𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽

739 48 24
                                    

𝐈𝐳𝐳𝐲

"Ang tahimik mo ah..." tanong ko dito habang nag da-drive.

Nakatingin lang kasi ito sa labas ng bintana ng kotse.

"Wag mo kong kausapin." masungit na wika nito.

"Aba, ba't ka nagagalit? Nabitin ka ba?" pang aasar ko dito.

"Nabitin saan?" tanong nito ng nakataas ang kilay.

Tss. Playing hard to get ha...

"Wala... nevermind." wika ko at pasimpleng kumilos para mas lalong tumaas ang lilis ng dress ko dahilan para lumantad ang legs ko.

Pansin ko mula sa peripheral vision ko, si Cleo na nakatingin sa gawi ko kaya lihim akong napangiti.

"Like what you see?" tanong ko ng mag red ang traffic light.

"P-pwede ba Izzy..." irap nito sakin.

"Pwede bang pa-isa? Sure, anything for you mommy..." tukso ko pa dito.

Nakita kong hinubad nito ang coat na suot at mabilis na itinakip sa exposed kong legs.

Kaya mas lalo pa kong napangiti.

"Ano ba Mommy, ang init ehh..." kunwari ay reklamo ko.

"Subukan mong tanggalin yan, bababa ako." banta nito.

Mabilis kong hinila ang kwelyo ng blouse nito at hinila papalapit sakin. And gave her a peck on the lips.

"Ang cute mo, opo hindi na." wika ko.

Agad kong napansin ang pamumula ng mag kabilang pisngi nito, kaya ibinaling nito ang mukha sa ibang direksyon.

Muli kong pinaandar ang sasakyan ng mag green ang traffic light.

"Ba't nga ba mommy?" maya-maya ay tanong nito.

"Cause I'm your baby..." nakangiti kong tugon.

"Baby? Baby ka pa ba sa lagay na yan? Ni wala kang ka inosentehan sa katawan." saad nito.

"Ayaw mo ba? Sige kay Mia ko nalang itatawag ang mommy--"

"Itabi mo, bababa ako." wika nito.

"Napaka grumpy mo Mommy, nilalambing lang kita eh." saad ko. "Ganyan ba talaga kapag nag kakaedad?" dagdag ko pa.

"Edi dun ka kay Mia, mag kaedad lang naman ata kayo... di kita pipigilan." seryosong wika nito.

"Sus! Selos ka lang eh..." bulong ko.

*****

Isang linggo na ang nakakaraan, mula ng kausapin namin ni Cleo ang mga magulang ko. Laking pasasalamat ko dahil buong puso kaming tinanggap nina Mommy at Mama.

Naging maayos rin ang pakikipag usap namin sa mga magulang ni Cleo, nagulat pa nga sila ng makita ako at mas lalo pang nagulat ng hingin ko ang kamay ng anak nila. Hindi kasi nila inaakala na ako na isa sa mga student ni Cleo noon, ay ang mapapangasawa nya in the future.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang duyan, habang nakatingin sa langit. Ang ganda kasing tignan ng mga bituin, at napaka tahimik ng buong paligid.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Cleo sakin.

"Nag papahangin lang." tugon ko saka ngumiti.

"Nag papahangin? Ang lamig-lamig kaya." saad nito.

Umurong ako sa duyan para bigyan ng space na mauupuan si Cleo.

"Dito ka sa tabi ko." aya ko dito.

Tila nag aalangan pa ito, pero kalaunan ay sumunod rin naman.

"Haaay ang lamig talaga..." wika ko saka iniyakap ang braso ko sa bewang nito.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon