Chapter two - All About Them :)

171 6 0
                                    

Chapter 2

Nicole’s P.O.V.

Sobrang ingay ng classroom ngayon. Pano kase absent ata si Sir Mendoza, tamad yung adviser na yun e, 2nd week pa lang ng klase, absent na agad. Tsk. Tsk.

Kaya eto ako ngayon, sinasagutan yung assignment namin sa Math. Kainis nga eh, 2nd week pa lang may assignment na. Ano? Atat lang magpahirap ng estudyante? -,-

“Pwedeng pakopya?” tanong ng isang lalake na tumabi sakin.

Si Pierre. Guitarist din siya ng school band naming DN Revolution.

“Ha?” yan lang nasabi ko.

“Honor student ka di ba? I’m Pierre nga pala, and you are?” tanong niya.

“Nicole.”

“Ah. Hi Nicole! Sige na please pakopya na ko. Please. Please.” With matching unggoy eyes este puppy eyes pala.

“Sige na nga.” sabi ko.

Wala naman akong magagawa, mamaya abangan pa ko sa gate at ipapa-gang rape pa ko nito. Takot ko lang. Mukha kasi siyang gangster.

Habang busy siya sa pangongopya eh tumingin ako sa paligid.Nakita ko yung isang ka-bandmate niya si L. Oo, L as in landi.

Totoo naman eh, malandi siya lahat nilalandi niya. Walang word na choosy sa bokabolaryo niya. Ayun, may kalandiang babae nanaman. Di na nagsawa. Parang hinahain ang sarili niyang eat-all-you-can buffet sa mga kababaihan.

Nalingat naman yung tingin ko kay Kiel,

yung drummer na banda at pinsan ni Kyle.

At kung ano naman ang kinakulit at kinaingay ni Kyle eh siya namang kinatahimik at kinaemo nitong si Kiel. Sobrang tahimik buti nga di napapanis laway niyan o napapamalitang bad breath. Sayang, pogi sana kaso hindi ako makakatiis sa katahimikan niyan.

“Ganyan ba talaga kayo?” bigla kong natanong.

“Huh?” pagtataka niyang sabi sabay tingin sakin.

“Puro kalokohan at pagbabanda ang inaatupag?

“Ahh. Isa ka sa haters namin no?”

Nagulat ako sa tanong niya.

“Ha? Hindi ah nagtatanong lang naman” Sabi ko.

Halatang masyadong defensive.

“Hindi naman kame puro kalokohan lang. May mabuti din naman kaming ginagawa bukod sa pagbabanda.”

“Eh ano yun?”

“Tulad ko, photographer ako ng school page. Kung wala ako, walang malalagay na magaganda at makabuluhang pictures sa school page natin hihihi XD” Sabay smirk.

Jacket nga! Tinatangay na ko ng kahanginan ng hayop na to  >.<

“Oh si Kyle, nakapagbibigay saya siya sa mga nalulungkot. Minsan sumosobra nga lang kaya halos ipakulam na siya ng mga inaasar niya.”

Naalala ko tuloy si Ella. Yung mukha niya pag na-iimbyerna kay Kyle. Laugh trip XD HAHAHAHAHA

“Si L, lahat pinapaligaya niya, kulang na nga gapangin siya ng mga babae.”

Yuck dedma na lang.  =....=

“Si Kiel naman….”

Pabitin naman to o nag-iisip pa dahil wala naman talgang mabuting ugali yung palakang yun?

“Ano?” tanong ko.

“Si Kiel mabait yan, maaasahang kaibigan. Pero minsan lang ngumiti at hindi nagsasabi ng problema. Kaya ayan emo.” Sabi niya.

Ay ang chaka naman niya hindi ngumingiti? Minsan lang magsalita.

Jusko, napakaboring atang kasama to.

“Minsan nga naiisip kong hindi ko talaga kilala si Kiel. Lagi kasing walang imik. Laging nagkikimkim.” Dagdag pa niya.

Pagkatapos nun, pinigilan ko na yung sarili kong magtanong.

“THANKYOU sa pakopya!"Sabay tayo

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon