Chapter Five - Sayang effort -_-

147 4 0
                                    

Chapter 5

Nicole’s POV

Ms. President?” sabi ni ma’am na kakapasok pa lang sa classroom.

Walang tumayo sa mga kaklase ko.

“Ms. President.? “ ulit ni ma’am.

Tumingin sa kin lahat ng mga kaklase ko.

BAKIT? May ginawa ba kong masama?

“MS. PRESIDENT DAW!!!“sabay-sabay pa nilang sabi.

Ha????

Ay. Anak ng siopao! Ako nga pala yung president .

Ba’t ko nga ba nakalimutan yun? Shemai naman.

Nag-peace sign ako sa kanila at saka tumayo. At pumunta sa flatform kung nasaan si ma’am.

“Okay class, as we all know, tuwing month of July, sini-celebrate natin ang Nutrition month….” Bungad ni ma’am.

Dito sa school namin every month may activity. Kunwari tuwing August sini-celebrate ang Buwan ng Wika, tuwing September naman, Math month, Tuwing October, rosary Month. And so on and so forth.

At dapat sa bawat contests sa buwan na ito ay dapat may participant tayo. So just raise your right hand, kung interesado kayo sa isang particular na contest at ililista ni ms. President ang panagalan niyo as our participant. Okay.. so let’s start.” Sabi ni ma’am.

Inannounce niya na lahat ng mga contest na pwede naming salihan.

Ako naman tong taga-lista ng mga nagtataas ng kamay. :/

last, is the cookfest.” Biglang sambit ni ma’am

May tatlong nagtaas ng kamay kaya sinulat ko na agad ang panagalan nila.

tatlo lang ba? Kailangan natin ay 5 members.” sabi ulit ni ma’am.

Wala pa ring nagtaas ng kamay.

Ma’am ba’t din a lang po si ms. President ang isali natin?” banggit nung isa kong classmate.

HA? Ako? Eh hindi nga ako marunong magbukas ng kalan magluto pa kaya? Hampasin kita ng kaldero dyan ng kaldero eh! Kung sino kamang hinayupak ka!. -__-

ma’am, hindi po—“ pero hindi na pinatapos ni ma’am yung sasabihin ko.

“Isulat mo na dyan yung pangalan mo.” Sabi pa niya.

Arghhhh! Bahala sila. Wag na wag nila kong sisisihin pag natalo kami.! Pusang gala naman oh!. >.<

sino pa pwede sumali? Isa na lang ang kulang.”

“Ma’am si Kiel po. Magaling po yang magluto! Malufet!.” Sambit naman ni Pierre.

Lahat naman kami napatingin kay kiel na as usual eh tulog nanaman.

Bigla naming bumulong sa kin si ma’am. “Kumbinsihin mo si Kiel na sumali sa cookfest.”

“ha? Ma’am, eh hindi ko nga po nakakausap yan.” Angal ko.

Osige, ganito na lang. Pag nakumbinsi mo si Kiel sumali, magkakaroon ka ng exemption sa exam”

Bigla namang may lumabas na star na kumikinang sa mata ko. Hahaha. Siyempre joke lang yun.

Sige ma’am.” Sabi ko.

Oy! Saying din ang exemption ahh! Hahahaha.

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon