Chapter four - 0_0 !!!!!!!

155 4 0
                                    

Chapter 4

Ella’s P.O.V.

 “Ella, goodluck sa pagtatry-out mo!” sabi ni Eka.

“Go! Kaya mo yan! Ichicheer ka namin! Go! Ella! Go!” sabi naman ng ever energetic na si Nicole with matching dance steps pa.



“O sige sige salamat!” sabi ko sabay kuha sa raketa ko at nagbabye.

Naku! Late na ko, 4:00 p.m. ang start samantalang 4:10 na!

Go Ella, magninja moves ka, takboooooooo!

At ayun sa sobrang bilis kong tumakbo hindi ko namalayan yung nasa harap ko at yun….

Bumangga ako sa poste.

Napa-upo ako at tumilapon lahat ng gamit ko.

May narinig akong tumawa tapos pinulot niya yung mga nagkalat kong gamit.

Pagka-angat ko ng ulo ko, nakita ko si gorilla. Leche, sira na naman araw ko.

Pagkatapos niyang pulutin yung mga gamit ko eh inoffer niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo.

Tinapik ko yung kamay niya at tumayo mag-isa.

Kinuha ko yung gamit ko na hawak niya pati yung raketa.

“Magtatry-out ka?” tanong ni Kyle.

“Obvious ba? Malamang naman di ba?” pagsusungit ko.

“Gusto mo makapasok?”

“Magtatry-out ba ko kung hindi? Bahala ka nga diyan.” Sabi ko sabay alis.

Tumakbo na ko papuntang badminton court.

Pagdating ko dun, pinalista yung pangalan ko at pinasurrender yung ID .

Pang-walo pa ko sa sasalang. Ang kalaban ko pa varsity, nanginginig yung tuhod ko. Pag natalo ka, wala; laglag ka na agad.

NAKO NAMAN! KINAKABAHAN AKO  >.<

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon