PROLOGUE
Meet Erika ( Eka for short).
Sobrang galing at talented na dancer. Pero hindi mo na nanaising pakinggan ang boses pag siya'y kumanta na. Dalagang Pilipina at hindi nagpapadala sa mga malalanding lalakeng nakapaligid sa kanya. Magiging compatible kaya sila ni.....
"L" na isang vocalist ng bandang Death Note Revolution. Pero hindi mo nanaising makapartner sa sayaw dahil durog at patay na ang mga kuko mo sa paa pagkatapos. Ginagawang pagpapalitang kanyang damit ang pagpapalitng babae.
Eto naman si Ella.
Isang tahimik at mahinhing babae. Parang Maria Clara ang dating. Pero pag kinulit at ininis mo yan, mas gugugstuhin mo pang lamunin ng lupa kesa makita at marinig ang pagsusungit at pagpipilosopo niya. Magiging bagay kaya sila ni...
"Kyle" na isang guitarist ng school band nilang Death Note Revolution. Isang napakakulet at joker ng barkada. At kapag napagtripan ka niyan, hindi lalampas ang isang oras na hindi ka niya inaasar. Pero Sporty, lahat ng sports alam niyang laruin. MVP kung baga.
Isang madaldal at napakaenergetic naman na babae etong si Nicole.
Lahat kinakausap kahit hind niya kilala. Mahihiya ka pag kasama mo yan dahil sa ingay niya. Ngunit matalino at isang student leader. Maiinlove kaya siya kay...
"Kiel", na drummer ng bandang Death Note Revolution. Isang tahimik, masungit, pilosopo at antipatikong lalake. Pag kausap mo yan, himala na lang kung makabuo yan ng dalawang sentence. Laging nakapasak ang headset sa tenga o kaya naman eh tulog sa klase.
Last ay si Shella.
Certified artist at laging umaakyat sa stage dahil sa samu't saring awards na natatanggap niya dahil sa amazing talent niya. Isa ring honor student at striktong COR ng CAT. Magkakagusto kaya siya sa...
Isang astig na photographer at gitarista ng bandang Death Note Revolution na si Pierre.
Pilyo at feel at home sa Principal's office dahil halos araw-araw siyang tambay dun dahil sa sandamak-mak niyang offenses. Isa ring adventurer at living young, wild and free ang kanyang motto sa buhay.
Abangan natin kung paano sila mag-aaway, mag-aasaran, magkukulitan at maiinlove sa isa't-isa. :""""">
BINABASA MO ANG
Haters gonna LOVE <3
Teen Fiction“ Love comes to a Person at an UNEXPECTED TIME, in an UNEXPECTED PLACE, with an UNEXPECTED PERSON” Paano ka nga ba maiinlove sa taong kinaiinisan mo? Wala naman talaga silang balak mainlove. But love had found them.