𝙵𝙾𝚄𝚁𝚃𝙴𝙴𝙽

1K 77 23
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

My gosh! Ano bang ginawa mo Cleo?! Ngayon papano mo haharapin si Izzy?!

Yan ang mga tanong sa isip ko habang papalayo kay Izzy.

"Miss Cleo... san ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni ate LJ." saad ni Avery ng makasalubong ko ito.

"Uhm s-sa likod lang, nag pahangin." sagot ko.

"Si Izzy ba nakita n'yo?" muli ay tanong nito.

"Nakita ko s'ya sa likod, di ko lang sure kung nandun pa rin s'ya." kinakabahang tugon ko.

"Okay Miss Cleo, thank you. Bumalik kana sa table natin hahanapin ko lang si Izzy." wika nito sa nag mamadaling nag tungo sa likod.

Wala sa sariling bumalik ako sa table namin, wala roon si Ma'am Azura na labis kong ipinag pasalamat.

Dahil kung nandito s'ya mas lalo lang akong kakabahan.

Maya-maya pa ay umakyat na sa maliit na stage si L... at nakatingin sa bandang pwesto ko.

"May I call on Miss Cleo Marie Matteo to go in front with me?" wika nito na ikinagulat ko.

Tanaw ko na pabalik na si Izzy at si Avery sa table namin.

"Please..." muli ay wika ni L na parang nag susumamo.

Hindi ko rin kayang harapin si Izzy, kaya kahit kinakabahan ay tumayo ako at nag tungo sa harap. Sa sobrang kaba ko ay para na kong mahihimatay.

"Thank you, akala ko ipapahiya mo ko sa lahat eh." biro ni L.

Pasimple ako nitong hinawakan sa bewang, habang patuloy na nag sasalita.

Wala akong naintindihan sa mga pinag sasabi nito dahil maliban sa bilis ng kabog ng puso ko dahil sa nerbyos, di pa nakaligtas sa paningin ko ang mga titig ni Izzy na para akong tinutunaw.

"C..." tawag sakin ni L.

"W-why?" nauutal na tanong ko.

"Alam ko iniisip mo at ng ibang tao na hindi totoo ang feelings ko sa'yo, kaya gusto ko sanang malaman ng lahat ng nandito na...." pahayag nito habang nakatingin sa'kin.

"Nakipag break na sa'kin si C kanina, pero syempre ayokong matapos lang dun ang lahat..." pag papatuloy nito.

"So... pwede bang ligawan kita?" tanong nito na nakapag pawindang sa'kin.

Tinignan ko ang gawi ni Izzy, pero tumayo ito at naglakad palabas ng venue.

Damn! Gusto kong itanong kay L yung tungkol sa lalaking kahalikan n'ya, pero hindi ko magagawa yun sa dami ng taong nakatingin sa'min. Bakit ngayon n'ya pa naisipang gawin to, hindi ako makaka hindi sa ganitong sitwasyon.

"So?" si L iyon na muling nag salita, na hinihintay ang sagot ko.

"Say yes! Say yes!" May isang taong nag chant hanggang sa halos sabay sabay na ang lahat sa pag cheer.

Ano ba tong pinasok ko?!

"O-okay." tanging naisagot ko.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon