Chapter One - Kafederasyon :P

260 7 0
                                    

Chapter 1

Erika’s P.O.V.

Simula ng magtransfer ako sa school na to, eh araw-araw na kong umuuwing halos kalas-kalas na ang mga buto.

Pano ba naman kase, walang araw na hindi ako nagitgit ng mga pokpokitang babaeng tili ng tili at parang kalalabas pa lang ng mental hospital pag nakita na yung apat na lalakeng mukha namang palaka.

Hay! Nakakainis! Ayan nanaman sila, papunta na yung mga babae ditto. Takboooooooooo!

Pero dahil sa katangahan, natapilok ako -________- Ayy shet! Nakakahiya.

Pagkatapos nun nakita ko na yung tatlong lalake na nauna nang maglakad habang sinusundan pa rin ng mga babae.

Patayo na sana ako ng may nakita kong kamay sa harap ko. Pag-angat ko ng ulo, nakita ko yung isa sa apat na lalaking mukhang palaka.

“Need some help?” sabay ngiti.

Badtrip. Di niya lang alam pero isa siya sa mga dahilan ng pagkabwisit ko araw-araw.

Tumayo na lang ako mag-isa at iniwan siya dun. Naglakad na ako papuntang locker ko.

Pagdating ko sa locker dun ko nilabas lahat ng inis ko.

“Akala mo naman pagkagwapo-gwapo mukha namang mga palaka!”

“Oo nga! Kaloka!” sabe nung isang babae.

“Eto namang mga babaeng to akala mo nakawala sa hawla kung makatili! Mga mahaharot!” sabe pa ng isang babae.

“Ansarap pagtatadyakan!” galit na sabi nung isang babae.

“At dahil sa kanila…”

“Ansakit ng mga buto-buto ko ngayon!” sabay-sabay naming sabi.

Nagulat ako, may mga kausap na pala ko.

Napatingin ako sa gilid ko. Di ko alam pati rin pala sila kinaiinisan yung mga palakang yun.

“Kayo rin?” sabay-sabay naman naming tanong.

Nagkatinginan kami sabay humalagapak ng tawa.

“Ako nga pala si Erika, bago lang ako dito. Kayo ba?” tanong ko.

“Ella nga pala, nice to meet you.. ,J section Amethyst ka ba?” sabi nung isa. Pansin kong mahinhin siya at simple lang.

“Oo” sabi ko.

“Eh di magkaklase pala tayo J” sabi ni ella ng nakangiti pa.

“Ako rin, kaklase niyo ko J, ako nga pala si Shella” Sabi nung isang babae, na parang pasan na ang mundo dahil sa mga bitbit niyang mga paint.

“Ay, ano bayan ako lang nahiwalay,Ako nga pala si Nicole, taga section Zircon. Happy to serve!” sabay gaya dun sa ginagawa ng mga sales lady sa SM. Grabe ang hyper nito ah. Natawa na lang ako sa kanya.

Biglang nagring yung bell.

“Ay bell na. Sige una na ko. Nice meeting you guys. Babush!” sabay kaway samin at umalis.

“Tara na, baka malate din tayo. Tulungan ka na naming jan” sabi ko at timulungan na naming si Shella. Baka mamaya maligo to sa paint eh.

Pagdating naming sa classroom, nakita ko agad yung isang lalake na kasama sa mga tinitilian ng mga babae.

Nang makita niya kame, bigla siyang lumapit samin.

“Andito nanaman si gorilla.” Inis na sabi ni Ella.

“Sinong gorilla?” sabi nung lalake

“Ikaw! Sino pa ba?”

“Wow! Eh ikaw sino ka?”

“Engot ka ba? Si Ella ako.”

“Hindi kaya.”

“Ano?”

“Sa sobrang sungit mo kase nagiging kamukha mo na si Aling Dionisia.”

Tumawa naman kaming dalawa ni Shella.

“Ang kapal talaga ng mukha mo!”

“Oo. POGI AKO!”

Ibubuhos na sana ni Ella yung paint dun sa lalake.

“Oy sayang yan!” pagpigil sa kanya ni Shella sabay kuha nung paint.

“Ano ba kasing kailangan mo?”

“Manghihiram lang sana ng ballpen” Sagot niya

“Ang aga-aga walang ballpen” Sabi ni Ella

“Eh di pahiramin mo ako para masaya.”

“Manigas ka!”

Tapos umakto siyang nanigas.

“Ang corny mo!” imbyernang sabi ni Ella.

“Sungit mo!”

“Itusok ko to sa mata mo eh!” sabay umaktong sasaksakin siya gamit yung isang ballpen.

Bigla namang kinuha nung lalake yung ballpen.

“Thank you!” sabay takbo. Huminto muna siya, at lumingon, sabay kumindat at nag-smirk.

“Arrggghhhhh!” sigaw ni Ella.

Nagkatinginan na lang kami ni Shella tapos sabay mahinang tawa.

Nilagay na naming yung paint sa desk ni Shella. Si Ella bumalik na sa upuan. Inis pa rin siya.

Dahil sa curious ako, eh nagtanong na ako.

“Sino ba yung lalakeng yun?”

“Sino?” sagot niya habang sinasalansan yung mga paint.

“Yung lalaking kausap ni Ella kanina.”

“Ahh. Si Kyle yun.”

“Kasama siya dun sa apat na lalake di ba?”

“Apat na lalake?..... Ahh.. Yung Death Note Revolution.”

“Ha? Ano yun?”

“School band natin yun.”

“Ahh.”

“Si Kyle yung isa sa guitarist nung banda. At sa pagkakaalam ko eh siya yung pinakamakulit at joker sa kanila.”

Dumating na si Mrs. Nicolas kaya bumalik na kami sa proper seats.

Haters gonna LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon