𝙵𝙸𝙵𝚃𝙴𝙴𝙽

969 78 30
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Ngayon ang huling araw ng intramurals, abala kaming mga teacher sa pag aasikaso ng mga ginagawang activities para sa mga students.

At sa pangatlong araw na to, muli ko na nanamang nakita si Paula dito.

Ang tyaga n'yang pumunta dito ha? I wonder kung wala ba s'yang klase at sunod-sunod na araw na s'yang nandito. Ganun ata talaga s'ya ka porsigido na makita si Izzy araw-araw, kung pwede lang ang mayayaman dito malamang nag transfer na agad s'ya dito.

"Ma'am Cleo, gusto n'yo bang sumabay samin mag lunch?" tanong ni Paula sa'kin ng makasalubong ko sila.

"Ahm... mauna nalang kayo, nag aya kasi si L na sabay raw kaming mag lunch."

"Edi sabay-sabay na natin s'yang hintayin." suhestiyon ni Paula.

"Ano ka ba wag mo ng pilitin, baka gusto nilang mag solo." sabat ni Izzy.

Medyo nakaramdam ako ng inis dito.

Baka s'ya ang may gustong ma solo si Paula, sa'kin n'ya pa ipapasa.

"Ay magandang ideya yan Paula, the more the merrier." masiglang wika ko saka palihim na inirapan si Izzy.

"Masaya to." wika ni Paula saka inilingkis ang mga braso kay Izzy.

Akala ko ay mag susungit nanaman si Izzy kay Paula, pero hinayaan n'ya lang ito sa pagiging clingy.

"Dito nalang natin s'ya hintayin." suhestiyon ko sa dalawa.

Naupo ako sa wooden bench na malapit sa kinaroroonan namin, naupo naman sa tabi ko si Izzy.

"Scoot over, para makaupo ako." narinig kong sabi ni Paula.

Nasa dulo na ko ng upuan kaya wala na kong maiuurong pa, actually kaya naman ang tatlo dito siksikan nga lang.

"Dun ka sa kabila, masikip na dito." tugon ni Izzy.

"Ayoko, gusto nga kitang katabi." pag mamatigas ni Paula.

"Ako nalang lilipat." nakangiti wika ko.

Pero bago pa man ako makatayo, ay hinarang na ni Izzy ang braso nito sa harap ko.

"Dito ka lang." saad nito saka ako tinignan ng masama.

Parang may kung ano sa puso ko na biglang kumislot, dahil sa sinabi nito.

"O-okay, sabi mo eh." sagot ko at pilit na pinipigilan ang ngiti na gustong kumawala.

"Oy may binibenta sila dun sa booth na yun oh, tignan natin." turo ni Paula.

"Ayoko, kung gusto mo ikaw nalang. Pagod na kong mag lakad."

Sumimangot naman agad si Paula, at ibinaling ang tingin sa'kin.

"Pagod rin si Ma'am, wag mo ng kulitin." si Izzy na ang nag salita.

"Sige na nga ako nalang ang mag isang pupunta, wag n'yo kong iwan ha?"

"Oo na, bilisan mo nalang." masungit na wika nito.

"Ang sungit mo kay Paula." saad ko ng maiwan kaming dalawa.

"Anong gusto mo? Maging sweet at clingy ako sa kanya? Edi mas lalo s'yang na fall." seryosong turan nito.

"Hindi naman sa ganun, kalmahan mo lang ang kasungitan mo."

"Ngayon na nga lang tayo nakakapag usap sa school, si sermonan mo pa ko." reklamo nito.

"Wow! Di ba tayo nag kikita sa bahay? Kung makapag inarte ka naman dyan." ganti ko.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon