𝙽𝙸𝙽𝙴𝚃𝙴𝙴𝙽

497 50 18
                                    

𝐈𝐳𝐳𝐲

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang kausapin ako ni Ma'am Cleo, sinusubukan ko s'yang abangan o harangan pero para lang akong hangin sa kanya. Nararamdaman n'ya ngunit hindi n'ya nakikita.

"Gosh this is so frustrating!" turan ko at pabagsak na umupo sa sofa.

"Bakit nanaman ba?" tanong ni ate na halatang kakarating lang rin ng bahay.

"Sa ganda kong 'to? Itatrato n'ya lang ako na parang hangin?" inis na wika ko.

"Si Miss Cleo ba yan?" tanong nito na tila nang aasar pa.

"Oo, ano ba kasing problema n'ya?! Maiintindihan ko kung hindi s'ya gumanti sa mga halik ko, pero gumanti s'ya ibig sabihin gusto n'ya rin yun. Pero bakit hindi n'ya ko pinapansin?!"

"Wow! Ngayon nalang kita nakita ulit na ganyan ka iritable ah. Ganyan ba kalakas ang epekto sa'yo ni Miss Cleo?"

"Hindi ko kasi talaga s'ya ma gets eh, at isa pa hindi ako sanay na sinusungitan n'ya ko. Dati rati kapag may nagagawa ako, isang sorry lang nagiging okay naman kami agad."

"Alam mo hindi ko masasagot yan, ang mabuti pa ibaling mo nalang muna ang atensyon mo sa ibang bagay." suggestion nito.

"Mas mabuti pa nga siguro, pero anong gagawin ko? Hindi ko rin naman feel uminom today." tugon ko.

"Maligo ka na muna, malay mo naman while naliligo may maisip kanang gawin."

"Okay, sige ate akyat na muna ako." walang ganang sagot ko.

*****

Nag madali akong lumabas ng banyo matapos kong marinig ang sunod-sunod na tawag mula sa phone ko, tinignan ko ang screen ng phone at napag alamang si Mommy ang tumatawag kaya agad ko iyong sinagot.

"Sorry mom, kakatapos ko lang pong maligo." sagot ko.

Love, are you free tonight? tanong ni Mommy sa kabilang linya.

"Wala naman po akong gagawin Mom, bakit po?"

I want to introduce someone to you, pwede mo ba syang i-meet mamaya?

"Yes Mom, why not?" sagot ko.

Mainam na rin yun since kailangan ko ng may mapag babalingan ng atensyon.

Good! I'll text you the details.

"Okay po." tugon ko.

Matapos nitong mag paalam ay agad na nitong binaba ang tawag.

Mabuti nalang rin pala at naligo na ko, para hindi ko na kakailanganin ng mahabang preparation para mag ayos.

I wonder kung sino kaya 'tong gustong ipakilala sa'kin ni Mommy, hmm bahala na nga malalaman ko rin naman mamaya.

*****

Pinuntahan ko ang eksaktong location ng tinext sa'kin ni Mommy, pag pasok ko ng restaurant ay agad akong nginitian ng host at inescort papunta sa nireserve nilang table. Nagulat pa ako ng makita ang mukha ng gustong ipakilala sa'kin ni Mommy.

Teka, familiar s'ya, san ko nga ba s'ya nakita? tanong ko sa sarili.

"Hello Lizzy..." she greets me with a smile, saka bumeso.

"Hi..." tugon ko matapos makipag beso dito.

"Mukhang hindi mo na 'ko nakikilala ah." tila nag tatampong wika nito.

"Uhm sa totoo lang familiar ka sa'kin pero hindi ko lang talaga maalala kung saan kita nakilala?" honest kong sagot.

"Ouch!Na meet na kita before when we are still young, my father and your mom are good friends." paliwanag nito. "I'm Brianna by the way, daugther of Brent Davino." pag papakilala nito.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon