Chapter 16.2 Kiel's POV

95 4 0
                                    

Chapter 13.2 Win or Loose?

Kiel’s P.O.V.

Boring sa room.

Pagod na rin ako matulog.

Oo nakakapagod din matulog, try niyo minsan.

Bumalik na si Pierre sa room.

Galing siguro sa DC Office.

As usual.

Pero bakit siya umupo sa tabi ni Nicole?

Baka mangongopya?

Pero nag-uusap lang sila eh.

About san kaya?

Close na ba sila?

Yeah, as if I care -_-

Napatingin sakin si Pierre. Nagulat ata siya.

Tapos ngumiti. Ngiting nakakaloko.

Siraulo to ah.

Tapos lumingon din sakin si Nicole.

Oh? Anong problema nila?

Bahala nga sila dyan.

Recess time.

Tinamad na kaming pumunta ng canteen. pagtitilian lang naman kami dun ng mga babae. Si L lang naman nag-eenjoy pag ganun. For me? Nah. Girls like them are irritating!

“Eh kasalanan mo naman pala pare eh.” Sabi ni Kyle.

“I know. Pero nagsosorry ako, ayaw niyang tanggapin.” Pagpapaliwanag ni Pierre.

“Suyuin mo kase, kailangan lang yan ng konting lambing.” Said L. Nagbabasa na naman siya ng libro, yung dati pa niyang binabasa. Corny Cassanova -.-

“Iba naman si Shella, kung lalambingin ko yun tulad ng paglalambing mo sa mga babae mo, eh baka nabugbog na ko sa tadyak.” Said Pierre.

Well he’s right.

Sa itsura at ugali ni Shella, baka maging matandang dalaga yun.

“Hindi ko hahayaang mangyari yun.” Sabi ulit ni Pierre.

Ha? Nababasa ba niya nasa isip ko?

“Hindi ko hahayaang magtagal to. Kailangang may gawin ako.”

Yun naman pala.

“Anong gagawin mo?” Tanong ni Kyle.

“I don’t know :( ” sagot naman ni Pierre.

Psshhh.

Ambabaw.

“Ambabaw.” sabi ko.

Napatingin sila sakin.

“Anong ambabaw?” tanong ni Pierre.

“Tsk. Pag ikaw nagkagirlfriend kahit utot mo pag-aawayn niyo.” Sabi naman ni Kyle.

“Asa.” Sabi ko naman.

“Sus. Eh kanina nga kung makatingin ka sa amin ni Nicole parang kakainin mo ko.” Sabi ni Pierre tapos tumawa.

“Tsskkk -____-“

“Hahahaha, selos ka ba? Wag kang mag-alala pare hindi ko type yun hahahaha.” Sabi ulit niya.

Bahala nga kayo dyan.

Matutulog na lang ako…

Uwian.

Ayoko pang umuwi.

Nakakatamad.

Dito muna ko sa library.

Haters gonna LOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon