𝚃𝙴𝙽

1K 77 57
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Alas dyes na ng gabi pero wala pa rin si Izzy.

Naku! Nasan na kaya ang batang yun? Dapat ko na bang tawagan ang parents n'ya? Hindi pwede, baka mag panic rin sila.

Naiisipan kong tawagan ng paulit ulit si Izzy pero wala talagang sumasagot. Maya-maya pa ay naka received ako ng text mula dito.

Di po ako makakauwi ngayon, nandito ako sa bahay ng kaibigan ko mommy.

Mommy??! Kelan pa nya ko tinawag na mommy?!

Nakakainis nag antay pa ko sa wala, sana man lang nag paalam s'ya ng maaga para di ako nag aalala. Nasa bahay namin s'ya kung anu man ang mangyari sa kanya syempre kami ang mananagot.

"Haaaay pasaway na bata!" inis na turan ko.

Dahil sa inis ko di na ko kumain, at natulog na lang.

*****

Nagising ako ng makarinig ng ingay, pag mulat ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni Izzy na nakangiwi.

"Sorry Ma'am nagising ba kita?" hinging paumanhin nito.

Hindi ko pinansin ang tanong nito.

"San ka galing? Ba't di ka nag sabi agad na di ka uuwi?" sunod-sunod na tanong ko dito.

"Kagabi kasi... nalasing ako at n-nakatulog sa bahay ni Ma'am Fe." wika nito.

"Ano?!" di makapaniwalang tanong ko.

Matapos kong marinig ang rason nito biglang nag flash back sa utak ko ang sinabi ni Miss Fe nung nasa fastfood kami.

"Nung pauwi na kasi ako nakasalubong ko si Ma'am Fe, tapos nag kwentuhan and then she took me to a bar to drink. Nakatulog siguro ako kaya ayon pag gising ko nasa bahay n'ya na ko." litanya nito.

"Wait... ayaw mag process sa utak ko eh, uminom ka kasama ni Miss Fe at natulog ka sa bahay n'ya?!" ulit ko kasi baka mali lang ako ng intindi.

Alam ko tumataas na ang boses ko pero hindi ko alam kung bakit.

"Yes Ma'am, basta pag gising ko nandun na ko."

"M-may nangyari ba?" kinakabahang tanong ko.

"I'm not really sure, pero katabi ko s'ya and were both naked."

"Baliw ka!" wika ko saka ito hinampas sa braso.

"Aray ko Ma'am, ba't kaba nagagalit?"

"Naiinis ako kay Miss Fe, anong alam mo sabagay na yun eh 18 ka lang!" wika ko hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung ano ba talaga ang pinag huhugutan ng inis ko.

"Hindi naman ako sigurado Ma'am eh, kung may nangyari talaga. Kaya wag kang mainis sa kanya, thankful pa nga ako kasi inuwi n'ya ko kahit nag pass out na ko."

"Ahh natuwa ka pa kung ganun, pag nangyari pa ulit to sisiguruhin kong makakarating sa parents mo ang pinag gagagawa mo." inis na wika ko saka nag madaling bumangon.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon