𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽𝚃𝙴𝙴𝙽

577 29 7
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

"Anong ginagawa n'yo?" tanong ni Paula habang kinukusot ang mga mata.

Muli kong tinignan ang ayos ni Izzy, nakatakip na ng maayos ang towel nito.

"Huh? What are you talking about?" patay malisyang tanong ni Izzy dito.

"Akala ko kasi narinig kitang nag salita." saad ni Paula.

"Guni-guni mo lang yun, matulog ka nalang ulit." sagot pa nito.

"Ayoko nga, gising kana eh kaya dapat gising na rin ako."

"E-excuse me, pwede ba kong makigamit ng banyo?" singit ko sa dalawa, pakiramdam ko kasi ay naiihi na ko.

"Of course, Ma'am, isipin mong bahay mo rin to." nakangiting tugon nito. "Pwede ka rin maligo kung gusto mo, I'll prepare some clothes for you if you want." dagdag pa nito.

Hmm mas mabuti nga siguro kung maligo nalang ako, hindi ko rin kasi alam kung anong oras planong umuwi ni Izzy.

"S-sige, makikiligo na rin ako." sambit ko saka nag madaling nag tungo sa banyo syempre para iwasan na rin ang nakakamatay na mga tingin ni Paula.

Matapos kong maligo, hindi ko naabutan si Izzy at Paula roon.

Saan kaya nag punta ang dalawang yun?

Nakita ko sa itaas ng kama ang mga hinanda ni Izzy na mga susuotin ko, denim short, graphic tee shirt at isang set ng underwear. Matapos kong mag bihis humarap muna ako sa salamin para mag ayos ng sarili.

Maya-maya lang ay pumasok na ng silid si Izzy, nag taka pa ko ng hindi makita si Paula na dapat ay kasunod nito.

"Nasan si Paula?" di nakatiis na tanong ko.

"Pinauwi ko na." tipid na sagot nito.

"Himala di nag pumilit na mag stay?" natatawang wika ko.

"I lied to her, ang sabi ko after mong maligo uuwi na tayo. Kaya umuwi na rin s'ya... mabuti at nakinig naman." paliwanag nito.

"Pwede ba kitang tanungin ha?" tanong ko.

Tinignan ako nito at tila nag hihintay ng tanong ko.

"Never ka pa bang na attract sa babae?" walang paligoy ligoy na tanong ko.

Nakatitig lang to sakin, hindi ko alam kung nag iisip ba s'ya ng sagot o wala talaga s'yang balak na sagutin ako.

"Tsaka... wala bang chance sa'yo si Paula?"

"Pwedeng isa-isa lang ang tanong? Di pa ko nakakasagot nag tanong ka nanaman ulit." reklamo nito.

"Eh parang--"

Natigil ako sa pag sasalita ng makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"Izzy?! nandyan ka ba?"

Mukhang si Paula ata iyong nag salita mula sa pinto.

"Papasok na ko ha?" saad pa nito.

Bago pa man tuluyang mag bukas ang pinto, mabilis na kong hinila ni Izzy papasok ng banyo.

"Ba't--" hindi na ko nakapag salita ng takpan nito ang bibig ko, habang nakasandal sa pader.

"Shhh..." bulong nito.

Jusmiyo ang bango n'ya, mas mabango pa ata sa'kin to kahit kakaligo ko lang.

"Miss Cleo, andyan ka pa ba?" narinig kong tanong ni Paula mula sa labas.

Pero hindi ko iyon nasagot agad para akong lutang na hindi alam kung ano ang isasagot dito kahit andali lang naman ng tanong. Epekto ata ng mabangong amoy ni Izzy, di rin nakakatulong na sobrang lapit ng mukha nito.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon