𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙵𝙾𝚄𝚁

631 38 14
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

"Oo tama ka, kaya nga nasasaktan ako ng ganito Izzy." wika ko.

"Pero ang akala ko ba, kayo na ni ate LJ?" tanong nito.

"Hindi, hindi na kami nag balikan. Nung araw na nakita mong hinalikan ako ni L, yun din ang araw na pinatigil ko na sya sa panliligaw sakin." paliwanag ko dito.

"Ha! Nakakatawa... actually yun din ang araw na sinabi nya sakin na kayo na ulit. So isa lang pala tong, napaka laking misunderstanding..."

Maging ako ay nagulat sa isinawalat nito, kaya pala ganun nalang sya nasaktan dahil ang buong akala nya kami na ulit ni L.

"So ngayon... tinatanong kita Cleo, anong gagawin mo kung sabihin ko sa'yong gusto kita laging nakikita?" bigla ay tanong nito.

Hindi ako umimik, pero sa loob loob ko parang kinikiliti ang puso ko.

"Wala ka bang sasabihin?" muli ay tanong nito.

"At bakit ko naman kailangan sagutin yang tanong mo?" patuloy na pag susungit ko, dahil kahit inamin ko na dito na mahal ko sya di pa rin nawawala ang inis at tampo ko dahil sa ginawa nitong pag iwan sakin.

"Alam mo for me to even admit this, sa totoo lang ang hirap ng sitwasyong pinapasok ko dito ha." saad pa nito. "pero wala akong magagawa kasi hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mahalin ka."

Sinadya kong kagatin ang pang ibabang labi ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman.

"Ano? Wala ka talagang sasabihin?" pangungulit pa nito, kaya naisip kong asarin pa ito lalo.

"Salamat..." tanging sagot ko.

"What the-- at sa dami ng sinabi ko yun lang ang isasagot mo sakin? Geez! Ganito ka ba talaga kahirap suyuin ha?" wika nito na parang nauuubusan na ng pasensya.

"Fine, since kasalanan ko naman. Okay na ko sa ganitong set up, kahit lagi kang masungit ang importante nakikita kita ng malapitan." saad nito.

Kahit kelan talaga napaka vocal nito sa feelings nya.

Yiiie! Aminin mo man o hindi, kinikilig ka naman. sabat ng konsensya ko.

"Talaga bang ganyan mo ko kamahal?"

"Oo." mabilis na sagot nito.

"Okay, tignan natin kung gaano kahaba yang pasensya mo. Sige na, umalis kana." wika ko.

Papasok na sana ako sa loob ng harangan nito ang dinaraan ko.

"Hindi mo ba ko namiss?" malambing na tanong nito.

"Hindi, kaya umalis kana." tugon ko.

Para akong na istatwa ng bigla nitong haplusin  ang mukha ko, napatingin ako sa mga mata nitong parang nangungusap na para bang sinasalamin nito ang mga mata ko.

"Nagsisinungaling ka, nakikita ko sa mga mata mo." wika nito. "Pero di bale na, sige uuwi na ko. Good night." paalam nito saka ngumiti.

Tinignan ko na lamang ang papalayo nitong sasakyan.

Haaay Cleo, hanggang kelan mo ba titiisin si Izzy?! tanong ko sa sarili.

*****

After ng klase nag pasya akong pumunta sa mismong mall kung nasan ang opisina ni Izzy, may dala rin akong paborito nitong pagkain para na rin peace offering.

Naisip ko kasing baka sumobra na ko kagabi sa pag susungit sa kanya.

"Excuse me, pwede ko bang malaman kung nasan ang office ni Miss Lizzy Javier?" tanong ko sa front desk ng mismong admin.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon