Chapter 14

114 8 1
  • Dedicated kay XiRiekaMarsh
                                    

Chapter 12

Erika’s P.O.V.

Monday na naman. Hatest day of the week pero buti na lang walang pasok bukas. :))))) Ewan ko kung bakit. hehe Basta sabi sa fb wala daw pasok, eh di wala! Wala ng tanong-tanong baka mapurnada pa eh.

Papasok na ko sa school ng may tumapik ng balikat ko.

“Oy!” sabi niya. Pagkalingon ko si Ella pala.

“Oh, ikaw pala yan, bakit ganyan itsura mo?” sabi ko. Eh kasi naman mukha siyang zombie sa laki ng eyebags niya. Katakot! :/

“Ah, wala to, hindi kasi ako nakatulog.” Sagot naman niya.

“Sigurado ka? Okay ka lang?” tanong ko naman ulit baka kasi mamaya magtransform to sa zombie at kainin yung maliit na utak ko. Okay na yung maliit kaysa sa wala :P

“Oo, sure ako.” Sabi naman niya.

Umakyat na kami sa classroom, nakita ko si Shella na natutulog katabi si Nicole na nagbabasa, Tresspassing to ah.

“Bakit ka nandito?” tanong ni Ella kay Nicole.

“Wala lang, wala akong maka-usap na matino dun sa section ko eh.” Sagot naman niya.

“Baka mahuli ka ni ma’am, ma-DC (Discipline Coordinator) ka pa.” panakot ko naman.

“Hayaan mo siya, madali lang tumakas pag siya ang bantay.” Sagot naman niya. Hay pasaway talaga tong babaeng to, naturingang student leader pasaway kay Shella.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Nicole ng makaupo na.

“Puyat daw eh. Ang laki nga ng eyebags eh, katakot.” Sagot naman niya.

“Eh anong nangyari sa’yo?” tanong naman niya kay Ella.

“Ganun din.” Sagot naman ni Ella.

“Ano yang binabasa mo?” tanong ko naman.

“Ah ito, wala lang to, bigay sakin ni Ate.” Sagot naman niya.

“Anong title?” sabo ko.

“Love tips at advices para sa manloloko, babaero, denial, naguguluhan, takot mainlove, solo flight sa love, nafriendzone, martyr, torpe, at iba pa by Tropang Unicorn.” Sabi naman niya.

“Maganda?” tanong ko ulit.

“Pwede na.” matipid niyang sagot.

“Magbasa ka nga ng isa.” Sabi ko.

“Osige, takot mainlove tip no.6, Huwag kang matakot mainlove, wag mong pigilan. Malay mo magising ka na lang na nagmamahal ka na pala ng di mo namamalayan.”

Totoo ba yun? Pero sa totoo lang, hindi naman ako takot mainlove, takot lang ako na mainlove sa maling tao. Masasaktan lang ako. At yun yung iniiwasan ko. Tulad na lang ni L, isa siya sa mga maling taong mamahalin kasi sa dulo alam mong bibitawan ka rin niya, Iiwan tsk saklap nun. Kay asana, pinapalangin ko na hindi ako magising isang araw na inlove nap ala ako sa maling tao.

“Hoy!” bulyaw ni Nicole.

“Ba’t natulala kayong dalawa dyan? Ito naman si Shella gigising tapos tutulala din. Mga abnoy kayo.” Sabi ni Nicole. Di na lang kami nagsalita.

“Andyan na si Ma’am!” sigaw nung isang kaklase namin.

“Hala! Andito na pala yung teacher nyo. Sige alis na ko. Babush!” sabi ulit ni Nicole at umalis na siya.

2nd subject na before recess. Kabagnot :3 History eh. Wala pa kong kausap dahil tumba tong dalawang katabi ko. Ewan ko ba, masyado atang nagpuyat kagabi.

At para makatakas ako at makapagliwaliw saglit eh nagpaalam muna k okay Ma’am, kunwari mag-CCR XD

“May I go out Ma’am?” sabi ko.

“Okay, sige you may go.” Sabi naman niya tapos tinuloy yung ididiscuss niya.

Paglabas ko sa room. Yeah! I’m free! :P

Pumunta muna kong CR baka mamaya sundan ako ni Ma’am at malamang di ako dun pumunta. Yari ako! >.< hehe Katabi ng CR naming yung hagdan kaya nang malapit na ko sa CR eh may napansin akong lalaking nakaupo sa hagdan. Tinitigan ko siyang mabuti. Si L.

Naku! Naku! Erika, takbo na dali >.<

Mahirap na, baka singilin niya pa ko sa ginawa kong pagtapak sa paa niya. Papaalis na sana ko pabalik ng room ng…

“Erika.” Sabi ni L. Napapikit ako. Naku! Yari na talaga! Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

“Hi!” nahihiya kong sabi.

“Sabi na eh, ikaw yan.” Sabi niya. Ngumiti lang ako, yung fake smile. Sa totoo lang kasi, kinakabahan ako.

“Sinaktan mo ko.” Bigla niyang sabi.

“Ha?” nagulat kasi ako sa sinabi niya kaya yun lang nasabi ko.

“Yung paa ko, I mean.” Sabi niya tapos ngumiti. Ah, yun pala yun. Akala ko.. Ay, nevermind.

“Sorry.” Alam ko namang nasaktan siya dun. Paano ba naman dun ko binuhos lahat ng kabwisitan ko sa kanya.

“Okay lang yun, kasalanan ko naman eh.” Sabi niya tapos ngumiti ulit. Ngumiti lang din ako.

Magngingitian ata kami magdamag dito.

“Pero totoo yung sinabi ko, na you’re different from them.” Sabi pa niya.

“Ha?” Yun lang ulit yung nasabi ko.

“Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko.” Nagulat ako sa sinabi niya. Ewan pero biglang nag-init yung mukha ko.

“You’re blushing.” Sabi niya sabay smirk.

“Ang kapal mo ah! Di kaya!” pagdedeny ko naman. Omg! Nahalata niya ba? Tae! Kasi naman siya eh, siya may pakana nito eh. Nakakahiya >.<

“Kinikilig ka ata sakin.” Sabay smirk ulit.

“Asa ka! Baliw! Dyan ka na nga!” sabi ko sabay dere-deretsong pasok sa room.            

Bigla namang may tumawag sa pangalan ko.

“ ERIKA!”

Pagkalingon ko sa Nicole. At lahat ng kaklase nniya nakatingin din sakin at halatang gulat na gulat.

Tekaaaa….

Ba’t andito si Nicole? eh classroom namin to?

At tsaka ba’t naiba ata itsura ng mga kaklase ko??????

Okayyyy.  LOOOOAAAAAADING…….

Ay! Nak ng sampung tipaklong. Mali yung napasukan kong classroom!!!!! >.<

“Anong ginagawa mo dito ?” tanong ni Nicole.

“ahh.. ehhh.. hehehhe.  Bibisitahin sana kita.. Hehehe. Sige alis na ko bye!”

At dali dali akong lumabas ng classroom.

Shocks! Nakakahiya yung ginawa ko!

NAKAKAHIYA TALAGA!!!! >.<

“Ganyan ka pala pag kinikilig, masyadong natataranta, san san pumapasok.” Sabi ni L at todo tawa pa siya. Arghhhhhhhhh! Bwisit talaga!

“ Che!” sabi ko sabay tumakbo sa TOTOONG CLASSROOM ko. >.<

 ----

thanks po sa support! iloveyou guys :)

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon