𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙾𝙽𝙴

538 29 7
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Nag paalam muna ako na mag c-cr lang, sa pag mamadali ko ay hindi ko na natanong kay L kung nasan ang CR nila dito, ang alam ko lang kasi ay ang CR sa loob ng kwarto ni Izzy. Ayoko namang basta-basta nalang pumasok dun, kaya minabuti ko na lamang na hanapin ito ng mag isa. 

May napansin akong naka bukas na pinto, kaya agad ko iyong pinuntahan nag babakasakaling may tao run na pwede kong mapag tanungan.

Nasa tapat na ko ng pinto, bigla kong natutop ang bibig ko ng makita si Izzy at Paula na nag hahalikan.

Parang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang puso ko ng makita sila sa ganung ayos.

Hindi ba ito ang gusto ko, na layuan ako ni Izzy? Pero bakit ang sakit-sakit na nakikita ko s'yang ganito kalapit kay Paula. Parang gusto ko syang hilahin at ilayo kay Paula, gusto ko syang ipag damot, gusto ko akin lang s'ya.

Bago pa ko makagawa ng pag kakamali, mas mabuti na umalis na lang.

Hahakbang palang sana ako ng makasalubong ko si Avery.

"Miss Cleo, may hinahanap ka ba?" tanong nito sa'kin.

"C-cr, kailangan kong mag CR. Mukhang naligaw ata ako." sagot ko.

Magsasalita pa sana ito pero para itong may nakitang multo sa likuran ko.

"Izzy... anong--" wika ni Avery at nag palipat-lipat ng tingin sa dalawa.

Hindi ko magawang pag balingan ng tingin ang dalawa, dahil baka pag ginawa ko yun maiiyak lang ako.

Nakakainis napaka balat-sibuyas mo naman Cleo! bulong ng utak ko.

"Ohh sorry, hindi ko napansin kumalat pala yung lipstick." narinig kong sambit ni Paula, lihim akong napakuyom dahil sa narinig.

"Excuse us." saad ni Izzy saka hinila si Paula.

"Loko yung dalawang yun ah." saad ni Avery, ngumiti lang ako ng pilit dito.

"Avery, yung CR pwede mo bang ituro sakin?" wika ko buti nalang at di bumiyak ang boses ko.

"Are you okay Miss Cleo?" nag aalalang tanong nito.

"M-medyo masama lang pakiramdam ko." tugon ko.

"I'll inform ate LJ para ihatid ka nalang n'ya pauwi, yung CR nga pala meron malapit sa kusina... ang akala ko kasi si Izzy ang pupuntahan mo since alam mong may CR sa room n'ya." paliwanag nito.

"Okay lang, sige... kanina pa kasi ako naiihi." pag sisinungaling ko at nag mamadaling umalis.

Nang makapasok ako sa loob ng banyo, doon lang kumawala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Siraulo ka Cleo, nahulog ka sa mas bata pa sa'yo?! And worst sa istudyante mo pa?!" sermon ko sa sarili habang nakaharap sa reflection ko sa salamin.

Aware ako na lately nag bago ang pakikitungo ko sa kanya, sinadya ko yun para iwasan ang nararamdaman ko. Pero nauwi lang sa wala ang lahat ng ginawa ko, hindi ko na pala napigilan ang sarili ko na mahulog kay Izzy.

"Masyado kasing pa fall, sarap sabunutan." bulong ko sa sarili.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng banyo.

"Ay kabayo!" sambit ko.

Nagulat kasi ako ng makita si L na nasa gilid ng pinto.

"Why took you so long?" malambing na tanong nito. "Okay ka lang ba?"

"Hinanap ko kasi yung CR, nakalimutan kong mag tanong sayo. Sorry." hinging paumanhin ko.

"Wait lang wag kang malikot." wika nito at may kung anong tinignan sa mukha ko, ngunit na gulat ako ng bigla ako nitong halikan sa labi.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon