𝚃𝚆𝙾

1.6K 87 15
                                    

𝐋𝐢𝐳𝐳𝐲

Habang nasa byahe saka ko lang  naisipang i-check ang phone ko.

May ilang missed calls at messages from Mike, Paula, at Mommy.

Napaismid ako nang maalala ang mukha nang dalawang taong nanloko sa'kin.

At may gana pa silang tumawag ha? Kung sabagay, wala silang ka ide-ideya na nahuli ko na sila. Wag lang talagang mag papakita sa'kin ang Paula na yun, baka masabunutan ko pa s'ya.

Biglang nawala ang inis na nararamdaman ko ng sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng poker face. Masyado atang mahal ang mga ngiti ng babaeng yun.

Gosh! Ano ba to? Ba't ko ba iniisip ang masungit na yun. Pero infairness ah pogi rin yung kapatid nya, magaganda ang lahi nila.

Dumiretso na ko sa bahay, dahil alam kong nag aalala na sina Mama at mommy. Di na rin kasi ako nakapag paalam kagabi na hindi ako makakauwi dahil sa sama ng loob.

Pagpasok ko nang bahay naabutan ko sina Mommy sa sala habang nanonood ng morning show sa tv.

"Good morning po Ma, Mom." bati ko sa dalawa kong ina at nag mano.

"Izzy, pinag alala mo kami san ka ba natulog at di ka umuwi?" sermon ni Mommy.

"Sorry po, I got wasted and passed out kaya naki-tulog nalang ako sa bahay ng kaibigan ko." paliwanag ko at pasimpleng tinignan si Mama na ngayon ay nakatingin ng diretso sa'kin.

"So, have you made your decision?" sabat ni Mama.

"Y-yes Ma, susundin ko po kung anong gusto n'yo."

"Good." nakangiti nang tugon ni Mama. "Here is the list of schools na pwede mong lipatan, it's up to you kung anong pipiliin mo." dugtong nito sabay abot nang listahan na agad ko ring tinanggap.

Wala na kong tutol sa bagay na 'to, since may personal reasons rin ako. Mas gugustuhin ko nalang nang new environment kesa makita ulit ang mukha ni Paula, sinayang n'ya ang lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa isang lalaki.

Isa-isa kong binasa ang nasa listahan, nahagip ng mata ko ang D.A College pag aari rin nina Tita Devyn, sumunod dito ay ang L.A College.

Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na mas exciting kung doon ako papasok.

"Sa L.A College nalang po." sambit ko.

Halatang nagulat pareho sina Mommy at Mama sa sinabi ko.

"Are you aware na semi-private ang school na yan?" tanong ni Mommy.

"Yes Mom." nakangiti kong tugon.

"Kung sabagay hindi naman nalalayo ang paraan ng pagtuturo nila sa D.A College, halos parehas lang ang pinag kaiba lang hindi sila tumatanggap ng mayayaman." paliwanag ni Mama.

"Kaya n'yo naman pong pakiusapan si Tita Lennie diba Ma? Isa pa gusto ko maranasan mamuhay ng simple."

"Kung gusto mo talaga dun, you have to say bye to your baby." panunukso ni Mom, na para bang ginagawang pain ang favorite car ko.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon