𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈

505 44 13
                                    

𝐋𝐢𝐳𝐳𝐲

"Hoy pinagtabuyan, wala ka bang planong pumasok?" tanong sa'kin ni ate Avery sabay agaw ng phone ko mula sa likuran.

"Harhar ate, di nakakatuwa. Akin na nga yan." wika ko at pilit na inaabot ang phone ko.

"Nakabihis nalang ako, nandyan ka pa rin nag mumukmok dito sa phone mo. Ano bang kasing tinitignan mo dito?"

Agad akong tumayo para kunin ang phone sa kanya, pero mabilis nya itong nailayo sakin. Umikot ito sa kabilang bahagi ng sofa, saka tinignan ang screen ng phone ko.

Matapos itong tignan ay agad naman nyang ibinalik sakin.

"Ikaw na ngayon si Lizzy 'Hulog na Hulog' Javier." wika pa nito.

"Tsss. Masyado ka lang malisyosa ate, tinitignan ko lang yung mga pictures namin together. Parang nanghihinayang lang kasi ako sa friendship namin." paliwanag ko.

"Haaay naku Izzy, alam mo kung ako sayo pumasok ka nalang... kapag wala kang ginagawa mas lalo mo lang s'yang maiisip. Tiisin mo lang ang isang oras na klase nya, after nun mag paka busy kana." payo nito.

"Fine, pero mamaya na ko papasok ate. Tinatamad din akong kumilos eh." tugon ko.

"Ikaw ang bahala, sige papasok na ko ayokong ma-late sa klase." wika nito.

"Take care."

Ng makaalis ito muli kong ibinaling ang atensyon ko sa hawak kong phone, at nag patuloy sa pag scan ng gallery. Natigil lang ako sa solo picture ni Ma'am Cleo na ako pa mismo ang kumuha.

"Baka nga gusto na kita..." bulaslas ko habang kinakausap ang picture ni Ma'am Cleo. "pero ikalma mo gusto lang kita pero hindi ako in love sa'yo, mag kaiba yun." wika ko.

"Aiiish!!" anas ko at gigil na tumayo. "Kinakausap mo nanaman ang sarili mo Izzy."

Naisipan kong pumunta ng garden para kahit papano ay ma refresh ang utak ko... iba't ibang mga bulaklak ang naroroon pero mas napili kong pag diskitahan ang daisy, pumitas ang ng isa sa mga bulaklak nito saka umupo sa patio chair na nandun.

"...she like me, she likes me not." pinag laruan ko ang bawat petals nun at isa-isang hinila. "she likes me, she likes me not, she..." natigil lang ako ng nasa huling hibla na ako ng petals, imbes na tapusin ang nilalaro ko ay basta ko nalang iyon hinagis.

Sino bang niloloko ko, she likes me?! Eh pinag tatabuyan nya na nga ako.

Tama nga si ate, baka mabaliw na ko kaya dapat lang na pumasok na ko.

Umakyat na ko sa kwarto para makaligo at makapag ayos, tinignan ko ang oras sa wall clock tatlong oras na rin akong late at kanina pa tapos ang klase ni Ma'am Cleo sa department namin.

Sinukbit ko na ang aking bag, saka bumaba natigilan pa ko ng makita ang imahe ni Ma'am Cleo na nakaupo sa sofa.

"Habang tumatagal mas nagiging totoo ka ah." wika ko sa sarili.

Lately kasi lagi kong naiisip na nasa tabi ko s'ya, kaya ngayon hindi na ko magugulat kung bigla nalang syang susulpot sa harap ko. Malamang nag ha-hallucinate nanaman ako.

Hindi ko na iyon pinansin, at basta nalang nilagpasan.

"Miss Javier."

Natigil ko sa paglalakad ng marinig itong mag salita.

Is she real?!

Agad ko itong nilingon na parang hindi makapaniwala.

"Ano to? Nag ta-tantrums ka ba?" narinig ko pang wika nito.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon