Chapter 13

111 8 4
                                    

Chapter 11

Kyle's P.O.V.

Nang nakalabas na si Nicole ng music room syempre, inasar-asar namin si insan, si Kiel.

"Wow pare after 123456 years ngumiti ka ulit! Congrats! Graduate ka na!" sabi ni Pierre.

"Oo nga, insane! Siya nab a? Ha? Nililigawan mo nab a?" kantyaw ko.

"Hindi." Sabi niya.

"Eh ba't kayo magkasama?" tanong ni L.

"Ang tagal niyo eh." Matipid niyang sagot sabay kuha ng bag niya at lumakad papuntang pinto. Nakatingin lang kami sa kanya pero bago siya makalabas nagsalita muna siya.

"Bilisan niyo pupunta na tayo Kayla L. Inaantok na o." sabay labas ng pinto. 

Sa araw-araw nga eh tulog siya sa klase, tapos inaantok pa rin siya? Hanep din talaga to.

Pumunta na kami kayla L. Tambayan naming tong mansion nila dahil lagging wala sila Tito. Laging nasa business trip. Buti nga di nagrerebelde ting si L. Lagi lang siyang bored sa bahay dahil bukod sa laging wala sila Tito eh only child siya. Kaya pag tinatawagan niya kami ang ibig sabihin lang nun eh pumunta kami sa bahay niya.

Nang makarating na kami sa loob ng kwarto niya eh kanya-kanya ng pwesto. Tapos kanya-kanya ding ginagawa, si Kiel as usual nakikinig ng music, si Pierre may tinitignan sa cam niya, si L naman may binabasang libro. At ako? Wala, kaya kukulitin ko na lang sila.

Pumunta ko sa tabi ni Pierre para tignan kung ano yung kanina pa niya na tinitignan sa cam niya. Nang pagkakita ko eh puro artworks tapos picture ng isang babae, si Corps to ah. Anu nga bang pangalan nito? Si anu ba yun? Si "Shella!" ay nasabi ko pala ng malakas.

"Shella ka diyan? Sabi ni Pierre.

"Si Shella yang babae sa picture." Sabi ko

"Ano naman?"

"Ikaw ah, napapansin kong napapadalas ata ang pagpipicture mo diyan kay Corps ah. At hula ko artworks niya yang nandyan. May gusto ka sa kanya noh?" pang-aasar ko.

"Wala noh! Sira. Pinipicturan ko lang siya kasi pang stress reliever yung mukha niyang nakakatawa. At tsaka kayak o pinipicturan yung Artworks niya dahil kailangan sa school paper." Mahabang paliwanag niya.

"Lul! Denial ka lang eh!" kantyaw ko.

"Hindi nga."

"Sus. Peram ng cam mo." Sabi ko

"Ayoko nga, bakit?"

"Basta. Bakit ayaw mong ibigay sakin? Siguro may tinatago ka diyang scandal mo noh?" hahahaha sinabi ko lang yung para ibigay niya sakin yung cam niya.

"Siraulo. Oh, ito." Sabi niya sabay abot sakin nung cam.

Tinitignan ko yung pics, may hinahanap ako eh, nakalkal ko yun dati ditto eh. Yung mga mapapaamin ko talaga tong si Pierre. Asan na ba yun?

"Ano ba yung hinahanap mo?" tanong ni Pierre.

"Basta" sagot ko naman. Asan nab a yung mga yun?

BINGO! Ito na.

"Pierre." Sabi ko

"Oh?"

"Kung wala ka talagang gusto kay Corps eh ano to?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture na close up habang naghihilamos si Shella. Yung isa naman habang nagdodrawing siya ng anime sa sketchpad at yung isa close up na side view habang may kausap.

"Akin na nga yan." Sabay hablot niya nung cam.

HAHAHAHAHA Huli ka boy! Tanggi pa siya eh.

"hahaha sabi na eh. Denial ka lang."

Ewan ko sayo, mukha mo." Sabi pa niya.

Tapos ko ng asarin si Pierre, si L naman haha

"Oy pilay! Anu yang binabasa mo?" sabi ko. Pilay kasi paika-ika pa rin siya maglakad. Anlakas ata nung pagkakatapak sa kanya ni Erika. Durog ata mga buto ng daliri niya sa paa haha

"Wag ka ngang magulo." Sabi niya.

"Anu ba yan? Mukhang sa buong buhay mo dyan ka lang nagseryoso." Sabi ko sabay tawa, tumawa rin si Pierre.

"Lul." Sabi niya.

"Anu nga kasi yan?" pagpupumilit ko. Tumayo si L sabay sabing "Love tips para sa manloloko, babaero, denial, naguguluhan, takot mainlove, solo flight sa love, na-friendzone, martyr, torpe at iba pa by tropang unicorn." Na para bang salesman na binebenta samin yung libro. Binato ko nga siya ng unan.

"Aray!" sabi niya.

"Kadiri ka! Ba't ka nagbabasa niyan? Gayshit =__=" sabi ko

"Lul baka ikaw yung bakla. Ano naman kung nagbabasa ako nito? Wala kong magawa eh." Pagdedepensa niya.

"Saan mo naman napulot yang kakornihan nay an?" sabi naman ni Pierre.

"Sa ex ko. Binigay niya sakin, sabi pa nga niya para daw magbago na ko." Sagot naman ni L.

"Maganda kaya. At saka ang astig ng mga payo nila." Dagdag pa niya.

"Sige nga, magbasa ka ng isa." Sabi ko naman.

"Osige,ito, naguguluhan tip no. 45 Kung lagi ka niyang inaasar, ito ang quote para sa'yo: Dalawang dahilan kung bakit mo inaasar ang isang tao, it's either gusto mo siayng inisin o gusto mo lang magpapansin."

Natigilan naman ako. Para sakin ba yun? Tinamaan ata ako pero sa totoo lang, parang totoo na ewan yung quote. Oo, lagi kong inaasar si Ella kasi gusto ko siyang mainis. Pikunin kasi, ang sarap inisin kumbaga pero minsan nararamdaman kong kulang yung araw ko kasi di niya ko pinansin. Alam mo yun? Yung parang.. Ah basta. Di kaya araw-araw ko siyang iniinis kasi gusto kong mapansin niya ko?

"Astig yun ah. Isa pa nga." Sabi ni Pierre.

"Osige, ito naman, Denial tip no. 1 Bakit ka nga ba deny ng deny? Kasi takot kang aminin sa sarili mo na inlove ka sa taong di mo inakalang kababaliwan mo."

Shoot! Three points! Haha Di nakailag si pareng Pierre dun ah haha Poker face tuloy siya haha

"Isa pa, isa pa" hirit ko.

"Enamo, inu-uto mo na ko eh" sabi naman ni L. Langya namura pa ko =___=

"Dali na, Arte pa eh." Pagpupumilit ko.

"Last na to ah mga kumag kayo. Torpe tip no. 216. Wala kang mararating kung tititigan mo lang siya, kilos kilos din pag may time." Haha ang kulit nun ah. Napatingin ako kay Kiel, tulala si mokong, Nakikinig din ata samin tapos tinamaan haha

"Peram nga." Sabi ko. Binigay naman sakin ni L yung libro at nagbasa ako ng isa.

"Babaero tip no.13 sa bawat isang babaero ay mayroong isang istoryang tinatago kaya bago ka magsumpa ng isa sa kanila alamin mo muna kung ano ang nakaraan niya."

"Wow! Eh di meron ka pa lang istoryang tinatago L?" kantyaw ni Pierre.

"Siraulo! Wala noh! Nagpapaniwala ka dyan!" Sabi naman ni L.

"Eh ikaw nga tong nanguna eh." Sabi ko.

"Sabi mo pa nga maganda at astig yung ayo nila eh." Dagdag pa ni Pierre.

"Tigilan niyo nga ako. Amin na nga yan." Sabi ni L sabay kuha nung libro. Kmaing dalawa naman ni Pierre eh tawa lang ng tawa.

Haters gonna LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon