Chapter 10 - kabado

119 6 2
                                    

Chapter 8

Ella’s P.O.V.

10:00 am

Nagpalit na ako ng uniform na pang-badminton, simpleng shirt lang at shorts na jersey tapos rubber shoes.

Papunta na ko sa badminton court ng may naramdaman akong nakisabay sa paglakad ko.

Paglingon ko sa gilid, nakakita ako ng pala ka, si Kyle tsk

Huminto ako. Ayoko ngang makasabay yun. Hindi naman sa pag-iinarte pero syempre baka anong isipin ng mga tao pag nakita kami magkasama. Alam niyo naman ang mga tao ngayon makakita lang ng babae at lalaking magkasama eh nilalagyan na agad ng malisya.

Pagkahinto ko, huminto rin siya. Aba! Sinisimulan na naman ata ako ng bwisit na palakang to. Naglakad ako, naglakad din siya. Huminto ulit ako, huminto rin siya.

“Nang-iinis ka na naman ba?” sabi ko

“Obvious ba?” sabi niya ng nakangiti pa.

“Argghh! Pwede ba wag ngayon? Kahit ngayon lang? Punong-puno na ko sayo eh!” sabi ko

Iritang-irita na talaga ako sa lalaking to!

“Ayoko nga. Gusto kong makita yang mukha mong pulang-pula na kulang na lang eh sumabog. Boom!! Hahaha”

“Bwisit ka talaga eh noh! Tantanan mo nga ako!” iritang pagkakasabi ko sa kanya.

“Ayoko nga!”

“Bahala ka sa buhay mo!” sabi ko sabay lakad papuntang court.

Pagkapasok ko eh nakita ko yung lalaking mga nasa edad na 30, kausap siya ng mga varsity. Nang medyo paparating na ako sa kanila, naririnig ko na kung anung pinag-uusapan nila.

“Siya ba?” sabi nung lalaki

“Oo, siya yun sir” sabi naman nung isang varsity, si Ed.

Naku, baka nalaman na nila na hindi ko talaga natalo si Kyle. Baka detention ang abot ko nito, Kyle kasi eh.

Nang maupo na ko biglang nilapitan ako nung lalaki sabay sabing.

“Hi! Ella right? Congrats! Welcome to the club”

“Po?” pagtataka kong sagot.

“I’m Jayson, Head coach ng badminton.” Sabi niya tapos ngumiti.

Uhm! Infairness! Ang pogi. J

“Ahm, sorry po kung hindi kop o kay nakilala. Ngayon ko lang po kasi kayo nakilala.” Sabi ko.

“I know. It’s okay, infact, I want to thank you.” Sabi niya.

Ha? Eh first time pa lang naming magmeet tapos nagpapasalamat na agad siya? May topak ata to.

“For making Kyle come back.” dagdag pa niya.

“Po?” nagtatakang tanong ko.

Ano? Ako daw ang nagpabalik sa mokong nay un ditto? Naku! Kung ako nga ang papipiliin eh ayokong makasama yun ditto.

“Sabi kasi nila Ed, simula daw nung sumali ka ditto eh lagi na rind aw umaattend si Kyle. Dati kasi lagging wala ditto yung siraulong batang yan kahit siya ang captain ball. Laging nandoon sa glee club. Kasama yung barkada niya.”

Ay naku!! Kailangan ko ng puspusang dasalan para bumalik si Kyle sa glee club.

“Ah ganun po ba. *bulong* sana bumalik na siya dun.”

“Ha?” taking tanong ni coach.

“Ah, wala po.”

Pero salamat talaga ah.”

Haters gonna LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon