𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙵𝙸𝚅𝙴

877 49 7
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm ng phone ko, napabalikwas ako ng bangon. Naalarma pa ko ng mapansing walang sa tabi ko si Izzy, nag madali akong bumangon at hinanap ito sa labas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita itong nag hahanda ng breakfast sa kusina.

Ito na nga ba ang ayoko kapag, kasama ko syang natutulog. Natatakot ako na baka pag gising ko wala sya.

"Sorry, maingay ba ko?" tanong nito sakin.

"Hindi naman, ganitong oras lang talaga ang gising ko." tanging sagot ko, ayoko na rin kasing sabihin dito ang bagay na kinakatakot ko.

"Sakto, breakfast is served." masiglang wika nito.

Naupo na ko sa, at isa isang tinignan ang niluto nito.

Sunny side up, beef tapa at hungarian sausage.

"Ang aga mo namang gumising." puna ko dito.

"Syempre para malutuan kita ng breakfast bago ako umuwi." wika nito.

Nakaramdam ako ng lungkot sa huling sinabi nito.

"Hmm, di mo naman kailangan gawin yun." wika ko at nag patuloy sa pag kain.

"Bakit ba kahit ganito kaaga parang ang sungit mo pa rin?" tanong nito.

"Eh sa ganito na talaga ako." pag sisinungaling ko.

"Hindi ka naman ganyan, unless nalang kung..." di nito itinuloy ang sinasabi pero may kung anong lungkot sa mga mata nito.

"Kung?"

"Wala, nevermind. Sige, I have to go." sambit nito.

Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos, ng makitang tumayo na ito.

Ano Cleo? Mag mamatigas ka pa rin ba? Kung ipag papatuloy mo to baka ma misinterpret lang ni Izzy ang mga ginagawa mo. saad ng isip ko.

"Nag luto ka ng breakfast tapos hindi mo man lang ako sasabayan?" tanong ko dito.

"Eh mukhang wala ka namang gana na kasama ako, actually kagabi ko pa napapansin. Sorry kung pini--"

"Iniisip mo lang yan, kumain na tayo." saad ko.

"Hindi wag na, hindi pa rin naman ako gutom."

"Subukan mong umalis ngayon, hindi kana ulit makakapasok dito sinasabi ko sayo." wika ko na nag patigil sa kanya sa pag lalakad.

"Unbelievable, tinatakot mo ba ko?"

"Bakit? Natatakot ka ba?"

"Alam mo hindi kita maintindihan, pinaparamdam mo sakin na ayaw mo kong kasama, tapos ngayong aalis ako pinipigilan mo ko. Napupuno na ko Cleo ah, wala akong mahabang pasensya para sa ganitong bagay..." wika nito.

Parang biglang umurong ang dila ko ng makitang seryoso ito sa sinasabi nya.

"Bibigyan kita ng dalawang araw para pag isipan kung gusto mo pa ba ko sa buhay mo, after nun... kapag naisip mong ayaw mo na kong bumalik sa buhay mo maybe thats the time na hindi na kita kukulitin pa." saad nito.

Matapos nyang sabihin yun ay agad itong umalis, hindi ko na rin sya pinigilan pa.

• Third Person POV•

Makalipas ang dalawang araw, nakapag isip-isip na si Cleo at buo na ang desisyon nito kaya sinubukan nyang tawagan si Izzy ngunit hindi iyon sumasagot. Minabuti nyang pumunta na lamang sa mall kung nasan ang opisina nito, ngunit sa kasamaang palad wala roon ang taong hinahanap nya.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon