𝐋𝐢𝐳𝐳𝐲
Nagising ako dahil sa masamang panaginip.
Hanggang sa panaginip ko ba naman nakikita ko si ate LJ at Cleo na magkasama.
Nagpakawala ako ng buntong hininga, at minasahe ang ulo ko pakiramdam ko kasi ay naiistress nanaman ako.
Bigla kong naramdaman ang pag galaw ng kama kaya napalingon ako sa tabi ko.
Oo nga pala, kasama ko sya.
Bulong ng isip ko ng makita ang magandang mukha ni Cleo na mahimbing na natutulog.
Dahan-dahan kong hinawi ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito, habang mataman itong pinagmamasdan.
Napangiti ako ng bumalik sa mga alaala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko pinag sisihan na ibinigay ko ang sarili dito, naalala ko pa ang sinabi nito kagabi na gusto nyang kunin ko sya. Pero para iwasan ito, nag kunwari akong pagod na. Gustuhin ko man na angkinin sya, pero hindi ko iyon ginawa lalo pa at alam kong aalis ako. Masaya na ako na naiparamdam ko dito kung gaano ko sya ka mahal.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ang pag alis ko, tinignan ko ang oras sa phone ko. Ilang oras nalang ang natitira bago ako umalis ng bansa.
Namimiss kita Cleo, sana pag balik ko hiwalay na kayo ni ate.
I smiled bitterly sa sarili kong joke, ang bad ko lang sa part na yun. Pero anong magagawa ko kung gustuhin kong maging akin sya.
Masuyo kong hinaplos ang mukha nito.
"Wag mo kong kakalimutan ha..." bulong ko.
Bumangon na ko mula sa kama, para maligo. Pagkatapos ay agad akong nag ayos ng sarili at inilabas mula sa closet ang maleta na inihanda ko.
Bago lumabas ng kwarto, muli kong binalikan si Cleo sa kama at inayos ang comforter na tumatakip sa katawan nito.
Masuyo kong hinalikan ang noo nito, maging ang labi nito.
"Mahal na mahal kita, Cleo..." wika ko.
Agad kong pinunasan ang mga luha na tuluyan ng kumawala sa mga mata ko. At bago pa man ako tuluyang humagolgol, minabuti ko ng umalis nalang ng kwarto dala dala ang mga bagahe ko.
𝐂𝐥𝐞𝐨
Naalimpungatan ako ng mag alarm ang phone ko, kaya agad ko itong pinatay.
Saka ko lang rin napag tanto na nasa ibang kwarto nga pala ako, tinignan ko ang gawi ni Izzy. Napabalikwas ako ng bangon ng makitang wala na ito sa tabi ko.
Shit! Nauna na ba syang pumasok?!
Hindi, baka nasa baba lang.
Nag madali akong bumangon saka ko lang naalala na wala pala akong suot na kahit ano, maliban sa comforter blanket na nakabalot sakin kanina.
Bigla akong nag panic ng marinig ang tila pag pihit ng pinto, kaya awtomatikong naitakip po ang comforter sa katawan ko.
Literal na nanlaki ang mata ko ng makita si Ma'am Azura. Parang gusto ko nalang matunaw mula sa kinatatayuan ko ng makita ang pag akyat baba ng tingin nito sakin.
"Morning Miss Cleo, hihintayin ka namin sa baba... take your time para... ayusin ang sarili mo." saad nito, hindi na nito hinintay pa ang sagot ko at basta nalang umalis.
Pasalampak akong napaupo sa kama, pero agad rin na tumayo ng maalalang hinihintay nila ako sa baba. Mabilis kong inayos ang higaan, papunta na sana ako ng banyo ng may napansin akong isang pares ng damit na nakapatong sa bed side table, may note rin na nakaipit doon kaya agad ko itong binasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/338528498-288-k303568.jpg)
BINABASA MO ANG
𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
Storie d'amore𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚: •𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 •𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 •𝐏𝐫𝐞𝐭𝐭𝐲 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Lizzy Pineda Javier, the youngest daughter of Livvy Javier and Azura Pineda. Happy-go-lucky, spoiled, and has a...