𝙴𝚇𝚃𝚁𝙰 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁

602 28 8
                                    

Mula sa living room, agad na hinila ni Brianna palabas ng mansyon si Avery.

"Mag-usap nga tayo." tila inis na wika ni Brianna saka ito binitawan.

"Ano namang pag uusapan natin?" walang ganang tanong nito.

"Ba't mo ko pinigilan kanina may sasabihin pa man din sana ako kay Izzy." reklamo nito.

"Ah yun ba? Hindi ka ba marunong makiramdam ng sitwasyon?" ganti ni Avery.

"Huh? Bakit ano bang meron?" tila naguguluhang tanong ni Brianna.

"Tsss. Ito lang ang masasabi ko sa'yo, wala kang chance sa kapatid ko." 

"At papano mo naman nasabi?"

"Kung di mo halata, may iba na s'yang nagugustuhan. Well baka hindi n'ya pa na re-realize sa ngayon pero I'm sure one of this days. Kaya kung ako sa'yo wag mo ng ipilit yang fix marriage na gusto mo, kasi kahit mga magulang namin dedepende pa rin samin kung gusto ba namin o hindi." nakangising wika ni Avery.

"Hindi, gagawin ko ang lahat para kay Izzy kahit pa ang akitin ko s'ya."

"Tell me, bakit mo ba ginagawa 'to? Nag hihirap na ba ang family n'yo at gustong gusto mong mag patali agad sa kapatid ko? O baka naman may gusto ka lang takasan?" 

Saglit na natigilan si Brianna matapos marinig ang tanong ni Avery.

"W-walang ibang dahilan g-gusto ko lang si Izzy, yun lang yun."

Hindi sumagot si Avery at matamang tinitigan si Brianna,  pakiramdam ng dalaga ay para na s'yang natutunaw sa paraan ng pag kakatitig nito sa kanya.

"Alam mo kung gusto mo talagang ikasal..." wika nito habang unti-unting nilalapitan si Brianna.

Panay naman ang atras nito pakiramdam n'ya kasi ay para ng sasabog ang puso n'ya sa ginagawa ni Avery sa kanya. Napalunok nalang s'ya ng masuyo nitong hawakan ang baba n'ya.

"Bakit hindi nalang ako? Sa tingin ko naman mabibigyan mo ko ng magandang genes, so hindi na masama." saad ni Avery.

"L-layuan mo nga ko, bastos!" kinakabahang wika ni Brianna.

Umarko ang kilay ni Avery matapos marinig sa dalaga ang salitang iyon.

"Bastos? Gusto mo ba malaman ang tamang definition ng bastos?" mapaghamong tanong ni Avery.

Mas lalo lang tuloy kinabahan si Brianna, hindi n'ya alam kung bakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay nag bibigay ng kakaibang kilabot sa kanya.

"Y-yung sinabi mo k-kanina, hindi ba kabastosan yun?" sagot nito.

Itinukod ni Avery ang isa nitong kamay sa may bandang ulo ni Brianna saka hinapit ang bewang nito. Tila napigil na ata ni Brianna ang sariling pag hinga dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

"A-anong gagawin mo ha?" kinakabahang tanong nito.

"You smell good..." sambit ni Avery at basta nalang siniksik ang mukha nito sa leeg ni Brianna.

Sinadya pa nitong dampian ng halik ang leeg ng dalaga dahilan para mapasinghap ito.

"Want more?" bulong pa nito.

Nag ipon muna ng lakas si Brianna bago ito naitulak palayo sa kanya, pakiramdam n'ya kasi ay bibigay na ang mga tuhod n'ya dahil sa pinag gagagawa sa kanya ni Avery.

"Pervert!" wika nito at nag mamadaling umalis.

Naiwan si Avery ng may ngiti sa mga labi, na para bang aliw na aliw s'ya sa bawat reaksyon ni Brianna sa mga kalokohan n'ya.

Naiwan si Avery ng may ngiti sa mga labi, na para bang aliw na aliw s'ya sa bawat reaksyon ni Brianna sa mga kalokohan n'ya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Barbara Lopez
as
Avery Javier

Macarena AchagaasBrianna Davino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Macarena Achaga
as
Brianna Davino

Macarena AchagaasBrianna Davino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon