Chapter 11

114 8 0
                                    

Author's note:

Sorry po kung ngayon lang nakapag update. busy po kase ehh.

sorry po talaga. pero thank you po sa comments at votes. ilove you po! :))

Vote and comment :))

Enjoy po :))

------

Chapter 9

Shella’s P.O.V.

11:00 AM

Mukha na kong taong grasa na pakalat-kalat sa campus dahil sa damit kong punong-puno ng iba’t-ibang kulay ng paint.

Dahil nga nasa Arts Club ako eh unang pinagawa samin is pointing. Ang concept? Love.

Langyang buhay to. Eh hindi ko pa nga nararanasan yun paano ko yun iiinterpret? Kung anu-ano na lang pinaggagawa ko kaya ang ending ayun.

Pagkatapos kong magpaint eh dumeretso na ko ng CR para magpalit ng damit at hugasan yung mga ginamit ko.

Natapos na kong magbihis at kasalukuyang naghuhugas na ng paintbrush ng biglang sumara yung pinto ng CR.

Natakot ako. Paano ba naman kasi may mumu daw ditto sa CR, nagbigti daw sa 2nd cubicle.

Narinig kong may taong humihinga na para bang pagod na pagod. Nakatalikod ako kaya hindi ko siya makita.

Sa sobrang takot ko eh pumikit ako tapos huminga ng malalim as n deep, sobrang deep. Tapos humarap ako sa kanya, nakaharap din siya sakin.

Moment of silence….

“Ahhhhhh!” sabay naming sigaw.

“Ba’t ka nandito? Ba’t ka nandito? Ha?” sabay pinagpapalo ko siya, si Pierre.

“Aray! Teka..kasi..Aray!” sabi niya

“Bakit mo sinara yung pinto? Siguro may gagawin ka sakin noh? Bastos ka talaga! Bastos! Bastos!

Pinagpapalo ko pa rin siya.

“Aray! Masakit yun ah! Sige! Aray! Ayaw mo kong tigilan ah!” sabi niya sabay kuha sa dalawang wrist ko.

Hindi ako makapalag.

Ang lakas niya.

Sinandal niya ko sa pader tapos yung dalawang wrist ko na hawak pa rin niya eh nilagay sa dalawang gilid ng mukha ko.

Help me! Hindi to pwedeng mangyari! Bata pa ko! Marami pa akong pangarap sa buhay T.T

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

Lord! Magpapakabait nap o talaga ako! Napapikit ako. Ayokong Makita pagmumukha ng chonggong to.

Narinig ko naman siyang tumawa kaya napadilat ako.

“Ba’t ka pumikit? Hahahahaha Siguro akala mo hahalikan kita noh? Asa ka! Choosy ako noh.” Sabi niya habang tawa ng tawa tsk

“Ang kapal din naman talaga ng mukha mo eh noh?! Hoy FYI pumikit ako dahil ayokong Makita yang pagmumukha mo at tsaka..” hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

“Shhh! Sige isa pang hirit mo hahalikan na talaga kita!”

Takot naman ako kaya nanahimik na lang ako.

“Kaya lang naman ako napadpad ditto eh dahil hinahabol ako ni Ms. Grace.”

Si Ms. Grace yung moderator ng Arts club. Pero bakit kaya siya hinahabol ni ma’am?

“Kaya wag kang mag-alala hindi ako nagpunta ditto para gawin kung ano man ang iniisip mo.” Sabi pa niya.

“Pero kung gusto mo eh ayos lang naman sakin.” Pahabol pa niya sabay smirk.

Err jerk! Sira naman pala talaga tuktok nitong hayop na to eh!

“Ang kapal ng…”

“Shh! Sige ka! Hahalika kita!” Panakot niya. Leche! >.<

Tumingin siya sakin tapos parang ewan. Bigla atang nag-iba yung aura niya.

“Pero may napansin ako.” Sabi ulit niya. Napataas naman yung isang kilay ko.

“Ang ganda mo pala sa malapitan.” Dagdag pa niya.

Nagulantang ako sa sinabi niya pero hindi ako kumilos. Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw.

Nakatingin lang kami sa isa’t-isa. Hindi nagsasalita. Yung tipong kroo-kroo talaga. Biglang bumukas yung pinto ng CR. Napatingin kaming dalawa dun, si Ate Janitress pala pero halatang gulat na gulat siya.

Naalala ko yung posisyon naming ni Pierre. Ay shet!

Kumilos ako at tinanggal yung pagkakahawak niya sa wrist ko. Tinanggal ko yung pagkakaharang nung dalawang braso niya sagilid ng mukha ko. At kinuha yung mga paintbrush ko sabay labas ng CR.

Nakatingin lang si Ate Janitress sakin. “Good Morning po.” Sabi ko sabay bow.

At ewan ko ba kung bakit ako nag-bow Tae! nagmamadali akong maglakad, siguro dahil na rin sa kahihiyan.

Haters gonna LOVE &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon