Mas naging komportable ako simula nung umalis si Garrix ng hindi ko alam ang dahilan. Mainit ang buong eksena, halos lahat ng makikita mo sa loob ng theatre room ay nagkakanjugan, may ibang nagsasarili at hindi na nakapagpigil. Mabuti na lamang malakas ang sound ng movie, kaya hindi masyadong rinig ang mga ungol nila. Mahigpit na rin ang hawak ko sa upuan. Kristoff asan ka na ba? I need you. Nasampal ko ang sarili sa mga iniisip.
Bad Coleen! Bad! Bakit ang dumi ng pag iisip mo?!.At sa wakas ay natapos ko na rin ang movie na walang ginawa na kahit anumang karumaldumal sa sarili. Hindi ko rin naman kayang gawin yun. Kasabay din niyon ang pagsiputokan ng lahat na nakakasang armas sa loob ng theatre room, ganun din ang pagbuga ng maiinit na likido na nananggaling sa mga umaalburotong bulkang mayon.
Lumabas ako para hanapin si Kristoff. San ba nagpunta yun? Tapos naman na ang klase niya. Bigla akong naihi kaya tumakbo ako papuntang banyo. Pero bago pa man ako makapasok sa banyo ng mga babae ay nahagilap ng mata ko si Kristoff. May kahalikan na ibang babae! Nagtagis ang bagang ko sa nakita.
Agad ko silang nilapitan at sinampal si Kristoff. Paano niya nagawa sakin to?! Akala ko ako lang! Akala ko akin lang siya?! Pero ano itong nakikita ko ngayon?! Niloloko niya ba ko?! Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit na makita mo ang taong mahal mo na may kahalikan na iba. Ang sakit na akala mo ikaw lang sapat na, ang sakit na ang akala mo ikaw rin ang mundo niya. Akala ko lang pala.
"Walanghiya ka! Pano mo nagawa sakin to?! Akala ko ako lang Kristoff! AKO LANG!.. Bakit mo nagawa to?!"
Pinaghahampas ko siya at pinagsusuntok.Nanginginig na rin ang mga tuhod ko. Gusto ko silang patayin pareho! Mga walangya!! Hinawakan niya ang mga kamay ko. Halos mapa upo ako sa sahig. Ang sakit parang pinipiga ang puso ko.
"Let me explain. Please.. Hindi ganun yun.."
Hinalikan niya ang leeg ko. Nagsusumamo at nangungusap ang mga mata niya.
"HUWAG MO KONG HAHAWAKAN! AT WAG NA WAG MO KONG HAHALIKAN! NAPAKABABOY MO! GAGO KA! MANLOLOKO KA! PAGKATAPOS KITANG MAHALIN?! ITO LANG ANG IGAGANTI MO SAKIN?! HA?!"
Halos mawalan ako ng ulirat. Hindi ko kaya to. Akala ko okay na ang lahat? Pero bakit ganito?!
"COLEEN.. PLEASE..PAKINGGAN MO MUNA AKO.. MAHAL KITA.. PLEASE.."
Pilit niya kong niyayakap. Pilit ko ring tinatanggal ang mga kamay niya na nakapulopot sa katawan ko. Nandidiri ako sakanya. Ano bang meron sakanila ng babaeng higad na yun? Pakiramdam ko hindi pa ako sapat sakanya.
"Kung hindi ka na masaya, sabihin mo sakin. Hindi yung gagawin mo pa kong tanga."
Walangbuhay na sambit ko. Umaagos ang mga luha ko sa pisngi ko. Nauubos na rin ang lakas ko. Nakayakap siya mula sa likod ko. Ang sakit lang. Halos ayaw ko siyang bitawan. Mahal na mahal ko siya. Pero bakit ganun? Bakit?
"Love, wag mo kong iiwan. Pakinggan mo muna ako. Please.."
Napapikit ako. Alam kong hindi ko siya matitiis pagnagkataon. Kailangan ko munang mapag isa. I need to think. My heart needs to rest. This is too much.
"Let me go for now.. Gusto ko munang mapag isa."
Naramdaman ko ang unti-unting pagluwang ng yakap niya. | felt his tears dripping on my shirt. No, please stop. Pano ako makakaalis kung alam kong ganyan ka Kristoff?
"If thats what you want. I'll let you. But please come back. I'll wait for you... Love wag kang bibitaw. Dahil ako? Hindi ako bibitaw, kasi mahal kita."
Humugot ako ng isang malalim na hininga, bago ako tuluyang umalis. Kung anuman ang rason niya, pakikinggan ko. Pero hindi siguro ngayon. Masyadong masakit pero titiisin ko, dahil mahal ko din siya. Dumiretso ako sa dorm at pumasok sa kwarto ko. Napahiga ako at napahagulgol. Kakasagot ko pa lang sakanya. Ito agad ang bubulaga sakin? Ang babaeng higad na yun ang nakita ko nung meeting, siya yung kalampungan ni Kristoff.
Hindi ko makakalimutan ang mala drawing book niyang hitsura. Nang dahil sa ginawa nila, umurong tuloy ang ihi ko.
Being in a relationship is not easy. You need to have trust, honesty and loyalty to your partner. Pero kakaumpisa pa lang namin. Were supposed to be happy pero ano itong nangyayari saamin?***
Kristoff's POV
Pagkatapos ng klase namin ay umalis ako kaagad para hanapin si Coleen. I know she's here. Nakita ko siya kanina.
Naglalakad ako papuntang theatre room ng biglang may kumapit sa braso ko. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang babaeng malibog na katabi ko noon sa gymnasium."Anong ginagawa mo?"
Buong lakas niya kong isinandal sa pader at hinalikan. Maski ako ay nabigla sa ginawa niya. Pinutol ko ang halik at hinawakan siya sa magkabilang braso.
“WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!"
She smirked and pout. Tngina parang kinagat ng bubuyog ang bibig niya at parang kamatis na namaga.
“Hmm, I just miss you. Ikaw ba hindi mo ba ko na miss?"
Tngna?! Ano bang nakain ng babaeng ito? Alam niya bang hindi tama ang ginagawa niya? Tinulak ko siya palayo sakin. Baliw na ata ito. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang mukha ko at hinalikan sa ikalawang pagkakataon. Nakita ko si Coleen na papalapit sa kinaroroonan namin. Fvck!
Sinampal niya ko ng pagkalakas. I know this is bad. Natatakot ako na baka hindi niya pakikinggan ang sasabihin ko. Mali ang iniisip niya. I'm not having an affair with another woman. Siya lang ang mahal ko. Hindi ko magagawang lokohin siya. Napasuntok ako sa pader ng tuluyan na siyang umalis. I am crying like hell! I can't lose her. Ikamamatay ko.
Simula ng dumating siya sa buhay ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay ng puno ng saya at pagmamahal.
She became my bestfriend and my everything. At kapag nawala siya sa buhay ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi siya basta tao lang, para sakin siya ang mundo ko, ang buhay ko at ang buong pagkatao ko. Pagnawala siya sa buhay ko, wala na ring ako.