Chapter 12

111 6 2
                                    

Chapter 12

Nicole’s P.O.V.

Andito ako ngayon sa room ng Math Club. Ang boooooooring >.< Ang tagal pang dumating ni Ma’am Del Castillo. Buryong-buryo na ko.

Narinig ko naman na biglang sumigaw yung isang babaeng malapit sa pinto.

“Ohmg! Papunta ditto si fafa Kiel!” sabi niya sabay palo dun sa katabi niya sa sobrang kilig.

Hindi ko na lang pinansin baka kasi nagdedaydream lang yung babae. At tsaka Hello?! Si Kiel papunta dito sa Math club? Imposible ata yun.

Nagulat na lang ako ng may biglang tumabi sakin.

Pagkatingin ko, halos lumuwa yung mata ko. Nagblink pa nga ako ng mata ng ilang ulit pero siya talaga yun.

Si Kiel.

“Ba’t ka nandito?” pagtatakang tanong ko.

“Bakit? Bawal ba?” sagot naman niya.

“Asaan yung mga kaibigan mo/. Ba’t di mo sila kasama?”

“May kanya-kanyang club.” Sagot niya.

Napatingin naman ako sa paligid ko.

Ang sama ng tingin nila sakin. Bakit? Syempre katabi ko yung prince nila. Bwiset! Baka di pa ko makalabas ng buhay ditto =__=

“Dun ka nga!” sabi ko sabay turo sa kabilang upuan. Tumingin naman siya dun.

“Ayoko nga.” Sabi niya

“Bakit? Dun ka na lang.”

“Wala akong katabi.” Sabi niya sabay pumusisyon para matulog. Hay! Bahal na nga.

Maya-maya eh dumating na si Ma’am Del Castillo.

“Okay, Welcome to MATH CLUB guys. And I hope you will enjoy your stay here.” Sana nga. Sana nga di ako malison dahil baka mapanis laway ko dito. May katabi nga ako, wala namang imik eh di parang wala rin.

“For our first activity. Quiz Bee.” Sabi ni Ma’am.

Ofcourse as usual, sa dalawang taon na Math club member ako eh kabisado ko na ata ang schedule ng activities. Quiz Bee, tapos magsosolve ng puzzles tapos gagawa ng tessellations, logarithms at iba pa. Oh? San ka pa? Math club na! Leche.

“Para naman magkaroon ng spice itong quiz bee na ito, kung sino ang mananalo ay exempted sa quiz at project. And BTW, by partner ito, kung sino ang katabi yun ang kapartner. Understood?” sabi ni ma’am

Hay buhay, masyado ata akong pinagpala ngayon dahil sa magaling kong katabi.

Napapanis na ang laway ko, eh mukhang wala pa ata akong pag-asang manalo dito sa quiz bee dahil bukod sa nakalimutan kong magbasa kagabi eh may partner pa kong wala namang ginawa kundi matulog.

Bahal na nga.

Nagsimula na yung quiz bee. So far nasasagot ko naman yung mga tanong yung iba tama pero karamihan mali, hindi nga kasi ako nakapagbasa. Mahirap kaya :3

“For 5 points.” Sabi ni Ma’am

Wow 5 points? Makakatie ko na yung nangunguna kung sakaling masagot ko to. Sana lang, sana lang talaga.

“What is the point of intersection of blahblahblah?

Yun! Medyo tanda ko to. Nagsolve naman ako kaso bigla akong nablangko nung malapit ng matapos, nakalimutan ko yung next step. Patay! Ano nga bay un?

“Last 20 seconds” sabi nima’am

Hala! Hindi ko na masagot. Shet! Nagpapanic na ko ng biglang hinablot ng katabi ko yung papel at ballpen ko tapos sinolve niya. Walang kaimik-imik tuloy-tuloy lang siya sa pagsosolve tapos nagulat na lang ako nung inabot niya kay ma’am yung papel namin.

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon