Chapter 19

118 6 6
                                    

Chapter 16

Shella’s P.O.V.

“Antagal naman nung mokong na yun.” Sabi ni Nicole.

“Ilang oras ba naliligo yun? 2 oras? Kasing kapal ata ng encyclopedia yung libag niya.” Sabi ko.

“Hay naku, pag 10:30 na, lumarga na tayo.” Sabi naman ni Eka.

Andito kami ngayon sa palengke, hinihintay si Kyle.

Kasama kasi namin siya sa cookfest.

Ewan ko ba kung bakit siya sumali, siguro para dumamoves kay Ella. Psh. -.-

May biglang humintong sasakyan na kulay red sa harap namin O__O WOW! Ford! Mas lalo kaming nagulat ng lumabas sa kotse, si L, si Pierre at si Kiel.

“Oh? Asan si Kyle?” Tanong ni Nicole.

“Ah, eh, wala siya eh, hindi pinayagan ng ate niya kasi dadating daw yung mga magulang niya kaya kami yung pinapunta niya dito.” Paliwanag ni L.

“Psh. Umalis nalang kayo. Wala rin naman kayong matutulong.” Sabi ko.

So cruel ba? Badtrip kasi eh. Nakita ko na naman si Pierre -.-

“Teka!” sabi ni Nicole. Tapos hinatak niya papunta sa tabi niya si Kiel.

“Kailangan ko tong unggoy na ‘to. Wala talaga kong alam sa pagluluto eh, pati pagbili ng ingredients hehehe.”

“What did you just call me?” pagsusungit ni Kiel.

“Unggoy.” Straight to the point na sagot ni Nicole. Tinitigan naman siya ng masama ni Kiel.

“Ay naku, halika na nga Mr. Sungit ng maaga tayong matapos.” Tapos hinatak niya si Kiel papasok sa loob ng palengke.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Eka.

“Hindi kami pwedeng umalis dito. Dahil sabi ni Kyle mga hindi daw kayo masyadong marunong pagdating sa pagpili ng ingredients.” Sabi ulit ni Pierre.

Fine! Tama siya -__- si Mrs. Nicolas naman kasi eh, assign lang ng assign, di man lang tinanong kung marunong kaming magluto. Ay nakuuuu!

“So what are the ingredients?” tanong ni L.

Binigay ko sa kanya yung tatlong pirasong papel. Sa isang papel dun nakasulat yung main course, sa isa yung appetizer tas dessert yung huling papel.

“Mukhang mahirap tong dessert niyo ah.” Sabi pa niya.

“Sabi ni Ella sa SM pa daw nabibili yung mga ingredients niyan kaya pupunta kami dun mamaya.” Sabi ko.

Mukahng kaming dalawa lang ni L yung nagsasalita. Eto kasing dalawa parang statwa.

“Oh don’t worry, kaming dalawa na lang ni Eka pupunta dun.” Sabi ni L sabay hatak kay Eka papuntang sasakyan.

“Ha? Teka ano? Ba’t ikaw kasama ko? Shella tulong naman.” Sabi ni Eka.

“Hoy L! Tantanan mo yang si Eka!” sabi ko.

“May bibilhin din kasi ako sa SM. Wag kang mag-alala. Ibabalik ko ng buong-buo ‘tong kaibigan mo, kahit lamok di ko papakagat dito.” Sabi ni L. Tapos pinasok niya si Eka sa loob ng sasakyan. Tapos sinara niya yung pinto. Pumunta siya sa may driver’s seat, sinara yung pinto niya at yun, humarurot na.

Napangiti ako. Ang kulit kasi nila eh.

“It makes you more beautiful when you smile.” Sabi naman ng lalaki sa tabi ko.

Naalala ko, andito pala tong lalaking to. Pinagsisisihan ko ng hinayaan ko si L na tangayin si ERIKA. Ay!!!! Ba’t di ko ba naisip yun! Aish! >_<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon