𝚂𝙸𝚇𝚃𝙴𝙴𝙽

760 49 13
                                    

𝐋𝐢𝐳𝐳𝐲

Agad na bumitaw mula sa pag kakayakap sa'kin si Ma'am Cleo ng marinig ang pag bukas ng pinto.

Mukha ni Paula ang nakita namin at tila natigilan pa ng makita kami ni Ma'am Cleo.

May napansin akong kakaiba mula sa mga mata nito, o baka guni-guni ko lang rin iyon kaya isinawalang bahala ko na lang.

Lumapit ito samin pero sa akin lang nakatingin na para bang walang pakialam sa presensya ni Ma'am.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito sabay hawak sa mag kabila kong pisngi.

"Oo, okay lang-- anong nangyari dito?" tanong ko ng mapansin ang dugo mula sa gilid ng labi nito.

"Wala, wag mo ng pansinin to. S'ya nga pala nakilala ko kung sino ang may gawa n'yan sa'yo. Hindi ko nga alam kung sino s'ya, pero sigurado ako na kapag nakita ko s'ya makikilala ko agad ang babaeng yun." seryosong wika nito.

Babae? Mukhang may ideya na ko kung sino ang tinutukoy nito kaso hindi ko rin talaga alam ang pangalan ng babaeng nakaaway ko nung isang araw.

"S'ya ba ang dahilan ba't putok yang gilid ng labi mo?" tanong ko.

Mabilis itong nag iwas ng tingin, matapos marinig ang tanong ko.

Kahit pa hindi n'ya ko sagutin, kung base sa reaksyon n'ya mukhang may kinalaman ito sa babaeng gustong mag higanti sa'kin.

"Na appreciate ko, pero next time wag ka naman basta basta sumugod ng mag isa." sermon ko dito.

"Edi kung hindi ko sinundan ang babaeng yun, hindi ko makikilala ang may gawa nito sa'yo."

"Grabe ka, imbes na mag thank you ka, sinermonan mo pa." sabat ni Ma'am Cleo sa usapan.

Kung sabagay, nag mamalasakit lang naman s'ya sa'kin.

"May first aid kita ba kayo dito Ma'am?" tanong ko.

"Meron, teka kukunin ko." tugon nito.


𝐂𝐥𝐞𝐨

"Maupo ka dito." narinig kong utos ni Izzy kay Paula

Agad naman itong tumalima, at naupo sa tabi ni Izzy. Naupo nalang rin ako sa katapat na upuan ng dalawa.

Pansin ko ang pag lilikot ng mga mata ni Paula habang ginagamot s'ya ni Izzy.

Halatang hindi s'ya makatingin ng diretsyo kay Izzy, lalo pa at masyado itong malapit sa kanya.

I bet, na ti-tense s'ya sa mga oras na to.

Ibinaba nito ang tingin at nanlaki pa ang mga mata nito na para bang may nakitang nakakamangha.

Nang sundan ko iyon ng tingin...

WHAT THE HELL!!

Mula sa kinauupuan ko kitang kita ko ang pag silip ng underwear nito sa shirt na suot n'ya. Maging ang makinis at maputing hita nito ay lantad na lantad din.

Kaya pala parang di na maalis ni Paula ang mga mata doon.

Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng inis.

Mabilis kong kinuha ang cardigan ko na nakasampay sa swivel chair. Saka iyon agad na ipinatong sa legs nito.

Nagulat pa s'ya sa ginawa ko, maging si Paula ay napatingin sa'kin.

"Di mo man lang naisip takpan yan." saway ko.

"Anong ipantatakip ko eh tshirt lang ang meron ka sa drawer mo?" sagot nito habang nililigpit ang mga ginamit na gamot.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon