatatayuan ko ng makita na magkasama sila ni Garrix. Nakangiti siya at mukhang masaya. Anong ibig sabihin nito? Kinalimutan mo na ba ako Coleen? Kung dahil lang ito sa desisyon mo na hindi ako sumang ayon. Bakit kailangan mong gawin ito? Hindi ko na palalagpasin pa ito. Kailangan ko siyang makausap at mabawi kay Garrix. Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nila at hinatak si Coleen.
Pinigilan naman ako ni Garrix dahilan ng pag kulo ng dugo ko."Pre, dahan-dahan lang. Nasasaktan na si Coleen."
Nagtagis ang bagang ko. Masyadong pakialamero itong Garrix na ito. Ano bang pakialam niya? Sinuntok ko siya. Natumba siya sa kanyang kinauupuan. Agad naman siyang tinulungan ni Coleen. Nagkagulo na sa loob ng cafeteria pero wala akong pakialam. Hinawakan ko ang kamay ni Coleen at hinila siya palabas. Kailangan naming mag usap.
"Bitawan mo ko Kristoff! Ano ba!"
Dinala ko siya sa dorm namin. Nagpupumiglas siya pero pinipigalan ko siya. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.
"We need to talk."
Ani ko. Pero pilit pa rin niyang kinakalas ang kamay ko na nakahawak sa mga braso niya. Nasasaktan ako sa inaakto niya ngayon. Pakiramdam ko nandidiri siya saakin. Coleen ako pa rin ito.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Kristoff! Kaya bitawan mo na ako!"
Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. Coleen bakit ka nagkakaganito?, Nasasaktan ako.
"Ano bang nangyayari sayo?! May nagawa ba kong mali?"
Tuluyan ng dumaloy ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Sinampal niya ako, umiiyak na rin siya.
"Tinatanong mo ko kung may nagawa ka bang mali?!.. Eh gago ka pala e! Gagawin mo pa kong tanga?! Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan saiyo?! Kristoff bakit???? Hindi pa ba ako sapat?! Ha?!"
Niyakap ko siya, pero pilit niya akong tinutulak papalayo. Parang sinusuntok ang puso ko.
"I'm sorry...Love, I'm so sorry...believe me.. Walang nangyari saamin ng babaeng yun..please maniwala ka naman saakin...love mahal na mahal kita..."
Halos lumuhod ako sa harap niya. Ayokong iwan niya ako. Hindi ko kakayanin.
"Ang boyfriend ko at ang babaeng kinaiinisan ko naghahalikan sa loob ng kwarto ng boyfriend ko. Ngayon sabihin mo saakin, anong gusto mong isipin ko?!"
Napaluhod ako. Hindi ganun iyon Coleen, mali ang iniisip mo. Tuluyan na siyang lumabas ng dorm. Napahagulgol ako.
***
COLEEN'S POV
Lumabas ako ng dorm. At nagmamadaling bumalik sa dorm ni Garrix. Inabutan ko siyang naglalagay ng ice sa bandang bibig.
"Okay ka lang ba?"
Alalang tanong ko. Nang dahil saakin nasuntok ni Kristoff si Garrix. Kinuha ko ang hawak niyang ice at inilagay iyon sa bibig niya.
"I'm okay. Ako na."
Aniya at kinuha ang ice saakin. Nadadamay pa pati si Garrix sa amin ni Kristoff.
"I'm sorry.."
Ani ko. At umiyak. Niyakap naman ako ni Garrix at pinatahan.
"Sshh. Don't cry, don't stress yourself too much. Makakasama yan sa baby mo."
Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Nasaktan ako ng makita ko si Kristoff kanina.
"Sinabi mo na ba sakanya?"
Tanong ni Garrix.
"Hindi. Wala akong dapat sabihin sakanya Garrix..."
Bumuntong hininga siya. Biglang bumukas ang pinto at sinugod ni Kristoff si Garrix. Tinulak niya si Garrix at pinaulanan ng suntok.Umiiyak na pinigilan ko si Kristoff.
"Kristoff! Ano ba?! Tama na!"
Nahilo ako bigla. Kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Coleen!"
Buong pwersa niyang tinulak si Kristoff at dali daling lumapit saakin. Inakay niya ako.
"Coleen, Dinudugo ka. Fvck! Dadalhin na kita sa clinic."
Bago pa man kami nakalabas sa dorm ay nakita ko si Kristoff, nakatayo at direktang tumitingin saamin. Pumatak ang kanyang mga luha, mababakas sa mukha niya ang pagkabigla. Ipinikit ko ang mga mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong inilapag ako ni Garrix sa hospital bed. Hinahaplos niya ang aking pisngi at hinahawakan ang kamay ko. Ang baby ko..
Tumulo ang mga luha ko. Nag aalala ako sa baby ko. Baka kung ano ang manyari sakanya. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.
"Ang baby ko..Garrix"
Hinalikan ni Garrix ang kamay ko at pilit na ngumiti.
"Huwag kang mag alala, magiging okay din ang lahat."
Aniya. At hinaplos ulit ang ulo ko. Kapit lang anak, mahal na mahal ka ni mommy.