RYAN
Pagod na pagod ako. Umaga na ako nakauwi, hindi ko na nacheck yung oras. Pinapunta kasi ako ni Yana sa gym. Magpapatulong siya sa akin. Nagpatulong siya sa akin at sa mga kaklase niya para i-set up 'yung gym. Sosorpresahin niya kasi yung boyfriend niya. Buti naman masaya na siya. Sana hindi niya gawin sa boyfriend niya 'yung ginawa niya sa akin dati.
Sa lahat ng babaeng niligawan ko, kay Yana ako nagseryoso nang sobra. Hatid sundo ko siya kahit out of the way ang bahay niya. Wala akong paki noon sa gas, gusto ko kasi talaga si Yana. Kapag magkasama kami, wala siyang bitbit, ako ang may dala ng lahat. Kahit sabihin niyang kaya niyang dalhin yung gamit niya, hindi ako pumapayag na dalhin niya. Ganoon ko siya kagusto, ayaw na ayaw ko siyang mapapagod. Hindi ko din alam kung anong nakita ko sa kaniya. Basta noong nasa gym ako at nanonood ng game, natanaw ko siya sa bleachers na nagchecheer sa school namin. Nung panahon na yon, nagslow motion yung paligid ko. Parang nawala lahat ng tao sa paligid ko. Siya lang ang nakikita ko noong mga oras na yon. 'Yung inaakala kong sa pelikula at TV lang pwedeng mangyari, nangyari sa akin.
Noong araw na yon, ginawa ko ang lahat para makuha ang number niya. Buti na lang dati siyang kaklase ni Steff sa isang subject, kaya may number siya ni Yana. Binigay naman niya agad kahit na pinipilit nya akong sabihin yung dahilan bakit ko kinukuha number niya.
Iyon ang mga panahon na nauubos ang allowance ko sa bill ng plan ko. Text ako ng text sa kaniya, tawag ng tawag, nagmo-mobile data pa ako noon para makita lang 'yung posts niya. Lahat, ginawa ko. Masasabi ko na talagang pinaghirapan ko ang panliligaw sa kaniya. Sobrang pinagbuhusan ko ng effort.
Kaya naman 'nung napasagot ko na siya, napakasaya ko. Kung may sasaya pa sa pinakanapakasobrang saya, ako na 'yun, panigurado. Four months ko siyang niligawan. Kaya 'nung araw na sinagot niya ako, nabura sa isip ko yung bigat ng bags niya, layo ng bahay niya, bill ng postpaid ko, 'yung bayad ko sa gas, 'yung nagastos ko sa bulaklak, lahat. Pakiramdam ko noon, ako na 'yung pinakaswerte.
Noong kami na, para pa rin akong nanliligaw sa kanya. Hindi ko tinigil yung mga ginagawa ko. Mas nainspire pa nga ako eh. Pwede nating sabihin na parang dinoble ko pa ang mga ginagawa ko noon para sa kaniya. Ipinakita ko sa kaniya at ipinaramdam ko na tama ang desisyon niya na piliin ako at sagutin ako.
Naging masaya naman kami. Sobra. Pero ewan ko ba, isang araw, bigla siyang nanlamig sa akin. Madalang na siya magreply. Hindi na pumapayag na ihatid o magpasundo. Ayaw pa makipagkita. Para bang ayaw niya na sakin. Pero di pa din ako nagpaawat. Sinubukan ko pa ring i-work out 'yung relasyon namin kahit parang sumusuko na siya. Puro away na lang kami. Walang pinapatunguhan pero sige pa rin ako.
"Hindi magwo-work out ang relasyon pag mag-isa ka lang na sumusubok." 'Yan ang sinabi sa akin ni Steff na gumising sa akin sa katotohanan. Kaya naman sinabi ko agad kay Yana na mag-usap kami. Pumayag naman siya.
Sa park sa loob ng village nila kami magkikita. Pero noong pumunta ako doon, may kasama siyang iba. Lumapit ako para makita ko kung sino yung lalaki.
"Austin." Tinawag ko siya. Si Austin. Kaklase ko siya mula elementary. Siya 'yung tumulong sa akin para maging close kami ni Yana. Siya rin 'yung hinihingian ko ng payo kapag nag-aaway kami. Bukod kay Steffi, isa siya sa naging tulay naming dalawa dahil mas malapit sila ni Yana.
"Ryan! Anong ginagawa mo dito?"
"Nakalimutan mo ata na mag-uusap tayo. Bakit kasama mo ''yan?" May kaunting pagdududa na ako noon, pero di ako nagpatinag. Ayokong pangunahan siya. Gusto ko lang marinig mula sa kaniya.
"Bakit hawak mo kamay niya?" Kitang kita ko kung gaano sila kasaya habang magkahawak yung kamay na naglalakad. Bawat tawa at ngiti nila, isang tusok sa dibdib ko.
"Ryan, I-I'm sorry.." Ayun na. 'Yun na 'yung dahilan ng pagsabog ng nararamdaman ko. Tinignan ko si Austin. Naluluha na ako pero nangunguna sa akin 'yung galit. Niloko ako. Niloko ako ni Yana.
"Putangina ka!" Isang malutong na mura at isang sapak ang pinadapo ko sa mukha niya. Wala akong pakialam noon kung magdugo yung mukha niya. Kung pagtinginan kami ng mga tao. Wala akong pakialam kasi nasasaktan ako.
"Tangina mo pare! Akala ko kakampi kita, akala ko katulong kita para maayos kami. Gago ka. Tinatrabaho mo na pala girlfriend ko!" Sinapak ko ulit siya. Parang hindi ako nauubusan ng dahilan para saktan siya. Sobrang sakit.
"Ryan!" Naririnig ko 'yung sigaw ni Yana pero hindi ko mapigil na saktan lang si Austin. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa nila sa akin. Ginago nila ako.
"Ryan, sakin ka magalit! Wala siyang kasalanan!" Napatingin ako kay Yana noong sinabi niya 'yon. Nagulat ako. Napahinto ako sa pagsuntok kay Austin. Tumigil na naman 'yung mundo ko. Nagslow motion na naman. Katulad nung una kong naramdaman noong una ko siyang nakita.
Doon ko napagtanto na may taong magpapatigil ng mundo mo sa dalawang dahilan. Una, sa pagmamahal. Pangalawa, sa sakit na idudulot ng pagmamahal mo sa kanila.
Nakita ko 'yung pagtulo ng luha sa mata niya. May sakit, pagmamakaawa, at lungkot akong nakita sa mata niya.
"Ryan please. Wag mo na siyang saktan. Ako na lang. Sakin ka magalit. Ako ang may kasalanan," umiiyak niyang sabi sa akin.
"Gusto kong magalit sayo. Pero hindi ko magawa. Tangina, mahal kita eh." Nagpunas na ako ng luha at umalis na lang bigla. Pero habang naglalakad ako pabalik sa kotse ko, nararamdaman kong mas tumitindi 'yung sakit, mas tumitindi 'yung pagtulo ng luha ko.
Nanlalabo 'yung paningin ko habang nagmamaneho, dahil sa sobrang pag-iyak ko, pero nagawa ko pa ring makauwi. Pinarada ko 'yung sasakyan ko. Pero hindi ako pumasok sa bahay. Pumunta ako noon kay Steffi.
Noong pinagbuksan niya ako ng pinto, bumagsak na agad 'yung luha ko at nayakap ko siya.
"Steff, ang sakit."
At habang umiiyak ako, naramdaman kong humigpit yung yakap niya, kasabay ng luhang naramdaman kong tumulo sa damit ko.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
RomanceSteffi is not your typical girl. Mas komportable siya na magsuot ng mga damit na panlalaki at kumilos na parang isang lalaki. At dahil dito ay naging sobrang komportable nila sa isa't isa ng best friend niya na si Ryan. Pero ang hindi alam ni Ryan a...