Chapter 3
Shella’s P.O.V.
Lunch time na. Sabay kaming tatlo nila Ella at Erika. Kami na lang nagsama-sama total pare-parehas naman kaming haters ng DN Revolution. Nang makahanap na kami ng table may biglang tumapik sakin.
“Pasabay! :))” pasigaw niyang sabi.
Eto talagang si Nicole, makabasag eardrum ang boses.
Um-oo na lang kaming tatlo, baka mamaya magwala pa to pag di kami pumayag.
Tahimik kaming kumakain ng bigla ulit siyang nagsalita.
“Anong club niyo?”
“Hah?” sabay-sabay naming sabi.
“Anong ha? Club lang di niyo pa alam. Wag niyong sabihing wala pa kayong club? Club launching na sa Friday.”
“Hala. Tapos na ba yung audition sa Dance Troupe?” sabi naman ni Eka. Short for Erika.
“Hindi pa, alam ko bukas pa yun eh.” Sabi ko naman.
“MAG DA-DANCE TROUPE KA!?” gulat na tanong ni Nicole
“Ay hinde, baka mag-glee club siya. Kakasabi pa lang di ba -.-" ?” sagot naman ni Ella.
Hindi siya pinansin ni Nicole at nagpatuloy lang sa pagtanong.
“Marunong ka palang sumayaw?” tanong pa niya.
“Oo. Dance troupe ako sa dati kong school.”
“Ahh” sabay subo ng kanin.
“Eh ikaw ano ka?” tanong naman ni Eka kay Nicole.
“Drama club.” Seryoso niyang sabi.
Nagulat kaming lahat sa kanya. Pano ba naman kase nung dating nagpapraktis siya para sa play naming sa English na Romeo and Juliet eh halos mabato ko siya ng libro dahil nakakaasar yung pag-arte niya bilang Juliet. Ayun napalitan tuloy siya.
Tumingin kaming dalawa ni Ella sa kanya sabay…
“HUWEEEEEEEEEHHHH?”
“Grabe naman kayo. Minsan na nga lang mangarap, hindi niyo pa ko suportahan T^T ” Sabi pa niya umarteng na-hurt.
“Bakit? Di ba siya marunong umarte?” tanong naman ni Eka.
“Naku, mas gugustuhin mo pang panuorin si Mike Enriquez na nagbabalita kaysa sa makita mong umarte siya.” Sabi ni Ella.
Tumawa na naman kaming apat.
“Grabe naman kayo.” Sabi ni Nicole pero natatawa rin sa sarili.
“Joke lang naman yun eh, Math club talaga ko.” Dagdag pa niya.
“Eh ikaw Ella? Ano sayo?” tanong ni Eka kay Ella.
“Magtatry-out ako sa badminton.” Sagot naman niya.
“Ahh.”
“Wag mo nang tanungin si Shella. Obvious naman eh.” Sabi ni Ella.
Tapos tumingin sila sakin,,,,
kase naman imbis na kumakain ako eh nag-iisip ako ng pwedeng design sa bulletin board. Ma’am kase masyadong atat.
Bigla naman naming narinig yung mga babaeng nasa kabilang table na nagtititili.
“Ayy! Tutugtog daw yung Death Note Revolution sa club launching! It’s like OH! MY G!!!!!” sabi nung isa.
“Leche sarap pagkukurutin sa singit.” Sabi ni Ella.
“I’m gonna hear my loving L’s voice EEEEEEEEE!!!” Sabi nung isa with matching sobrang kinikilig pa.
“Anong loving sa voice nun?-_______-” sabi ni Erika.
“I'M SO KINIKILIG NA! :"""""">! I’m gonna watch Pierre! I missed him so much!!!” Sabi nung isang babae with matching ngiting tagumpay.
“Sarap hagisan ng sketchpad. Anlalandi =.=.” Sabi ko naman.
“WE LOVE DEATH NOTE REVOLUTION!!! :"""">♥ ♥ ♥" sabay-sabay pa nilang sigaw.
“Eh kung pagtatadyakan ko kaya sila isa-isa?! Badtrip ang ingay!” sabi naman ni Nicole.
“Hali na nga kayo, feeling ko magigitgit nanaman tayo dito eh.” Sabi ni Ella kaya tumayo na kame.
Nang makalayo na kames a canteen narinig naming yung mga babae na nagwawala at nagsisisigaw.
Hindi nga nagkamali si Ella.
Buti na lang at umalis na kami kundi baka dumeretso kami sa clinic ngayon dahil sa sakit sa buto-buto.
BINABASA MO ANG
Haters gonna LOVE <3
Novela Juvenil“ Love comes to a Person at an UNEXPECTED TIME, in an UNEXPECTED PLACE, with an UNEXPECTED PERSON” Paano ka nga ba maiinlove sa taong kinaiinisan mo? Wala naman talaga silang balak mainlove. But love had found them.