𝚃𝚆𝙴𝙻𝚅𝙴

820 75 26
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang pag sakit ng sintido ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang posisyon namin ni Izzy.

Nakayakap lang naman ako sa kanya, yung yakap na tipong halos pumaibabaw na.

My gosh, Cleo!!! Nakakahiya ka!!!

Dahan-dahan akong umalis mula sa pag kakayakap dito, di pa man nakakalayo ang katawan ko ay muli na akong niyakap nito.

Wala ng pagitan ang mga katawan namin, nakasiksik ako sa leeg nito kaya langhap na langhap ko ang mabangong pabango nito.

Gusto ko pa man manatili sa ganitong posisyon pero-- teka ano?!!

Damn! Ano ba pinag sasabi ko?!!

"Ang aga mo namang makipag talo sa sarili mo Ma'am."

Si Izzy iyon na biglang nag salita.

"Oh, and I'm sorry bout this, kala ko kasi unan." wika nito saka inialis ang braso na nakadantay sa'kin.

Parang biglang tumayo ang balahibo ko dahil sa paraan ng pag sasalita nito.

"O-okay lang--"

"Yep! Talagang okay lang ang ginawa ko pero ang mga ginawa n'yo kagabi sa'kin medyo...." pabitin pang wika nito.

"H-huh? Ano bang ginawa ko sa'yo?" kinakabahang tanong ko.

"Hmm... alalahanin ko." saad nito at nakahawak pa sa baba n'ya na tila nag iisip.

"Hoy ano nga?!" saad ko sabay hampas sa braso nito.

"Aray Ma'am ha? Namimisikal ka nanaman." inis na turan nito.

"Nakakainis ka kasi masyado kang pabitin, kinakabahan na nga ako eh." reklamo ko.

"Siguro kung pumayag ako sa gusto mo kagabi, we might have crossed the line as teacher and student." nakangising wika nito.

Ramdam ko ang biglang pag init ng mukha ko, dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.

"N-niyaya kitang mag s-sex?!" nauutal na tanong ko.

Saglit na napakunot ang noo nito maya-maya pa ay tumawa.

"Gosh! Ang mabuti pa siguro Ma'am maligo ka nalang muna, ako ng bahalang mag luto ng breakfast. I'm sure masakit yang ulo mo." pag iiba nito sa usapan.

Tumayo ito mula sa kama saka pasimpleng sinuklay ang buhok gamit ang sariling kamay.

"Teka Izzy! Di mo pa ko sinasagot."

"Hindi ka pa naman po nanliligaw, MA'AM." nakangising tugon nito.

Sa inis ko ay mabilis kong ibinato ang unan sa kanya, na agad rin naman nitong nasalo.

"Izzy, nakakainis ka!" saad ko at umupo sa gilid ng kama habang minamasahe ang ulo ko.

Tumayo ito sa harap ko saka inilapag ang unan sa tabi ko, pero nanatili lang itong nakatayo sa harap ko.

"Bakit?!" pag susungit ko at pilit na nilalabanan ang hiya sa kung anumang nagawa ko kagabi.

Imbes na sumagot, she lean forward... at iniabot ang colar ng PJ na suot ko.

"Sorry.... di ko pala nasara ng maayos to kagabi..." wika nito while using her bedroom voice habang dahan-dahang isinasara ang butones ng PJ ko.

"Na exposed tuloy... anyways. Magluluto na ko." muli ay wika nito, saka lumabas ng silid.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag, kanina ko pa pala pinipigilan ang pag hinga ko ng di ko namamalayan.

Gosh! Ano ba kasing ginawa ko?!! At sa harap pa ng studyante ko?!

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon