Chapter 8 - picture :)

126 7 1
                                    

Chapter 7

Shella’s P.O.V.

Club Launching na. Ang lahat ay nasa gym at dahil COR ako eh kailangan ko ng maghanda para sa colours, yun yung pagmamartsa ng mga CAT officers para sa flag ceremony.

“And now for the flag ceremony here are the CAT officers.” Sabi ng announcer.

Nagmartsa na kami at habang nagmamartsa eh, nagulat na lang ako ng may naramdaman akong flash ng camera sa gilid ko.

Bwisit!

Ang panget ko dun!

Epic face dahil bawal nga ang nakangiti dapat seryoso lang, for short poker face =___=

Sino kayang pontio pilato ang nagpicture sakin? Pasalamat siya at bawal lumingon kundi natadyakan ko siya ng bongga!

Nang matapos na kami eh dumeretso na kaming backstage para umexit.

At dahil kinausap ka ako ng isang teacher eh naiwan ako habang sila nakababa na ng backstage para manuod ng program.

Nang matapos akong kausapin nung teacher eh papalabas n asana ako ng may marinig akong tumawa sa likod ko.

Paglingon ko ay nakakita ako ng demonyo este si Pierre pala.

Wala na, sira na naman araw ko.

Tinalukuran ko na lang siya. Malay ko ba baka nababaliw nay un o baka may saltik lang talaga.

Pero nagsalita siya ulit.

“Kahit kalian talaga nakakatuwa yung itsura mo!: sabi niya sabay tawa ng malakas habang nakatingin sa cam niya.

Aba'y demonyo talaga to! Lumapit ako sa kanya para kunin yung camera pero iniwas niya sakin yun.

“Ano ba! Akin na nga yan!” sabi ko.

“Ayoko nga! Ipapasa ko pa to sa EIC (Editor-in-chief) ng school page natin para ipublish” sabi niya sabay tawa ulit.

“Akin na kasi! Akin na sabi eh!” pero tinaas niya yung cam gamit yung kanang kamay niya.

Eh di siya na! siya na matangkad! Tumalon-talon ako baka sakaling maabot ko.

Pero hindi talaga. :( 

Hanggang sa tumalon ako ng mataas at paglanding ko eh naout-of-balance ako,

kaya yun lumanding ako sa kanya at napahiga kaming dalawa. Ako yung nasa ibabaw >.<

Nagkatitigan kaming dalawa.

Di ko alam pero bigla akong kinabahan.

Parang nagstop yung mundo.

Ang weird.

Bigla naming dumating yung mga kabanda niya at nagulat. Maski naman ako nagulat din eh.

“Uy Pierre, tara…” sabi ni Kyle.

“ANO YAN?” sabay sabi ni Kyle at L, si Kiel nakatingin lang samin pero halatang nagulat din dahil nanlaki yung mga mata niya.

Narealize ko naman kung anong posisyon namin kaya tumayo agad ako at kinuha yung cam na napunta sa gilid.

Binura ko yung mga pics ko, sabi na eh, ampanget ko talaga dun. Poker face :3 Badtrip talaga tong mokong na to!

Nang mabura ko na lahat eh binigay ko na sa demonyong yun yung cam niya na noon ay nakatayo na sabay baba ng backstage para manuod ng program.

Nakita ko naman sina Erika, Nichole, at Ella sa unahang row na nakaupo sa monoblocks, may sobrang upuan sa tabi ni Ella kaya dun ako umupo.

“San ka galling? Ba’t ang tagal mo?” tanong ni Eka.

“Ah kasi kinausap pa ako nung isang teacher.” Sabi ko. Yun na lang sinabi ko dahil baka lalo lang akong mainis pag nagkwento pa ko.

“And now, the moment that we’ve waiting for. Here are the Death Note Revolution!!” sabi ng host.

Nagsitayuan naman lahat mapababae, mapalalaki at mapateacher eh lahat sila nagsitayuan at nagsisigaw. Kaming apat lang ata ang hindi tumayo. Bahala sila diyang mabaliw sa apat na mukhang palakang yan.

At dahil nasa unahan kami eh, kitang-kita pa rin naming ang pagtugtog ng mga bwisit na yan.Biglang nagstrum na yung gitara nina Pierre at Kyle. Intro pa lang alam mo na kung ano ang tutugtugin nila.

Humiyaw naman yung mga babaeng nasa likod namin.

“♫ Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso. Tuwing magkahawak an gating kamay ♫” Panimulang kanta ni L na nagpapabaliw sa mga babae niya. Bigla namang natamaan si Nichole sa ulo ng kamay nung mga babaeng nasa likod niya.

“Aray!” sabi ni Nichole habang hawak yung ulo niya sabay tingin sa likod.

“Di ba pwedeng chill lang? Kumakanta lang naman sila! Hindi pa sila mamamatay!” pagtataray niya. Tumawa naman kami ng mahina. Inirapan lang siya nung babae tapos tuloy pa rin sa pagsisigaw.

“Aba’y bwisit…” sabi ni Nichole na aktong susunggaban yung babae kaso pinigilan siya ni Eka.

“Ikaw ang chumill diyan.” Sabi pa niya. Umayos naman ng upo si Nichole at kumalma pero bumubulong-bulong.

“♫ Sa lahat ng aking ginagawa, ikaw lamang ang nasa isip ko sinta… ♫” hiyawan ulit yung mga tao.

Sa pagkakataong ito eh si Ella naman ang napurnada nung mga babae sa likod, nabatukan naman siya. Lumingon siya sa likod at tinignan niya ng masama yung mga babae pero inirapan lang din siya.

“Oh, ikaw naman ang chumill ngayon.” Sabi ko baka kasi mamaya magtransform pa to haha

Malapit ng matapos yung kanta. Nagulat naman kaming apat dahil tumingin sa direksyon namin si L or should I say eh tumingin kay Erika tapos kumanta.

♫ Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong dinarasal… Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta… Wala na kong hihingin pa, Wala na… Oohh, ooohh, oohh. ♫” sabay kindat kay Eka tapos nagsmile, nakita ko naman ang pagkalamukos ng mukha ni Eka.

“Kadiri!” bulong pa niya.

Nang matapos na yung kanta., tumayo silang apat sa gitna tapos nog-bow. Humiyaw naman yung mga audience habang kaming apat dito, yamot na yamot na. :3

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon